Paunawa para sa ika-1 ng Setyembre 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa ng Setyembre 1 na isyu

Maaari nang magpaturok ng bagong bakuna laban sa coronavirus

Mula Setyembre 20, 2023, maaari nang magpaturok ng bagong bakuna para sa corona.

Isang bagong bakuna ang ginawa para sa “Omicron XBB.1.5”.

(1) Mga taong maaaring magpaturok ng bagong bakuna sa corona

Mga taong akma sa lahat ng sumusunod:

  •  12 taong gulang o mas matanda

② Nakapagpaturok ng bakuna para sa corona nang higit sa dalawang beses

  •  Mahigit 3 buwan na ang nakalipas mula noong huling nagpaturok ng bakuna sa corona

(2) Voucher para sa pagtanggap ng corona vaccine (“voucher sa pagpapabakuna”)

Magpapadala ang lungsod ng Akashi ng mga bagong voucher sa mga nakapagpaturok ng bakuna sa coronavirus sa pagitan ng ika-8 ng Mayo at ika-19 ng Setyembre ng taong ito. Ang bagong voucher sa pagbabakuna ay orange.

Para sa ibang mga mamamayan, mangyaring gamitin ang lavander na mga voucher sa pagpapabakuna na ipinadala sa iyo ng lungsod ng Akashi sa pagitan ng Abril at Hulyo ng taong ito.

(3) Mga lugar kung saan maaaring magpabakuna

Maaaring magpabakuna sa Akashi Public Health Center at 110 ospital at klinika sa lungsod ng Akashi.

(4) Paraan sa pagkuha ng reserbasyon

Mula ika-11 ng Setyembre, maaaring kumuha ng appointment upang makapagpaturok ng bagong bakuna para sa coronavirus.

Ang mga sumusunod ay ang tatlong mga pamamaraan: 

  1. Tumawag sa ospital o klinika
  2. Tawagan ang numero ng telepono ng reservation (0120-227-710) upang makapagpaturok ng bakuna

Ang mga sumusunod ay ang mga numero ng telepono para sa bakuna sa coronavirus sa lungsod ng Akashi:

・Ang numero ng telepono para sa mga reserbasyon upang makapagpaturok ng bakuna ay 0120-227-710.

・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon tungkol sa bakuna laban sa coronavirus ay 0120-712-160.

・Maaaring tumawag mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. araw-araw.

・Kung wala namang kakayahan na makapagsalita sa telepono, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

Maaaring tingnan ang mga pinakabagong impormasyon gamit ang sumusunod na site code.

Mayroong grupo na nagtuturo patungkol sa Noh

Ang “Noh” ay isang tradisyunal na Japanese performing art. Ang mga actor ay may suot na maskara, isang magandang kimono at tumutugtog ng plauta at iba pang mga instrumento. 

Noong Oktubre, nagkaroon ng “Meeting to Enjoy Noh” kung saan maraming maaaring matututunan patungkol sa Noh.

Ito ay walang bayad kung kayat maaaring lumahok ang sinumang interesado.

Mga karagdagang impormasyon: (Petsa, oras, lugar)

Ang kapasidad ay 50 tao bawat oras.

・Oktubre 6 (Biyernes) mula 6:30 pm hanggang 8:00 pm Aspia Akashi North Building 7th Floor With Akashi

・Oktubre 14 (Sabado) mula 10:00 am hanggang 11:30 am Aspia Akashi North Building 8th Floor With Akashi

・Oktubre 14 (Sabado) mula 1:00 pm hanggang 2:30 pm Aspia Akashi North Building 8th Floor With Akashi

Ang pagpaparehistro para sa pakikilahok ay magsisimula sa ika-10 ng umaga sa Miyerkules at ika-6 ng Setyembre.

Mangyaring mag-apply gamit ang QR code sa kanan. 

Maaari ring mag-apply sa pamamagitan ng fax. Ang numero ng fax ay 078-918-5121.

Ipadala ito sa nakasaad na address:

Akashi Cultural International Creation Foundation Akashi Takigi Noh Association

Pakisulat ang “Grupo para sa pagtangkilik sa Noh”, ang mga pangalan ng mga kalahok, numero ng telepono, gustong petsa at oras. 

Kung maraming tao ang gustong lumahok, ito ay magiging first-come, first-served basis.

Oktubre 21 (Sabado), magkakaroon ng “Takigi Noh” event sa Akashi Park

Ang “Takigi Noh” ay isang dulang Noh na itinatanghal sa labas tuwing gabi ng tag-araw, kung saan ang paligid ng entablado ay sinisindihan ng apoy.

Petsa at oras: Oktubre 21 (Sabado) mula 5:30 pm hanggang 8:00 pm

Ang oras ng pagpasok ay mula 4:30 p.m. Maaari itong makansela kung sakaling umulan.

Lokasyon: Akashi Park West Lawn Square

Presyo: May mga reserved seat at non-reserved seats.

Ang mga tiket sa pagpasok ay ibinebenta na ngayon. Maaari itong bilhin sa mga sumusunod na lokasyon.

  • Akashi Civic Hall, Seibu Civic Center
  • Akashi Cultural and International Creation Foundation (Aspia Akashi North Building 7F)
  • Akashi Information Center (Piole Akashi West Building), Ticket Pia (P code 521-1118)

Mga reserbang upuan: 5,000 yen

Mga hindi nakareserbang upuan: 3,000 yen

Mga mag-aaral sa high school at mas bata: 1,000 yen  

Maaari rin itong mabili kahit sa araw ng Oktubre 21 ngunit ang presyo para sa mga nasa hustong gulang ay maaaring tumaas ng 500 yen at ang presyo naman para sa mga mag-aaral sa high school at mas bata ay mananatiling pareho.

Mga reserbang upuan: 5,500 yen

hindi nakareserbang upuan: 3,500 yen

mga estudyante sa high school at mas bata: 1,000 yen.  

Kung mayroonng anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi Foundation para sa Paglikha ng Internasyonal na Kultura.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5085, ang facsimile number ay 078-918-5121, at ang email ay event@accf.or.jp.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる