Anunsyo ika-1 ng Enero 2023 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo mula sa isyu ng ika-1 ng Enero

Pagbebenta ng Akashi City 30% Gift Certificate

Ang lungsod ng Akashi ay magbebnta ng 30% Value Gift Certificate. Ito ay isang voucher kung saan maaaring gamitin tulad ng pera. Mayroon itong dalawang uri: (a) Papel na gift certificate at, (b) Digital Gift Certificate. Ito ay parehong nagkakahalaga ng 5000 yen ngunit maaari ring bumili ng 6500 yen na halaga ng gift certificate.

Petsa kung kailan maaaring mag-apply ng gift certificate:

Papel na gift certificate: Hanggang ika-10 ng Enero

Digital gift certificate: Mula ika-10 hanggang ika-20 ng Enero

Bilang ng mga gift certificate na maaari lamang i-apply:

Papel na gift cerificate: Hanggang 3 bawat tao

Digital gift certificate: Hanggang 3 set bawat tao

-Maaaring mag-apply ng parehong uri ng gift certificate

Mga tindahan kung saan maaaring magamit ang gift certificate

Papel na gift certificate: Maaaring magamit sa 1,200 na tindahan sa lungsod ng Akashi Digital Gift Certificate: Maaaring magamit sa 600 na tindahan sa lungsod ng Akashi

Panahon na maaari itong gamitin

Mula ika-1 ng Pebrero (Miyerkules) hanggang ika-31 ng Marso (Biyernes)

[Papel na Gift certificate]

Bawat gift certificate ay mayroong 13 na piraso ng voucher na may halagang 500 yen bawat isa. *Hindi makakatanggap ng sukli kung sakaling gamitin ito sa pamimili.

(1)Paraan ng pag-apply

a.Ipadala ang postcard ng aplikasyon. (Ang papel ng impormasyon ay ihahatid sa mga tahanan bago ang ika-6 ng Enero) b.Mag-apply sa pamamagitan ng homepage ng lungsod ng Akash

-Mayroong 7 lugar kung saan maaaring makabili ng Akashi 30% Value Gift Certificate.

Mangyaring pumili ng isang lugar upang bumili at makapag-apply ng gift certificate.

Ang deadline ay hanggang ika-10 ng Enero lamang at mangyaring ilagay ang postcard sa mailbox bago ang ika-9 ng Enero.

(2) Kung araming tao ang nag-apply, magsasagawa ng lottery upang magpasya kung sino ang maaaring makabili ng gift certificate. Para sa mga taong napili sa lottery, magpapadala sa pamamagitan ng post ang isang papel kung saan nakasaad kung ilang bilang ng papel ang maaaring mabili. (Ito ay ipapadala base sa pagkakasunud-sunod mula ika-26 ng Enero).

(3) Mangyaring bumili ng gift certificate mula ika-1 hanggang iksa-5 ng Pebrero. Maaaring malaman kung saan makakabili ng gift certificate sa pamamagitan ng papel na matatanggap mula sa lungsod ng Akashi.

[Digital gift certificate]

(1)Paraan ng pag-apply

Mangyaring mg-apply sa pamamagitan ng website sa pagitan ng ika-10 (Martes) at ika-20 (Biyernes) ng Enero.

(2)Kung maraming tao ang nag-apply, magsasagawa ng lottery upang magpasya kung sino ang maaaring makabili ng digital gift certificate. Para sa mga taong napili sa lottery, magpapdala ng e-mail ang Akashi uapang malaman kung ilang set ng gift certificate ang maaaring mabili (Ipapadala ito sa ika-2 ng Enero). Magkakaroon muli ng anunsyo sa pamamagitn ng e-mail patungkol sa halaga ng gift certificate at ang ID na kinakailangan para sa pagpaparehistro.

(3) Magparehistro gamit ang ID at maaaring makabili ng gift certificate sa isang convenience store o gamit ang isang credit card. Mangyaring bumili sa pagitan ng ika-1 (Miyerkules) at ika-10 (Biyernes) ng Pebrero.

*Kahit anong edad ay maaaring makabili ng digital gift certificate, ngunit kailangan ng mga mamimili ng kanilang sariling smartphone, e-mail address at numero ng smartphone.

[Mga paalala sa pagbili ng gift certificate]

1.Ang mga papel na gift certificate ay mabibili lamang gamit ang cash. Hindi ito mabibili gamit ang isang credit card.

2.Ang mga digital gift certificate ay maaaring mabili sa mga convenience store sa pamamagitan ng pagbabayad o sa pamamagitan ng credit card

[Mga item kung saan hindi maaaring magamit ang mga gift certificate]

a.Hindi maaaring magamit sa pagbabayad ng buwis, kuryente, gas, tubig, sigarilyo at iba pa.

Kung mayroong anumang katanungan, mnagyaring makipag-ugnayan sa Akashi 30% Value Gift Certificate call center.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5334. Ang numero ng facsmile ay 078-918-5136.

Maaaring tumawag ng Lunes hanggang Biyernes mula 10:00am hanggang 5:00pm. Ngunit sarado ito mula ika-1 hanggang ika-3 ng Enero. Hindi rin maaaring makapag-apply ng gift certificate sa pamamagitan ng telepono at facsimile.

Paunawa mula sa Astronomical Science Museum

(1)Magkakaroon ng isang pagtitipon sa Astronomical Science Museum kung saan maaaring masaksihan ang kalangitan sa gabi sa pamamagitan ng teleskopyo. Ang pangalan ng ibento ay “Astronomical Observation Party”.

Petsa: Pebrero 10 (Biyernes) at Pebrero 25 (Sabado)

Oras: 7:00pm hanggang 8:15pm

Ang kapasidad ay 30 katao at ang ticket ay nagkakahalagang 300 yen bawat tao.

Mangyaring mag-apply online dalawang linggo bago ang ibento hanggang 5:00pm.

Kung maraming tao ang nais sumali rito, maaaring magsagawa ng isang lottery kung saan random na pagpipilian ang mga maaaring makasali.

Paunawa patungkol sa konsiyerto ng isang klasikal na musika

Ang mga mag-aaral mula sa kolehiyo ng musika ay magtatanghal ng isang klasikal na musika <mga sikat na lumang kanta sa Europa>.

Ang pangalan ng konsiyerto ay “Akashi Fresh Concert”

Petsa at oras: Pebrero 18 (Sabado), 2:00pm

Lugar: Meridian Hall (Aspia Akashi North Building 9F)

Ang kapasidad ay 293 katao at ang bawat ticket ay nagkakahalagang 500 yen isa. 

Maaaring mag-apply dito.

Ang mga maagang nag-apply ay tatanggapin base sa pagkakasunud-sunod.

Magsasagawa ng isang ibento sa pampublikong aklatan sa lungsod ng Akashi kung saan maririnig ang iba’t ibang mga kuwento mula sa buong mundo

Isang foreigner na lektor na si Alla Doll ang magbibigay kuwento tungkol sa bansang Ukraine. Ito ay magaganap sa ika-5 ng Pebrero (Linggo) mula 2:00pm hanggang 3:30pm. Kahit sino ay maaaring mag-apply at magsisimulang tumanggap ng mga aplikasyon mula ika-22 ng Enero.

Hanggang 15 katao lamang ang maaaring lumahok at mauunang tanggapin ang mga maagang nakapag-apply. Mangyaring pumunta sa window ng pampublikong aklatan o mag-apply sa pamamagitan ng telepono. Matatagpuan ang Civic Library sa ika-4 na palapag ng Papios Akashi, 1-6-1 Daiakashicho, Akashi City. Ang numero ng telepono ay 078-918-5800.

Mangyaring makipagtulungan sa pagtitipid ng kuryente

Ang ibig sabihin ng 「節電」 (せつでん) o setsuden, ay pagtitipid ng kuryente.

Ngayong taglamig ay magkakaroon ng power shortage sa lahat ng rehiyon ng Japan kung kaya’t hangga’t maari ay hinihingi ang kooperasyon ng lahat sa pagtitipid ng kuryente.

-Kapag bibili ng mga produktong elektrikal, mangyaring pumili ng mga produktong makakatipid ng enerhiya o ang tinatawag na “省エネ” (しょうえね).

-Panatilihin ang temperatura ng kwarto sa 20 degrees sa tuwing gagamit ng heater. Mangyaring i-ventilate ang silid paminsan-minsan sa panahon ng tag-init.

Kung mayroong anumang mga katanungan tungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Environmental Creation Division.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5786。Ang facsimile naman ay 078-918-5586.

Paunawa tungkol sa bakuna para sa corona

Maaaring magpabakuna sa corona hanggang ika-31 ng Marso 2023.

1.Bakuna para sa Omicron

(1)Mga taong maaaring magpabakuna

-Ang mga taong lampas sa edad na 12 na nakatanggap ng una at pangalawang bakuna na hindi na bababa sa 3 buwan mula noong huling bakuna ay maaari nang tumanggap ng bakunang Omicron.

*Isang beses lang maaaring magpabakuna ng bakunang Omicron.

(2) Mga lugar kung saan maaaring magpabakuna

-Maaaring magpabakuna sa alinmang 110 na ospital at klinika sa lungsod ng Akashi, Akashi Civic Plaza, o Akashi Public Health Center. Tignan sa QR code upang malaman ang mga ang mga ospital na maaaring puntahan.

(3) Voucher para sa bakuna

            -Mangyaring gamitin na ang voucher na mayroon ngayon.

            -Para sa mga hindi pa nakakapagpabakuna ng Omicron vaccine at walang voucher na hawak sa ngayon, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 upang maakakuha ng voucher.

2.Mga taong lagpas sa edad na 12 na hindi pa nakakapagpabakuna ng una o ikalawang dosis ng bakuna

-Sa Enero 15, 2023 (Linggo) ay maaaring magpabakuna ng una at ikalawang dosis sa Akashi Public Health Center.

-Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at magpa-reserba upang makakuha ng bakuna.

3.Bakuna para sa mmga sanggol at bata

-Ang mga sanggol at bata na higit sa 6 na buwang gulang at hanggang 11 taong gulang ay maaari na ring magpabakuna.

-Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at mag-apply ng voucher upang makapagpabakuna.

-Para naman sa mga reserbasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa ospital o klinika kung saan maaaring magpaturok ng bakuna. Gamitin ang sumusunod na QR code upang malaman kung saang mga ospital at klinika maaaring magpabakuna.

-Kinakailangan ang pahintulot mula sa magulang o kahaalili ng magulang upang makapagpabakuna. Kailangan ding sila ay kasama sa pagpapaturok ng bakuna.

4.Mga taong lumipat sa lungsod ng Akashi

-Kung nais na magpabakuna para sa Omicron, mangyaring makipag-ugnayan sa 0120-712-160 upang makapag-apply ng isang voucher.

5.Numero ng telepono para sa bakuna ng corona sa lungsod ng Akashi

-Ang numero ng telepono ng Akashi City para sa mga pagpapareserba ng bakuna laban sa coronavirus ay 0120-227-710.

Ang numero ng telepeono upang makapag-apply ng voucher para sa bakuna ay 0120-712-160.

Maaari ring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

*Ang pagtanggap ng tawag sa telepono ay mula 9:00am hanggang 5:00pm araw-araw, ngunit sarado ito mula ika-1 hanggang ika-3 ng Enero.

Mga hakbang na maaaring gawin kung sa iyong paningin ay mayroon kang corona virus

Kung mayroong mataas na lagnat, ubo, masakit ang ulo, namamagang lalamunan o nakakaramdam ng labis na pagod, mangyaring sundin ang mga sumususnod na tagubilin na nakasaad sa ibaba.

1.Mga bata hangganag elementarya, mga taong higit sa 65 taong gulang, mga taong may malubhang sakit, at mga nagdadalang tao. (Para sa mga tao maliban sa [2. Mga batang mula junior high school hanggang 64 taong gulang na walang malubhang karamdaman at hindi nagdadalang tao.] ay pakaitignan dito.)

(1) Mangyaring kumonsulta sa isa sa mga sumusunod na tatlong opsyon.

a. Laging magpatingin sa doktor o mangyaring tumawag sa doktor upang manghingi ng medikal na payo.

b. Tagwan ang outpatient clinic para sa lagnat (ospital na sumusuri sa mga taong mayroong mataas na lagnat) at gumawa ng appointment. Maaaring malaman ang fever outpatient clinic gamit ang sumusunod na internet.

c. Tawagan ang Corona Consultation Dial (telepono kung saan maaaring magpakonsulta patungkol sa sakit sa Corona)

Ang numero ng telepono ay 078-918-5439. Ito ay bukas mula 9:00 am hanggang 6:00 pm. (Mangyaring tumawag sa 078-912-1111 para sa mga nais tumawag sa pagitan ng 6:00 pm hanggang 9:00 pm.

(2) Kapag nagpositibo sa virus

a. Ang mga sumusunod na tao ay tatawagan ng pampublikong sentro ng kalusugan. Ito ay isang tanggapan ng pamahalaan na nangangalaga sa kalusugan ng bawat isa.

-Mga taong mahigit 65 taong gulang

-Mga taong kinakailangang maospital

-Mga taong may dinadalang sanggol sa kanilang sinapupunan.

-Mga taong may malubhang sakit at nangangailangan ng gamot.

Ang pampublikong sentro ng pangkalusugan ang mag-aasikaso ng pag-ospital, mag-aalaga uapang pagalingin ang sakit at ang magsusuri ng pisikal na kondisyon ng pangangatawan.

b. Ang ibang tao na hindi nabanggit ay hindi na makakatanggap ng tawag mula sa pampublikong sentro ng kalusugan. Mangyaring magpareserba kung nais na pagalingin ang sakit sa espesyal na hotel para sa corona, o nais na na masuri ang pisikal na kondsiyon. Para sa higit pang mga detalye mangyaring tignan ang internet na ito.

2. Mga batang mula junior high school hanggaang 64 taong gulang na walang malubhang karamdaman at hindi nagdadalang tao

*Kung mayroong lagnat at patuloy itong tumataas o hindi gumagaling ang sakit, mangyaring pumunta sa opisina ng doktor o ospital.

(1) Bumili ng test kit para sa corona at suriin kung nahawa ba o hindi.

Maaaring bumili ng mga test kit sa mga parmasiya o sa pamamagitan ng internet.

Mangyaring bilhin ang test kit na may label na [in vitro diagnostic na gamot] (「体外診断用医薬品」) o may label na [class 1 na gamot] (「第一類医薬品」).

Kung nag-apply sa Hyogo Prefecture gamit ang internet na ito ay maaaring makatanggap ng libreng test kit. 

(2) Kapag positibo sa corona virus any pagsusuri

     a. Mangyaring magparehistro para sa “voluntary medical treatment system” ng Hyogo Prefecture.

Maaari kang magparehistro gamit ang internet na ito. 

B. Hindi na makakatanggap ng tawag mula sa pampublikong sentro ng kalusugan. Mangyaring mag-apply kung nais na pagalingin ang  sakit sa isang espesyal na hotel para sa corona, o nais na masuri ang pisikal na kondisyon. Para sa higit pang mga detalye gamitin ang QR code na ito.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Health Prevention Division ng Akashi Public Health Center. Ang numero ng telepono ay 078-918-5421 at ang facsimile number ay 078-918-5441.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる