Paunawa para sa ika-15 ng Pebrero 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa mula sa isyu ng ika-15 ng Pebrero

Ngayon ang panahon kung saan pinakamasarap ang Akashi nori seaweed

Ang “Nori” ay isang pagkain na gawa sa algae o mga halamang matatagpuan sa dagat.

Madalas itong kinakain ng mga Hapon sa pamamagitan ng pagbabalot nito sa kanin o paglalagay sa ramen.

Ang seaweed ng Akashi ay kilala dahil sa kasarapan nito.

Ngayon ang panahon upang makapag-ani ng maraming seaweed, kung kaya’t maaaring makakain ng sariwa at masarap na seaweed.

Maaaring tamasahin ang lasa ng seaweed na ito sa iba’t ibang paraan.

Mayroong iba’t ibang mga paraan bago ito maging isang pagkain. Mangyaring panoorin ang sumusunod na video upang makita ang mga trabaho na isinasagawa sa dagat at sa mga pabrika.

Aanihin mula sa dagat at gagawing masarap na seaweed sa pabrika

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi City Hall Public Relations Division. Ang numero ng telepono ay 078-918-5001. Ang facsimile number naman ay 078-918-5101.

Ang mga digital gift certificate ay ibebenta sa pangalawang pagkakataon

Ang digital gift certificate ay isang gift certificate kung saan maaaring bumili sa pamamagitan ng pagbabayad gamit ang smartphone. Kung nais na makabili nito, mangyaring mag-apply sa pamamagitan ng website. Maaaring makabili ang mga taong nakatira sa lungsod ng Akashi at hindi nag-apply sa unang pagkakataon.

  • Mauunang bentahan ang mga taong maagang nag-apply at matatapos ang bentahan kapag naubos na ito.
  • Ang isang set ay nagkakahalaga ng 5,000 yen at sa pamamagitan nito, maaari nang mamili sa halagang 6,500 yen.
  • Maaaring bumili ng hanggang 6 na set bawat tao.
  • Sinuman o anumang edad ay maaaring bumili ng digital gift certificate. Ngunit kailangan ng mga mamimili ang kanilang sariling mga smartphone, email address, at numero ng telepono.

Paunawa para sa mga taong nakabili na ng gift certificate ngunit hindi nagamit sa hanggang sa nakatakdang oras:

  • Maaari mo itong bilhin sa “Citizen Support Project Manager” sa ika-5 palapag na sangay ng city hall.
  • Mangyaring kunin ang mga dokumento ng impormasyon na ipinadala ng city hall at gamitin o mamili bago ang ika-28 ng Pebrero.
  • Mangyaring bilhin ito ng cash at magdala ng eksaktong halaga upang hindi kailanganin ng pagsusukli.

Kung mayroong anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa “Akashi 30% Value Gift Certificate Call Center”. Ang numero ng telepono ay 078-918-5334 at ang facsimile number ay 078-918-5136. Maaaring tumawag Lunes hanggang Biyernes mula 10:00 am hanggang 5:00 pm.

Mangyaring mag-ingat upang hindi makasimula ng sunog

Ang taglamig ay ang panahon kung saan madalas mangyari ang sunog, kung kaya’t mangyaring mag-ingat sa paggamit ng apoy upang maiwasang masunog ang bahay.

●Apat na mahalagang paraan upang protektahan ang iyong buhay.

(1) Iwasang manigarilyo kapag natutulog sa isang futon o kama

(2) Huwag maglagay ng anumang bagay na madaling nasusunog malapit sa kalan.

(3) Siguraduhing nakapatay ang apoy sa tuwing hindi ito ginagamit.

(4) Linisin ang alikabok sa mga saksakan. Mangyaring tanggalin ang plug kapag hindi gumagamit ng kuryente.

●Anim na bagay na dapat ihanda upang maprotektahan ang sariling buhay.

(1) Mangyaring gumamit ng mga produktong may mga kagamitang pangkaligtasan para sa mga kalan. Ang  kagamitang pangkaligtasan ay isang aparato na maaaring awtomatikong patayin ang apoy o itigil ang gas kung may makita itong anumang abnormalidad.

(2) Ugaliing suriin ang mga fire alam sa inyong tahanan paminsan-minsan. Ang fire alarm ay isang aparato na gumagawa ng malakas na tunog sa oras na magsimula ang sunog. Nakadikit ito sa kwarto kung saan natutulog, at sa itaas ng hagdan. Mangyaring palitan ang mga fire alarm pagkatapos ang humigit-kumulang 10 taon.

(3) Kapag bibili ng mga produkto tulad ng futon at kurtina, mangyaring bumili ng mga hindi madaling masunog.

(4) Mangyaring ilagay ang fire extinguisher sa kusina o sa silid kung saan matatagpuan ang kalan. Ang fire extinguisher ay isang kasangkapan na kayang patayin ang apoy habang ito ay maliit pa.

Siguruhing mayroong kaalaman kung paano gamitin ito.

(5) Mag-isip ng paraan upang makatakas kung sakaling magkaroon ng sunog sa inyong bahay.

(6) Mangyaring lumahok  sa disaster drill < pagsasanay upang maprotektahan ang sarili mula sa mga sakuna

> sa lugar kung saan nakatira.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Fire Department Prevention Division”. Ang numero ng telepono ay 078-918-5272. Ang facsimile number naman ay 078-918-5983.

Paunawa tungkol sa bakuna para sa corona

Maaaring magpabakuna sa corona hanggang ika-31 ng Marso 2023.

Bakuna para sa Omicron
(1)Mga taong maaaring magpabakuna
-Ang mga taong lampas sa edad na 12 na nakatanggap ng una at pangalawang bakuna na hindi na bababa sa 3 buwan mula noong huling bakuna ay maaari nang tumanggap ng bakunang Omicron.

*Isang beses lang maaaring magpabakuna ng bakunang Omicron.

(2)Mga lugar kung saan maaaring magpabakuna

-Maaaring magpabakuna sa alinmang 110 na ospital at klinika sa lungsod ng Akashi, Akashi Civic Plaza, o Akashi Public Health Center.

(3) Paraan ng pagpapareserba
Mangyaring tumawag sa 0120-227-710 para magpareserba. Maaari ring magpareserba sa reservation site.

(4) Voucher para sa bakuna
-Mangyaring gamitin na ang voucher na mayroon ngayon.
-Para sa mga hindi pa nakakapagpabakuna ng Omicron vaccine at walang voucher na hawak sa ngayon, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 upang maakakuha ng voucher.

 2.Mga taong lagpas sa edad na 12 na hindi pa nakakapagpabakuna ng una o ikalawang dosis ng bakuna
・Maaaring magpaturok ng una at ikalawang bakuna sa Akashi Public Health Center sa Linggo, ika-26 ng Pebrero o sa Akashi Civic Square sa Linggo, ika-5 ng Marso.
・Siguraduhing tumawag sa 0120-712-160 at kumuha ng appointment upang makapagpabakuna. 

3. Bakuna para sa mmga sanggol at bata
-Ang mga sanggol at bata na higit sa 6 na buwang gulang at hanggang 11 taong gulang ay maaari na ring magpabakuna.
-Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at mag-apply ng voucher upang makapagpabakuna.
-Para naman sa mga reserbasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa ospital o klinika kung saan maaaring magpaturok ng bakuna. Gamitin ang sumusunod na QR code upang malaman kung saang mga ospital at klinika maaaring magpabakuna.

Mga sanggol at bata na mula 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang;

-Kinakailangan ang pahintulot mula sa magulang o kahaalili ng magulang upang makapagpabakuna. Kailangan ding sila ay kasama sa pagpapaturok ng bakuna.

4. Numero ng telepono para sa bakuna ng corona sa lungsod ng Akashi
-Ang numero ng telepono ng lungsod ng Akashi para sa mga pagpapareserba ng bakuna laban sa coronavirus ay 0120-227-710.

Ang numero ng telepeono upang makapag-apply ng voucher para sa bakuna ay 0120-712-160.
Maaari ring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる