Paunawa para sa ika-1 ng Pebrero 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa mula sa isyu ng ika-1 ng Pebrero

Pagpapadala ng “Certificate Citizen’s Convenience Book”

Ang “Akashi Citizen’s Convenience Book” ay isang aklat na naglalaman ng kapaki-pakinabang na impormasyon para sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Ito ay ipapadala sa lahat ng bahay sa lungsod ng Akashi sa ika-28 ng Pebrero. 

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga impormasyong nakasulat sa nasabing libro:
-Pagproseso ng mga dokyumento at mga gabay paatungkol sa counter ng Akashi City Hall.
-Introduksyon patungkol sa mga espesyal na pagkain at mga sikat na lugar sa lungsod ng Akashi. 
-Isang mapa na nagpapakita ng lokasyon ng mga ospital sa lungsod. 

Bukod dito ay marami pang mga mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa inyong pang araw-araw na pamumuhay kung kaya’t mangyaring basahin ang nasabing libro.  Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Citizen’s Advice Room. Ang numero ng telepono ay 078-918-5050 at ang facsimile number naman ay 078-918-5102.

Paunawa tungkol sa bakuna para sa corona

Maaaring magpabakuna sa corona hanggang ika-31 ng Marso 2023.

Bakuna para sa Omicron
(1)Mga taong maaaring magpabakuna
-Ang mga taong lampas sa edad na 12 na nakatanggap ng una at pangalawang bakuna na hindi na bababa sa 3 buwan mula noong huling bakuna ay maaari nang tumanggap ng bakunang Omicron.

*Isang beses lang maaaring magpabakuna ng bakunang Omicron.

(2)Mga lugar kung saan maaaring magpabakuna

-Maaaring magpabakuna sa alinmang 110 na ospital at klinika sa lungsod ng Akashi, Akashi Civic Plaza, o Akashi Public Health Center.

(3) Paraan ng pagpapareserba
Mangyaring tumawag sa 0120-227-710 para magpareserba. Maaari ring magpareserba sa reservation site.

(4) Voucher para sa bakuna
-Mangyaring gamitin na ang voucher na mayroon ngayon.
-Para sa mga hindi pa nakakapagpabakuna ng Omicron vaccine at walang voucher na hawak sa ngayon, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 upang maakakuha ng voucher.

 2.Mga taong lagpas sa edad na 12 na hindi pa nakakapagpabakuna ng una o ikalawang dosis ng bakuna
・Maaaring magpaturok ng una at ikalawang bakuna sa Akashi Public Health Center sa Linggo, ika-26 ng Pebrero o sa Akashi Civic Square sa Linggo, ika-5 ng Marso.
・Siguraduhing tumawag sa 0120-712-160 at kumuha ng appointment upang makapagpabakuna. 

3. Bakuna para sa mmga sanggol at bata
-Ang mga sanggol at bata na higit sa 6 na buwang gulang at hanggang 11 taong gulang ay maaari na ring magpabakuna.
-Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at mag-apply ng voucher upang makapagpabakuna.
-Para naman sa mga reserbasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa ospital o klinika kung saan maaaring magpaturok ng bakuna. Gamitin ang sumusunod na QR code upang malaman kung saang mga ospital at klinika maaaring magpabakuna.

Mga sanggol at bata na mula 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang;

-Kinakailangan ang pahintulot mula sa magulang o kahaalili ng magulang upang makapagpabakuna. Kailangan ding sila ay kasama sa pagpapaturok ng bakuna.

4. Numero ng telepono para sa bakuna ng corona sa lungsod ng Akashi
-Ang numero ng telepono ng lungsod ng Akashi para sa mga pagpapareserba ng bakuna laban sa coronavirus ay 0120-227-710.

Ang numero ng telepeono upang makapag-apply ng voucher para sa bakuna ay 0120-712-160.
Maaari ring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

Ikalawang beses ng pagbebenta ng digital gift certificate 

Ang digital gift certificate ay isang gift certificate kung saan maaaring bumili sa pamamagitan ng pagbabayad gamit ang smartphone. Kung nais na makabili nito, mangyaring mag-apply sa pamamagitan ng website. Maaaring makabili ang mga taong nakatira sa lungsod ng Akashi at hindi nag-apply sa unang pagkakataon.

・Maaaring magkapag-apply ng gift certificate mula 10:00 am sa Lunes, ika-13 ng Pebrero.

Mauunang bentahan ang mga taong maagang nag-apply at matatapos ang bentahan kapag naubos na ito. 

・Ang isang set ay nagkakahalaga ng 5,000 yen at sa pamamagitan nito, maaari nang mamili sa halagang 6,500 yen.

・Maaaring bumili ng hanggang 6 na set bawat tao.

・Sinuman o anumang edad ay maaaring bumili ng digital gift certificate. Ngunit kailangan ng mga mamimili ang kanilang sariling mga smartphone, email address, at numero ng telepono. 

Mangyaring bumili ng mga digital gift certificate sa pagitan ng Pebrero 1 (Miyerkules) at Pebrero 5 (Linggo).

Ito ay maaaring mabili ng mga taong napili sa lottery. Ang lottery ay isang paraan ng random na pagpipipili kung sino lamang ang maaaring makabili. Magpapadala ng mga gabay sa mga taong napili at mangyaring bumili nito sa mga itinalagang lugar.  

Kung mayroong anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa “Akashi 30% Value Gift Certificate Call Center”. Ang numero ng telepono ay 078-918-5334 at ang facsimile number ay 078-918-5136. Maaaring tumawag Lunes hanggang Biyernes mula 10:00 am hanggang 5:00 pm.

Mga plano ng lungsod ng Nishi-Akashi na naglalayong magkaroon ng maginhawang pamumuhay ang mga mamamayan

May mga plano na gawing mas maginhawa ang buhay ng mga mamamayan na nakatira sa lungsod ng Nishi-Akashi. Ito ay isang plano kung saan nagtulungan ang lungsod ng Akashi at JR.

1. JR Nishi-akashi Station

①Pagkakaroon ng bagong entrance.
Ang pangalan nito ay “South exit ticket gate”.
Magkakaroon din ng “Tako Bus” stop sa harap ng istasyon.
*Ito ay nakatakdang matapos sa taong 2026.

② Mga hakbang para sa kaligtasan sa loob ng istasyon
Ang mga platform 5 at 6 ng istasyon ay magkakaroon ng mga bakod.
Ang bakod ng platform ay isang aparato na pumipigil sa mga aksidente sa pagitan ng mga tao at mga tumatakbong tren. 

③ Mga hakbang para sa kaligtasan sa paligid ng istasyon
Ang riles na tumatawid sa kanluran ng istasyon ay magiging isang tulay ng pedestrian.
Ang tulay ng pedestrian ang nagpapahintulot sa mga tao na maglakad sa mga riles.
 Magagawa nang ligtas na tumawid sa mahabang tawiran ng riles.

2. Sun Life Akashi

Magbabago ang lokasyon nito at magiging bago rin ang gusali.
Sa gusali, magtatayo din ng ng isang silid-aklatan at isang lugar kung saan maaaring maglaro ang mga bata.
*Ito ay nakatakdang matapos sa taong 2026.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Pagpaplano at Koordinasyon. Ang numero ng telepono ay 078-918-5283 at ang facsimile number ay 078-918-5136.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる