kursong multikultural (Ang pag-aaral ng ibat-ibang kultura ng ibang bansa)
Mag aral ng iba’t ibang wika, pagluto ng pagkain mula sa iba’t ibang bansa, makinig sa mga kwento mula sa mga tao upang kumoekta sa mga kultura ng iba’t ibang tao sa mundo.
kurso sa wika 〈 Silid-aralan upang mag-aral ng wikang banyaga 〉(Ginagawa ito sa isang buong taon).
Tayo’y mag aral ng iba’t ibang wika upang maging konektado sa mundo.
Ang bilang ng mga taong nag-aaral sa silid-aralan ng wikang banyaga ng Manmaru Akashi ay anim o mas kaunti pa sa anim sa bawat silid-aralan. Mas madaling makisama sa mga kaklase dahil kakaunti lang ang tao sa bawat silid-aralan.
~Kasalukuyang klase ng wikang banyaga~
Katutubong pag-uusap sa wikang Ingles (Makipag-usap sa Ingles sa isang guro mulsa sa bansang nagsasalita ng Ingles)
Pangunahing Balarilang Ingles (Pag-aaral ng grammar ng Ingles mula sa isang simpleng punto)
Pag-aaral ng Ingles para sa mga bata (Ang pag titipon-tipon ng mga bata upang mag aral ng Ingles)
Katutubong pag-uusap sa wikang Tsino (Mag aral at magsanay sa pagsasalita ng Pangunahing wikang Tsino)
Isang kaganapan para sa mga foreigners upang ipakilala ang kanilang pinanggalingan bansa sa ibang tao.
Anyayahan natin ang mga foreigners upang makinig sa mga iba’t ibang kwento mula sa ibang bansa.
Makinig tayo sa iba’t ibang kwento tungkol sa kultura, kasaysayan at buhay ng tao sa ibang bansa.
~Sa ngayon, ang mga tao mula sa mga bansang ito ay dumayo para makipag-usap tungkol sa kanilang bansa.~
Peru, Ukraine, Iran, USA, Mongolia, Syria, China, Nepal, Pilipinas, Belarus, atbp.
Kursong pagluluto para sa Magulang at anak〈 Sa klaseng ito, magkasamang nagluluto ang mga magulang at mga anak 〉
Ang mga bata na nag aaral sa elementarya at ang mga magulang nito ay maaring sumali sa klaseng ito.
Isang foreigner na guro ang magtuturo kung paano magluto ng pagkain mula sa iba’t ibang bansa.
Isa itong klase ng pagluluto kung saan kahit mga bata ay maaring sumali.
~Mga Bansang Nagho host ng Past~
Nepal, USA, Syria, China, Pilipinas, Italy, atbp.
Isang kurso ng pagluluto ng pagkain na mula sa buong mundo.
Isang paglulutong kurso na ituturo ng foreigner. Maaring sumali ang sinumang interesado sa kursong ito.
~Mga Bansang Nagho host ng Past~
Vietnam, Russia, Persia, China, Italy, Uzbekistan, atbp.
Pagpapakilala ng guro/workshop
Nais ng Manmaru Akashi na mamuhay nang naayon sa mga tao mula sa anumang bansa at sa anumang kultura. Para sa kadahilang ito, ipinakilala ng Manmaru Akashi ang mga taong mula sa ibang bansa, mga taong malawak ang pag-iisip tungkol sa mundo, at mga taong may karanasan sa iba’t ibang bansa bilang mga guro. At ibabahagi ng mga guro ang kanilang karanasan at kaalaman sa ibang tao.
Ipapakilala namin ang mga guro na nagmula sa ibang bansa para sa mga gusto kumonekta sa mundo.
Lektiyur〈 Iisang tema ang pag-uusapan sa pulong na ito. 〉at pantas-aral 〈 Pagsasama-sama para mag aral at matuto 〉Pagpapakilala ng guro tungkol sa ibang bansa.
- Multikultural na edukasyon〈 Pag-aaral tungkol sa iba’t ibang kultura sa buong mundo 〉
- Edukasyong Internasyonalismo〈 Isang pag-aaral upang magkaintindihan ang mga tao mula sa iba’t ibang bansa 〉
Workshop 〈Isang grupo ng mga tao na nagsasama-sama upang gawin ang isang gawain〉
- Isang kurso ng pagluluto ng pagkain na mula sa buong mundo.
- In-house na kurso sa wika 〈Isang pulong ng kumpanya kung saan nag-aaral ang mga empleyado ng mga wikang banyaga 〉
Ipakilala ang mga foreigner na guro sa mga paaralan sa Japan at hayaan magsalita upang kumonekta sa mga estudyante.
- Pagpapakilala ng kultura mula sa ibang bansa.
- Magka-kamping ang mga bata mula sa iba’t ibang bansa.
Ang bayad ay 15,000 yen para sa 90 minuto o higit pa. Bilang karagdagan, mag mga pagkakataon kung kailan ang mga gastos sa pag-print at mga gastos sa materyal ay kinakailangan.
International Exchange Event ( Ang mga kaganapan ay isinasagawa upang ang mga tao mula sa iba`t ibang bansa ay magkasalo-salo )
Ang mga Hapon at foreigners na naninirahan sa Akashi ay maaring gumawa ng iba’t ibang bagay nang magkasama upang magkaisa ngayon at sa hinaharap. Ang Manmaru Akashi ay nagpaplano ng iba’t ibang masasayang kaganapan.
Pagdaraos ng “World Festa Akashi”
Ito ay isang pagdiriwang na kaganapan sa isang taon. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang ng Manmaru Akashi!
Kahit sino ay maaring sumali ngayon at magsaya!
Party ng mga exchange members
Ito ay isang party para sa mga miyembrong kalahok sa Manmaru Akashi upang magkasundo ang bawat isa.