Anunsyo mula sa isyu ng ika-1 ng Oktubre , 2022 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo mula sa isyu ng ika-1 ng Oktubre

Pag-uumpisa ng aplikasyon para sa mga batang nais pumasok sa mga kindergarten at certified early childhood centers mula Abril 2023.

Naghahanap ang aming grupo ng mga bata na papasok sa isang kindergarten at isang sertipikadong child center (isang kindergarten at isang nursery school na pinagsama). Ang mga kwalipikadong mag-apply ay mga batang nasa edad 5 at 4 na taong gulang na ipinanganak sa pagitan ng ika-2 ng Abril at ika-1 ng Abril 2019 at mga batang may edad na 3 na ipinanganak sa pagitan ng ika-2 ng Abril 2019 at ika- 1 ng Abril.

(1)Mga batang 4 at 5 taong gulang

Para sa lahat ng mga batang nakapag-apply na ay maaari nang pumasok sa isang kindergarten o sa mga sertipikadong child center.

Para naman sa mga mag-aapply pa lamang ay maaaring makakuha ng dokumento ng aplikasyon sa malapit na kindergarten o child center at mangyaring ipadala ito   pabalik sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-11 ng Nobyembre.

(2) Mga batang 3 taong gulang

Mayroong dalawang uri: “pangkalahatan” at “mga sambahayang nagtatrabaho (mga pamilya kung saan nagtatrabaho ang mga magulang)”

① “Pangkalahatan”

 Kahit sino ay maaaring mag-apply rito. Kung maraming aplikasyon, isasagawa ang lottery upang mapagpasyahan kung sinong bata ang papasok.

Para naman sa mga mag-aapply pa lamang ay maaaring makakuha ng dokumento ng aplikasyon sa malapit na kindergarten o child center at mangyaring ipadala ito sa   pabalik sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-11 ng Nobyembre.

(2) “Mga Sambahayang Nagtatrabaho”

Ang mga bata na nagtatrabaho ang mga magulang lamang ang maaaring mag-apply. Kung maraming aplikasyon, ang mga anak na nakapaloob sa pamilyang higit na nangangailangan sa buhay ang mauuna sa pagkakasunod-sunod ng ng mga aplikante.

 (Tandaan) Maaari lamang mag-apply ng alinman sa “pangkalahatan” o “Mga Sambayahang nagtatrabaho”.

Ang mga dokumento ng aplikasyon ay maaaring makuha mula sa Akashi City Children’s Education Office, sa Akashi General Counter, sa Civic Center, at sa Akashi City Service Corner.

Mangyaring isumite ang dokumento ng aplikasyon sa taong namamahala sa ng Akashi City Children’s Education Office mula ika-11 hanggang ika-25 ng Nobyemre 2022.

Kung mayroong anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa “Akashi City Children’s Education Office”. Ang numero ng telepono ay 918-5093 at ang fax naman ay 918-5650.

 Ang Manmaru akashi ay nagre-recruit ng mga bata na gustong sumali sa “After School Children’s Club”

Ang Manmaru Akasi ay tumatanggap na ng aplikasyon para sa mga batang nais maging bahagi ng “After School Children’s Club” mula Abril sa susunod na taon.
Ang “After School Children’s Club” ay lugar kung saan maaaring gumugol ng oras ang mga bata nang ligtas pagkatapos ng kanilang mga klase sa elementarya. Maaari ring magpunta sa panahon ng bakasyon tulad ng summer vacation, winter vacation, spring vacation.
Maaari ring gumamit ng serbisyong ito ang mga batang wala ang magulang sa kani kanilang tahanan dahil sa trabaho, ngunit ito ay aplikado lamang para sa mga batang nakatira o nag-aaral sa Lungsod ng Akashi.
Ang serbisyong ito ay may bayad at nakadepende ang presyo nito sa kinikita ng pamilya.
Mayroong “After School Children’s Club” sa mga eskwelahan ng elementarya sa Lungsod ng Akashi.

Mula ika-1 ng Abril 2023 ay maaari nang magamit ang serbisyong “After School Children’s Club” ngunit sarado ito tuwing araw ng Linggo, holiday, ika-13 hanggang ika-15 ng Agosto at ika-29 ng Disyembre hanggang ika-1 ng Enero ng susunod na taon.
Sa mga karaniwang araw, ito ay bukas mula sa pagtatapos ng klase ng mga bata hanggang 5:00 ng hapon.
Tuwing Sabado at summer vacation naman ay bukas ito mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Kung gugustuhin maaari ring magamit ang pasilidad mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi ngunit sa araw ng Sabado ay hanggang 5:00 ng hapon lamang. 

Mangyaring mag-apply sa “After School Children’s Club” mula ika-1 hanggang ika-25 ng Nobyembre 2022. Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa aplikasyon, mangyaring basahin ang Boshuu Youkou o “Mga Alituntunin para sa Aplikasyon”.
Maaaring makakuha ang “Mga Alituntunin sa Aplikasyon” mula sa “After School Children’s Club”, sa city hall, o sa Akashi General Counter.

Kung mayroong anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Children’s Foundation After-School Children’s Club. Ang numero ng telepono ay 915-8170 at ang fax naman ay 915-8175.

Anunsyo patungkol sa bakuna sa corona

Una, hayaan mong sabihin ko sa iyo ang tungkol sa mga bakuna para sa mga taong lampas sa edad na 12.

-Pagsimula ng bakuna para sa Omicron
Ang mga batang edad 12 pataas na tapos nang magpabakuna ng una at ikalawang dosis ay maaari na ring magpaturok ng ikatlong dosis.
Ang mga nabakunahan ng hindi bababa sa 5 buwan mula noong nagpabakuna ng una at ikalawang dosis ay maaaari nang magpabakuna para sa Omicron.
Sa ngayon, napagpasyahan na ito ay higit sa 5 buwan, ngunit maaaring magkaroon ng posibilidad  na ito ay mas maging maikli.

-Kinakailangang voucher para sa pagbabakuna
Para sa mga mamamayang nakatanggap na ng voucher para sa pangatlo at pangapat na bakuna ay maaari na itong magamit.

Para sa mga mamamayang tapos na magpabakuna ng ikalawa, ikatlo at pang-apat na dosis ay magpapadala muli ng voucher ang Lungsod ng Akashi.

Para naman sa mga nakawala ng voucher o kakalipat lang sa Akashi mangyaring mag-apply ng voucher sa pamamagitan ng pagtawag.

-Paraan ng pagpapareserba
Ang mga taong walang voucher ay hindi maaaring magpareserba.
Mangyaring kumpirmahin ang petsa at lugar ng pagbabakuna kapag kumuha ng appointment.
I-click dito para sa mga nais magpareserba sa pamamagitan ng internet.
Ang mga pagpapareserba ay maaaring gawin anumang oras.

Ang numero ng telepono para pagpapareserba ng bakuna ay 0120-227-710.
Ang numero ng telepono para sa aplikasyon ng voucher ay 0120-712-160.
Ang telepono ay bukas araw-araw mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. 

Para naman sa mga hindi kayang makipag-usap sa telepono, mangyaring magpadala ng fax sa numerong 0120-655-695.

-Pagsimula ng pangatlong dosis ng bakuna
Ang mga batang nasa edad 5 hanggang 11 ay maaari nang magpabakuna ng una at ikalawang dosis.
Makalipas ang tatlong linggo mula noong nagpabakuna ng unang dosis ay maaari nang magpabakuna ng ikalawa.

Ang mga batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang ay makakatanggap lamang ng ikatlong dosis ng bakuna makalipas ang limang buwan pataas mula noong ikalawang dosis ng bakuna.

Kinakailangan ang voucher upang magpabakuna at maaaring mag-apply nito sa ng pagtawag sa telepono sa numerong 0120-712-160.

Mangyaring gumawa ng appointment nang direkta sa ospital. Hindi makakapagpareserba kahit na makipag-ugnayan sa lungsod ng Akashi, sa Internet o sa pamamagitan man ng telepono.
Maaari mong tingnan dito ang mga ospital na maaaring magbigay ng mga bakuna.  

Ang mga batang nasa edad na 5 hanggang 11 taong gulang ay nangangailangan ng pahintulot ng isang magulang o kahalili ng magulang upang matanggap ang bakuna. Gayundin, isa sa mga magulang o kahalili ng magulang ay dapat na kasama  ng bata sa oras ng pagpapabakuna.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる