Paunawa para sa ika-1 ng Mayo 2024 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo para sa ika-1 ng Mayo

Naghahanap ang aming tanggapan ng mga batang gustong gumamit ng “After School Children’s Club” ngayong panahon ng tag-init!

Ang “After School Children’s Club” ay isang lugar kung saan ang mga bata ay maaaring maglaro nang ligtas pagkatapos ng kanilang klase sa elementarya. Ang aming tanggapan ay tatanggap ng applikasyon para sa mga batang nais gumamit mula ika-19 ng Hulyo hanggang ika-18 ng Agosto.

Maaari itong gamitin ng mga elementaryang mag-aaral na nasa trabaho at wala sa bahay tuwing umaga Ang kanilang mga magulang. Ang “After School Children Club” ay matatagpuan sa lahat ng pang-elementaryang eskwelahan sa Akashi at maaari lamang itong gamitin sa “After School Children’s Club” ng pinapasukang paaralan.

Maaari itong gamitin mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ngunit, sarado naman tuwing linggo, holiday, mula ika-13 hanggang ika-15 ng Agosto. Kung nais, maaaring gamitin mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, ngunit hanggang 5:00 ng hapon lamang tuwing Sabado.

Mangyaring mag-apply sa “After School Children’s Club” mula Mayo 7 hanggang Mayo 24. Mangyaring basahin ang “Mga Kinakailangan para sa Aplikasyon” para sa iba pang detalye ng aplikasyon. Maaari itong makuha sa “After School Children’s Club”.

Maaaring hindi makagamit ng nasabing serbisyo, kung sakaling madaming aplikasyon ang dumating. Ipapadala ang resulta ng aplikasyon sa pamamagitan ng isang liham hanggang ika-30 ng Hunyo.

Para sa anumang katanungan patungkol dito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Akashi Children’s Foundation After School Children’s Club”.

Ang telepono ay 078-915-8170. Ang fax number ay 078-915-8175.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる