Ugnayang Pampubliko Akashi: Anunsyo mula sa isyu noong ika-1 ng Agosto, 2022

[Ugnayang Pampubliko Akashi] o [Houkou Akashi] ay ang dyaryo na nililimbag ng lungsod ng Akashi tuwing ika-1 at ika-15 ng buwan. Nakapaloob rito ang mga mahahalaga at mga balitang makakaatulong sa atin katulad ng mga sumusunod:

目次

Anunsyo mula sa isyu noong ika-1 ng Agosto

Mag-ingat sa food poisoning

Ang food poisoning ay isang uri ng sakit na dulot ng pagkain at higit pang pinag-iingat lalo na tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto. Narito ang ilang mga pamamaraan upang maiwasang makaranas ng food poisoning:

  1. Hugasan mabuti ang kamay gamit ang sabon.
  2. Paghiwalayin ang mga kasangkapan na ginagamit Isang halimbawa ay sa tuwing nag-iihaw ng BBQ, paghiwalayin ang chopsticks na ginamit sa hilaw at gagamitin sa lutong karne.
  3. Hangga’t maaari, ang mga pinamiling pagkain ay agad ilagay sa refrigerator. Panatilihing 10℃ ibaba ang temperatura ng refrigerator at -15℃ ibaba naman para sa freezer Ilagay sa freezer ang mga frozen na pagkain sa lalaong madaling panahon.
  4. Para naman sa mga baboy at isda, painitin ito sa 75℃ o mas mataas sa loob ng 1 minuto o higit pa.
  5. Hugasang mabuti ang mga kasangkapang ginamit sa pagluluto at gumamit ng mga kemikal o gamot upang mag-disinfect ang mga ito.

Kung mayroong anumang katanungan tungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Health and Sanitation Division o Seikatsu Eiseika “生活衛生管課”
Telepono: 918-5426 Fax: 918-5584

2.Mag-ingat sa mga sakit na maaaring makuha mula sa mga lamok

Ang lamok ay isang uri ng insekto na nagdadala ng ibat ibang uri ng sakit sa mga tao. Maaaring mahawa sa sakit o magkasakit katulad ng dengue at zika virus kapag nakagat ng mga lamok. Ang mga nakakahawaang sakit ay naipapasa sa bawat tao kung kaya’t kailangang mag-ingat at tanggalin ang mga sanhi ng pagdami ng lamok.
Pag-iwas at pagsugpo:

  1. Mas mainam na magsuot ng mga damit na may mahahabng manggas at pantalon sa tuwing lumalabas ng bahay.
  2. Gumamit ng mga mosquito repellant o mga gamot na panlaban sa lamok.
  3. Ang mga lamok ay nangingitlog sa stagnant o ‘di dumadaloy na tubig. Ugaliing mag linis at alisin agad ang mga naiipong tubig.
  4. Ang mga naiipong tubig sa ilalim ng mga flower pots ay alisin.
  5. Ang mga lamok ay nakakapagtago din sa pamamagitan ng mga damo, kung kaya’t ugaliing gupitin ang mga ito sa tuwing mahaba na.
    Kung mayroong anumang katanungan tungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Health Insurance Prevention Division, Infectious Disease Control Section o Hoken Yobouka, Kansenshou Taisaku Gakari “保健予防課、感染症対策係”
    Telepono: 918-5421 Fax: 918-5441

3.Bakuna para sa corona

(Para sa mga bagong impormasyon, maaari lamang bisitahin ang homepage ng lungsod ng Akashi)

  1. Anunsyo para sa ikatatlong bakuna para sa corona virus Para sa mga batang labing dalawang taong gulang pataas, makalipas ang limang buwan pagkatapos magpaturok ng pangalawang bakuna ay maaari na ding makapagpaturok ng pangatlong bakuna.
  2. Magpapadala ang lungsod ng makati ng kasulatan para sa pagtanggap ng ikatlong bakuna.
    Para sa mga nakapagpaturok na ng bakuna hangang ika-31 ng Marso, ay naipdala na mga ticket para sa pagkuha ng susunod na bakuna. Sa kabilang banda, para naman sa mga nakapagpaturok ng bakuna noong ika-1 hanggang katapusan ng Abril, ipapadala ang ticket sa ika-10 ng Agosto.
    Kaugnay sa mga taong walang ticket ngunit na nais makapagpaturok ng vaccine:
    Para sa mga taong ipinanganak ng Agosto 1, walang tiket, nawalan ng tiket at hindi nakatanggap ng vaccination tiket pagkatapos ng Agosto 17, Sundin ang tatlong pamamaraan kung anong maaring gawin sa siwtasyon na ito. Maaring kumuha ng tiket dito sa tatlong paraan na nakasulat sa baba:
  3. Tumawag sa hotline na 0120-712-160
  4. Sa pamamagitan ng internet hanapin ang corona vaccine navi (https://v-sys.mhlw.go.jp/application/3rd-inoculation.html)
  5. Ipadala ang application form sa pamamagitan ng postal mail at isulat sa sumusunod na address: Postal code: 674-0068 Address: Akashi shi Ooku Bochou 1-4-7 Yurinoki-dori, Kubo-machi, Corona Vaccine Countermeasures Office (明石市大久保町ゆりのき通1-4-7コロナワクチン対策室)
    Para sa mga karagdagang impormasyon maaari niyo ring bisitahin ang website ng lungsod ng Akashi (https://www.city.akashi.lg.jp/kansentaisaku/wakutin/wakutin-hakkou4.html)
    *Paalala:
    a. Ang mga nag-apply para sa mga bilang 1, 2, 3 na nakasulat sa itaas ay tatangal ng ilang araw upang matanggap ang ticket.
    b. Para naman sa mga nakatanggap na ng kanilang ikalawa at ikatlong bakuna ng ika-1 ng Mayo ay hindi pa muli makakatanggap ng ticket.
    -Maaaring magpareserba ng bakuna sa homepage ng lungsod ng Akashi (https://vaccine-yoyaku.jp/akashi/)
    -Narito ang mga hotline na maaaring tawagan kung mayroong katanungan patungkol sa bakuna:
    ika-4 na bakuna- 0120-227-710
    ika-3 bakuna- 0120-080-404
    ika-1 at ika-2 bakuna- 0120-712-160
    -Paalala: Ang mga hotline na nakasulat sa itaas ay maaaring tawagan mula 9AM hanggang 5PM
    -FAX: 0570-041-489

4.Akashi 30% discount gift certificate

Anunsyo patungkol sa “Akashi 30% discount coupons” Ang Akashi 30% otoku gift certificate o Akashi 3wari otoku shouhiken ay ibinibenta sa lungsod ng Akashi. Ito ay isang ticket na maaaring gamitin tulad ng pera. Kailangan muna itong bilhin, saka ito magagamit sa pamimili. Ang bawat isa nito ay nagkakahalaga ng 5,000yen. Pero meron din 13 pieces na 500 yen ticket. Kaya maari ka makapamili ng hanggang 6,500yen.
Ang Akashi 30% discount coupon ay maari lamang gamitin ito sa 500 na tindahan sa Akashi City. At ito ay magagamit sa pamimili at kainan mula Septyembre 1 hanggang Oktubre 31.
Kung nais mong bumili ng “Akashi 30% Discount Coupon”. Mag-register na!
Paano mag-apply:

  1. Ang Akashi city hall ay magpapadala ng aplikasyon sa lahat ng naninirahan sa Akashi. Ipapadala ito sa Agosto 8.
  2. Kapag dumating na ang dokumento ng aplikasyon, maari mag-apply mula sa homepage. At maari ring mag-apply gamit ang postcard. And deadline ng aplikasyon ay hanggang Agosto 17. Ito ay ang huling araw kung saan maaring mag-apply para sa Akashi 30% Discount coupon.
    •Ang bawat tao ay pwedeng mag-apply ng 4 na piraso.
    •Kapag maraming tao ang nag-apply para sa Akashi 30% Discount coupon, ang Akashi ay magsasagawa ng lottery. Ito ay gagawin upang magpasya kung gaano karaming mga coupon ang maari bilihin ng bawat isa.
  3. Kapag lumabas ang resulta para sa mga taong makaktanggap ng “Akashi 30% Discount Coupon”, ang Akashi City Hall ay mag papadala ng exchange ticket para sa pag bili ng “Akashi 30% Discount Coupon” sa mga taong nag-apply.
    •Kunin ang exchange ticket na natanggap mo at pumunsa sa pinakamalapit na lokasyon kung saan ito maaring ipang bili ng Akashi 30% Discount Coupon. Ang exhange ticket ay nagpapatunay na ikaw ay napili para makabili ng “Akashi 30% Discount Coupon”. Maari mong malaman kung saan pwede papalitan ang natanggap na exchange ticket sa dokyumento na natanggap mo mula sa Akashi City.
    •Ang “Akashi 30% Discount Coupon” ay maaring mabili mula sa Agosto 30 hanggang sa Septyembre 3.

5.Anunsyo ng ika-25 Akashi Takigi Noh:

Sa Akashi Park, ay makakakita ka ng Nogaku(能楽) isang dula tungkol kay nou at kyogen.
Ito ay ay ginaganap sa isang espesyal na entablado na may apoy sa paligid nito.
Ang Takigi Noh ay magsisimula ng 5:30pm sa Sabado, ika-1 ng Oktubre.
Maari makapasok sa venue mula 4:30pm.
Kung may malakas na ulan na magaganap sa ika-1 Oktubre, maaging makansela ang Akashi Takigi Noh.
Lokasyon: Akashi Park West Lawn Park
Sa mga taong nais mapanood ang Takigi Noh, maaring bumili ng tiket sa pagpasok ng venue. Pwede ring bumili ng ticket ng maaga sa mismong araw na gaganapin ang Takigi Noh.
Para sa mga taong nais bumili ng tiket ng maaga, pwede ito kayo makabili ng tiket sa ika-30 ng septyembre at ito ay nagkakaahalagang 3,000 yen.
Kung nais niyo naman bumili ng tiket sa Oktubre 1, ito ay nagkakahalagang 3,500 yen.
Ang mga bata na namamasukan hanggang high school ay pwede makabili ng tiket na nagkakahalagang 1,000-yen para sa parehong maagang pag bili ng tiket at sa mismong araw ng palabas.
Ang advance tiket ay magsisimulang ibenta mula Agosto 3. Ito ay maaring mabili sa Akashi Cultural and International Creation Foundation (Aspia Akashi North Building, 7th Floor), Akashi Western Civic Hall. Maari ring mabili ang tiket sa Akashi Information Center (Piole Akashi West Building) at sa ticket peer. Ang ticket peer code ay 513-256.
Ang Nohgaku (能楽) ay isang tradisyonal na sining ng pagtanghal dito sa Japan.
Sa Noh, ang mga aktor ay sumasayaw sa musika habang may suot na maskarang gawa sa kahoy. Ang mga musika nito ay mga klasikal na himig gamit ang mga sinaunang instrumento.
Ang Takigi Noh ay ginaganap sa labas ng gabi sa araw ng tag-init sa pamamagitan ng pagsisindi ng apoy sa paligid ng entabldao.
Ang kyogen ay isa ring tradisyonal na teatro sa Japan, ginaganap ito bago o pagkatapos ng “Noh”.

Sanggunian para sa pagsasalin:

  1. Anunsyo ng ika-25 Akashi Takigi Noh
    Ano nga ba ang ibig sabihin ng “Mizukake”?
    Ang “Mizukake” ay isang storya tungkol sa mga biyenan ni Kyogen na nag-away dahil sa isang alitan sa tubig sa bukid, at ang kanyang anak na babae ay dumating sa tabi ng kanyang asawa para ipag tanggol siya at talunin ang kanyan biyenan.
よかったらシェアしてね!
目次
閉じる