Paunawa para sa ika-1 ng Nobyembre 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa ng Nobyembre 1 na isyu

Anunsyo patungkol sa parent-child ski class

Available ang mga parent-child ski class sa Hachi Kogen Ski Resort.

May kakayahan man o wala ay maaaring humiling ng isang guro na magbibigay ng serbisyo ng pagtuturo ng tamang paraan ng pag-ski.

Ang mga klase ay gaganapin ng Akashi City Ski Association at Konohana Kanko Co., Ltd.

Ang klase na ito ay magbubukas nang dalawang beses. Tignan ang mga sumusunod na petsa:

  • Mula Sabado, Enero 20, 2024 hanggang Linggo, Enero 21, 2024
  • Mula Sabado, Pebrero 3, 2024 hanggang Linggo, Pebrero 4, 2024

Paraan ng pagpunta:

  • Sumakay ng bus papuntang Hachi Kogen Ski Resort. Maaaring sumakay ng bus mula sa City Hall o Akashi Ginza bus stop.
    • Mananatili sa isang hotel at ang pangalan nito ay “Plateau Konohana”.

 

Maaaring lumahok ang mga mag-aaral sa elementarya at mga miyembro ng pamilyang nasa hustong gulang na nakatira sa Akashi City.    

  • Hanggang sa 45 tao ang maaaring lumahok sa una at pangalawang sesyon.

Ang halaga para sa mga matatanda ay 17,000 yen at 14,000 yen naman para sa mga bata.

Kakailanganin ding magbayad ng dagdag na halaga upang makasakay sa lift at magrenta ng mga kinakailangang gamit para sa pag-ski.

Pakisulat ang sumusunod sa isang postcard at mag-apply.

  • Postal code, address, pangalan, numero ng telepono
  • Pangalan ng lahat na nais lumahok
  • Isulat ang pangalan at grado sa paaralan ng iyong anak.
  • At isulat ang buwan na nais lahukan: lumahok sa Enero o Pebrero.

Mangyaring ipadala ang postcard sa sumusunod na address at siguraduhing makarating ito sa ika-2 ng Disyembre.

909-1 Tando, Yabu City, 667-1124

Hachi Kogen “Plateau Konohanai” Akashi City Oyako Ski Classroom Staff

Ang numero ng telepono ay 079-667-7111. Ang fax number ay 079-667-7114.

Kung sakaling maraming aplikante, magsasagawa ng isang lottery.

Paunawa mula sa Astronomical Science Museum tungkol sa “Stargazing Party”

Ang “Stargazing” ay isang pagtitipon na kung saan oobserbahan ang mga bituin at kalangitan sa gabi.

Mayroong isang grupo na tinatawag na “Stargazing Club” kung saan maaaring gamitin ang teleskopyo sa Astronomical Science Museum upang makita ang mga bituin sa gabi. Kung nais na lumahok, mangyaring mag-apply mula sa homepage.

  • Petsa: Magkakaroon ng dalawang stargazing party.

①Sabado, ika-25 ng Nobyembre *Mangyaring mag-apply bago ang ika-5 ng hapon sa ika-11 ng Nobyembre.

②Sabado, ika-2 ng Disyembre *Mangyaring mag-apply bago ang ika-5 ng hapon sa ika-18 ng Nobyembre.

  • Oras: Mula 7:00 pm hanggang 8:30 pm *Maaaring makapasok mula 6:30 pm.
  • Lokasyon: Astronomical Science Museum (Address: 2-6 Hitomarucho, Akashi City) 16th floor Astronomical Observation Room, 4th floor Sundial Plaza
  • Kapasidad: 40 katao *Kung masyadong maraming aplikante, isang lottery ang gaganapin.
  • Presyo: 300 yen bawat tao, 200 yen naman para sa paradahan.

*Paunawa ng libreng araw ng pagpasok

Ang pagpasok ay libre sa Sabado, Nobyembre 18 at Linggo, Nobyembre 19, dahil ito ay Kansai Culture Days. Samantalang, available naman ang mga paradahan ngunit ito ay may bayad.

Kung mayroong anumang mga katanungan tungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi City Astronomical Science Museum.

Ang numero ng telepono ay 078-919-5000, at ang fax number ay 078-919-6000

Perang suporta ng lungsod ng Akashi para sa pagbili ng helmet ng bisikleta

Ang prefecture ay magbibigay tulong para sa gastos kapag ang mga residente ng Hyogo Prefecture ay bumili ng mga helmet ng bisikleta.

Nagpaplano ang lungsod na tumanggap ng mga aplikasyon para sa tulong mula Disyembre. Mayroon lamang ilang mga kundisyon para sa aplikasyon, kung kaya`t mangyaring tandaan ang mga sumusunod:

Ang mga helmet na karapat-dapat para sa tulong ay ang mga nakakatugon sa lahat ng sumusunod na pamantayan:

  • Mga bagong item na binili pagkatapos ng Oktubre 3, 2023
    • Mga produktong pumasa sa mga pamantayan sa kaligtasan na itinakda ng bansa
    • Mga item na binili nang hindi gumagamit ng “Habatan Pay+”

*Ang “Habatan Pay+” ay isang tiket na ibinebenta ng Hyogo Prefecture na maaaring gamitin sa pamimili, atbp.

Ang mga karapat-dapat para sa tulong ay ang mga nasa ilalim ng alinman sa mga sumusunod ① hanggang ③.

  • Higit sa 65 taong gulang

②Mga batang nasa pagitan ng edad na 1 hanggang 18 at kanilang mga magulang (ang magulang ay maaaring maging ama o ina)

③ Mga estudyante sa unibersidad o vocational school sa pagitan ng edad na 19 at 29

*Mangyaring alamin ang iyong edad batay sa kung ilang taon ka sa ika-31 ng Marso ng susunod na taon.

Ang halaga ng tulong ay hanggang 4,000 yen para sa isang helmet. (Ang mga gastos na mas mababa sa 1,000 yen ay hindi karapat-dapat.)

Ang mga gawad ay hindi babayaran ng cash. Plano ng lungsod na magbigay ng pagbabayad sa pamamagitan ng mga credit card point o prepaid card. Para sa higit pang mga detalye, pakitingnan ang site code sa ibaba.

                                                                  

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Hyogo Prefecture Call Center. Ang numero ng telepono ay 0120-134-076.

Tumatanggap ang aming tanggapan ng mga aplikasyon mula 9:00 a.m. hanggang 5:30 p.m. araw-araw. Gayunpaman, hindi bukas ang pagtanggap ng mga aplikasyon sa katapusan ng taon at mga pista opisyal ng Bagong Taon.

Maaaring magpabakuna laban sa corona virus nang libre hanggang Marso 31, 2024.

Maaaring magpabakuna laban sa coronavirus nang walang bayad hanggang ika-31 ng Marso 2024.

  • Ang mga taong higit sa 6 na buwang gulang ay maaaring makatanggap ng bakuna laban sa coronavirus.
  • Maaaring malaman kung paano kumuha ng reserbasyon at kung paano makatanggap ng voucher para sa pagbabakuna (voucher para sa pagpapabakuna) sa website ng Akashi City.
  • Para naman sa mga 12 taong gulang o mas matanda pa at hindi pa nagpapaturok ng una o pangalawang dosis ng bakuna, maaari itong matanggap sa sumusunod na araw:

Ang lokasyon ay “Akashi Medical Center”.

Ika-1: Sabado, ika-25 ng Nobyembre

Ika-2: Sabado, ika-16 ng Disyembre

Ito ang numero ng telepono para sa pagpapaturok ng bakuna sa coronavirus sa Akashi City.

・Ang numero ng telepono para sa mga reserbasyon upang magpaturok ng bakuna ay 0120-227-710.

・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon patungkol sa bakuna laban sa coronavirus ay 0120-712-160.

・Maaari ring tumawag mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. araw-araw.

・Kung wala naming kakayahang makapagsalita sa pamamagitan ng telepono, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる