Pagbibigay suporta
Ang aming grupo ay tutulong upang maging maginhawa ang pamumuhay ng mga foreigner na nakatira sa Japan at mga pamilyang konektado sa iba’t ibang bansa.
Pagpupulong ng mga Foreigner na Ina < Mga dayuhang Ina >
Maging sa lungsod ng Akashi ay dumarami ang mga foreigner na ina na may maliliit na anak.
Ang Japan at ibang bansa ay may iba’t ibang kultura. Kaya naman nag-aalala ang mga foreigner na ina sa pagpapalaki ng kanilang mga anak sa Japan at mas naging mahirap ngayon dahil sa Corona.
Magdaraos ang Manmaru Akashi ng pagpupulong para sa mga foreigner na ina. Tutulungan sila ng Manmaru Akashi na mamuhay ng ligtas at masaya.
Bukas sa umaga ng ika-4 na Martes ng bawat buwan
Ang lokasyon ay sa opisina ng Manmaru Akashi
※Maaaring magkaroon ng pagkakataon na magbago ang oras at lokasyon paminsan-minsan.
Nagpapadala ng mga mahahalagang impormasyon sa iba’t ibang wika
Ang natatanggap na impormasyon patungkol sa lugar na tinitirahan at mga impormasyon na makakatulong sa pangaraw-araw na pamumuhay ng mga foreigner ay higit na kakaunti kung ikukumpara sa mga Hapon kung kaya’t maaaring may mga foreigner na nakakaramdam ng pag-aalala sa kanilang pamumuhay dito sa bansang Japan.
Upang makapaghatid ng mga mahahalagang impormasyon sa mga foreigner ang Manmaru Akashi ay nagpapadala ng mga anunsyo sa iba’t ibang lingwahe.
- Multilingual na website (Ilang wikang banyaga) (Japanese (madaling intindihin) , English, Chinese, Tagalog, Vietnamese)
- Multilingual (ilang wikang banyaga) YouTube channel (Japanese (madaling intindihin), English, Chinese, Tagalog, Vietnamese)
Ang homepage na ito ay ipinamamahagi bilang bahagi ng “Akai Hane national campaign to support welfare activities for people with foreign roots against novel corona infection” Ang gawad na ito ay mula sa taong bukal sa loob na nag-donate sa Red Feather Fund. Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.