Anunsyo ika-15 ng Enero 2023 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo mula sa isyu ng ika-15 ng Enero

Mangyaring mag-ingat sa mga lindol

Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang lindol.

Ang Nankai Trough na lindol ay isang napakalakas na lindol ay maaaring mangyari.

Sinasabing maging ang lungsod ng Akashi ay maaaring makaranas ng malaking pinsala.

Kung kaya’t kinakailangang protektahan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagiging handa sa lahat ng pagkakataon para sa isang lindol.

Mangyaring siguraduhin na ikaw ay handa para sa isang lindol:

・Huwag ilipat ang mga kasangkapan sa bahay. May mga tamang instrument para dito.

Maaaring maging sagabal ang mga kasangkapan na matutumba dahil sa lindol, kung kaya’t ilagay ang mga ito sa isang ligtas na lugar kung saan hindi ito maging dahilan ng inyong kapahamakan.

・Mangyaring maghanda ng pagkain at tubig kung sakaling mawalan ng kuryente o tubig. Ihanda rin ang mga importanteng bagay na kinakailangang dalhhin sa oras ng paglikas.

・Tingnan at pag-aralang mabuti ang hazard map ng lungsod ng Akashi.

Ang hazard map ay isang mapa na gumagamit ng mga kulay upang ipahiwatig ang mga mapanganib na lugar. Ipinamahagi ito sa lahat noong Mayo 2022. Tiyakin ang mga ligtas na lugar na maaaring puntahan at ang ruta na tatahakin. Mangyaring magpasya kung paano rin kokontakin ang iyong pamilya.

Kung may katungan patungkol sa artikulong ito mangyaring dumirekta sa General Safety Office sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong 078-918-5069 at ang facsimile number naman ay 078-918-5140.

Paunawa tungkol sa bakuna para sa corona

Maaaring magpabakuna sa corona hanggang ika-31 ng Marso 2023.

  1. Bakuna para sa Omicron
  2. Mga taong maaaring magpabakuna

-Ang mga taong lampas sa edad na 12 na nakatanggap ng una at pangalawang bakuna na hindi na bababa sa 3 buwan mula noong huling bakuna ay maaari nang tumanggap ng bakunang Omicron.

*Isang beses lang maaaring magpabakuna ng bakunang Omicron.

  • Mga lugar kung saan maaaring magpabakuna

-Maaaring magpabakuna sa alinmang 110 na ospital at klinika sa lungsod ng Akashi, Akashi Civic Plaza, o Akashi Public Health Center.

(3) Paraan ng pagpapareserba

Mangyaring tumawag sa 0120-227-710 para magpareserba. Maaari ring magpareserba sa reservation site.

   (4) Voucher para sa bakuna

              -Mangyaring gamitin na ang voucher na mayroon ngayon.

              -Para sa mga hindi pa nakakapagpabakuna ng Omicron vaccine at walang voucher na hawak sa ngayon, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 upang maakakuha ng voucher.

2. Mga taong lagpas sa edad na 12 na hindi pa nakakapagpabakuna ng una o ikalawang dosis ng bakuna

-Sa ika-5 at ika-26 ng Pebrero 2023 (araw ng linggo) ay maaaring magpabakuna ng una at ikalawang dosis sa Akashi Public Health Center.

-Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at magpa-reserba upang makakuha ng bakuna.

3. Bakuna para sa mmga sanggol at bata

-Ang mga sanggol at bata na higit sa 6 na buwang gulang at hanggang 11 taong gulang ay maaari na ring magpabakuna.

-Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at mag-apply ng voucher upang makapagpabakuna.

-Para naman sa mga reserbasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa ospital o klinika kung saan maaaring magpaturok ng bakuna. Gamitin ang sumusunod na QR code upang malaman kung saang mga ospital at klinika maaaring magpabakuna.

Mga sanggol at bata na mula 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang;

-Kinakailangan ang pahintulot mula sa magulang o kahaalili ng magulang upang makapagpabakuna. Kailangan ding sila ay kasama sa pagpapaturok ng bakuna.

4. Numero ng telepono para sa bakuna ng corona sa lungsod ng Akashi

-Ang numero ng telepono ng lungsod ng Akashi para sa mga pagpapareserba ng bakuna laban sa coronavirus ay 0120-227-710.

Ang numero ng telepeono upang makapag-apply ng voucher para sa bakuna ay 0120-712-160.

Maaari ring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

*Ang pagtanggap ng tawag sa telepono ay mula 9:00am hanggang 5:00pm araw-araw, ngunit sarado ito mula ika-1 hanggang ika-3 ng Enero.

Maaari nang mag-apply ng digital gift certificate na “Akashi 30% Value Gift Certificate”

Ang “Akashi 30% Value Gift Certificate” ay isang voucher kung saan magagamit ito tulad ng pera. Maaari kang mag-apply para sa isang digital gift certificate hanggang ika-20 ng Enero. Ang isang set ay nagkakahalaga ng 5,000 yen, ngunit maaari ring bumili ng 6,500 yen na halaga nito.

Maaari itong gamitin mula ika-1 ng Pebrero (Miyerkules) hanggang ika-31 ng Marso (Biyernes).

  • Paraan ng pag-apply

Maaaring mag-apply sa website hanggang ika-20 ng Enero (Biyernes)

[(QR code) page 8 artikulo ng digital gift certificate na “Mag-click dito para mag-apply”]

(2) Kung maraming tao ang nag-apply, magsasagawa ng lottery upang magpasya kung sino ang maaaring makabili ng digital gift certificate. Para sa mga taong napili sa lottery, magpapdala ng e-mail ang Akashi uapang malaman kung ilang set ng gift certificate ang maaaring mabili (Ipapadala ito sa ika-27 ng Enero). Magkakaroon muli ng anunsyo sa pamamagitn ng e-mail patungkol sa halaga ng gift certificate at ang ID na kinakailangan para sa pagpaparehistro.

(3)  Magparehistro gamit ang ID at maaaring makabili ng gift certificate sa isang convenience store o gamit ang isang credit card. Mangyaring bumili sa pagitan ng ika-1 (Miyerkules) at ika-10 (Biyernes) ng Pebrero.

*Kahit anong edad ay maaaring makabili ng digital gift certificate, ngunit kailangan ng mga mamimili ng kanilang sariling smartphone, e-mail address at numero ng smartphone.

* Ang mga digital gift certificate ay maaaring mabili sa mga convenience store sa pamamagitan ng pagbayad ng pera o paggamit ng credit card

Kung mayroong anumang katanungan, mnagyaring makipag-ugnayan sa Akashi 30% Value Gift Certificate call center.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5334. Ang numero ng facsmile ay 078-918-5136.

Maaaring tumawag ng Lunes hanggang Biyernes mula 10:00am hanggang 5:00pm.

Hindi rin maaaring makapag-apply ng gift certificate sa pamamagitan ng telepono at facsimile.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる