Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.
Paunawa ng Setyembre 15 na isyu
Magpapadala ng “Akashi City Support Voucher” para sa lahat ng nakatira sa lungsod
Magpapadala ng “Akashi City Support Voucher” para sa lahat ng nakatira sa lungsod ng Akashi.
Ang “Akashi City Support Voucher” ay isang voucher na maaaring gamitin tulad ng pera.
Inaaasahang maipapadala ito sa pagitan ng Setyembre 21 at Oktubre 31.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, pagkain at iba pa, karamihan sa mga mamamayan dumaranas ng kahirapan sa pamumuhay. Layunin ng lungsod na mahandugan ng tulong ang lahat at ang isa sa kanilang paraan ay ang pagpapadala ng support voucher.
Maaaring magamit ang nasabing voucher sa pamimili ng gamit na kung saan maaari mo ring suportahan ang mga tindahan ng Akashi.
・Halaga: 2000 yen bawat tao (4 na 500 yen na voucher)
・Panahon kung kailan ito maaaring magamit: Magagamit ito mula Oktubre 1, 2023 hanggang Disyembre 31, 2023. ・Mga tindahan kung saan ito maaaring magamit: Magagamit ito sa mga restaurant, tindahan, at taxi sa lungsod ng Akashi. Kalakip ng support voucher ay isang piraso ng papel kung saan nakasulat ang pangalan ng mga tindahan na maaaring paggamitan ng voucher. Maaari ring tignan ang mga ito sa homepage ng Akashi. May mga nakapaskil ding mga poster sa mga tindahan kung saan ito maaaring gamitin. Mangyaring humanap o tignan kung kapareho ng poster ang larawan sa iaa at gamitin ito.
Darating ang mga voucher na ito sa pamamagitan ng Yu-Pack. Ang “Yu-Pack” ay isang maliit na pakete na inihahatid ng post office. May sapat na bilang ng voucher para sa lahat ng miyembro ng pamilya. Kailangan ng selyo o pirma kapag tinatanggap ito.
Kung ang package ay inihatid nang walang tao sa tahanan, mayroong papel na iiwanan sa mailox na tinatawag na “Absence Notification Form”. Ang “Absence Notification Form” ay naglalaman ng mga detalyadong tagubilin kung paano maihatid muli ang package. Mangyaring makipag-ugnayan sa post office sa pamamagitan ng telepono o online upang malaman ang petsa at oras na maaari itong makuha muli.
Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Akashi Support Voucher Personnel”. Ang numero ng telepono ay 078-918-5066 at ang numero ng fax ay 078-918-5136.
Maaari nang magpaturok ng bagong bakuna laban sa coronavirus
Maaari nang magpaturok ng bagong bakuna para sa coronavirus mula Setyembre 20, 2023.
Ito ay isang bagong bakuna na nilikha para sa “Omicron XBB.1.5”.
(1) Mga taong maaaring makatanggap ng bagong bakuna laban sa coronavirus
Mga taong akma sa lahat ng sumusunod:
① 12 taong gulang o mas matanda
② Nakatanggap na ng bakuna laban sa coronavirus nang hindi bababa sa dalawang beses.
③ Mahigit 3 buwan na ang nakalipas mula noong huli nagpabakuna laban sa coronavirus.
(2) Voucher para sa pagtanggap ng bakuna sa coronavirus (“voucher sa pagpapabakuna”)
Magpapadala ang lungsod ng Akashi ng mga bagong voucher na ito sa mga nakatanggap ng bakuna sa coronavirus sa pagitan ng ika-8 ng Mayo at ika-19 ng Setyembre ng taong ito. Kulay orange ang nasabing bagong voucher.
Para sa lahat ng iba pang mamamayan, mangyaring gamitin ang lavander na mga voucher sa pagbabakuna na natanggap mula sa lungsod ng Akashi sa pagitan ng Abril at Hulyo ng taong ito.
(3) Paano gumawa ng reserbasyon
Mula ika-11 ng Setyembre, maaaring kumuha ng appointment upang magpaturok ng bagong bakuna sa coronavirus. Maaaring malaman kung paano gumawa ng reserbasyon at mga ospital at klinika kung saan maaaring magpabakuna gamit ang site code sa ibaba.
Ito ang numero ng telepono para sa bakuna sa coronavirus sa lungsod ng Akashi:
・Ang numero ng telepono para sa mga reserbasyon upang makapagpaturok ng bakuna ay 0120-227-710.
・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon tungkol sa bakuna laban sa coronavirus ay 0120-712-160.
・Maaaring tumawag mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. araw-araw.
・Kung wala namang kakayahang makapagsalita sa telepono, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.