Paunawa para sa ika-1 ng Decembre 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa ng Decembre 1 na isyu

 Paunawa mula sa Astronomical Science Museum

Ang mga oras ng negosyo para sa tatlong araw: Araw ng Bagong Taon, mula ika-1 ng Enero hanggang ika-3 ng Enero, ay ang mga sumusunod.

・Oras: Mula 11:00 a.m. hanggang 3:00 p.m. Mangyaring pumasok sa 2:30pm.

・Bayad: 500 yen bawat matanda, libre para sa mga mag-aaral sa high school at mas bata. Hindi maaaring magagamit ang paradahan ng sasakyan.

 Magbebenta rin ang Astronomical Science Museum ng mga masuwerteng bag at pagkain sa espasyo. Ang masuwerteng bag ay isang produkto na naglalaman ng iba’t ibang mga bagay para sa parehong presyo kung saan hindi nakikita ang nilalaman nito. Hindi maaaring malaman kung ano ang nasa loob, pero kung susuwertihin, maaaring makabili ng mga mamahaling gamit sa murang halaga

Ang planetarium ay may espesyal na nilalaman na tinatawag na “New Year Planetarium”.

Magkakaroon nito ng tatlong beses sa isang araw.

Upang makaiwas sa dami ng tao sa pasukan, mamimigay ng numbered ticket (ticket na may nakasulat na order of entry) sa mga darating ng maaga.

 Ang mga oras ng pagsisimula ay ang mga sumusunod:

① Mula 11:30 a.m.,

② Mula 12:50 p.m.,

③ Mula 2:10 p.m.

 Ang oras ng panonood ng planetarium ay 40 minuto. ② ay naglalaman ng ikasisiya ng mga bata.

Ang mga oras ng negosyo sa susunod na araw ay maaaring iba sa karaniwan, kung kaya’t mangyaring mag-ingat.

*Sarado ang aming tanggapan mula ika-27 hanggang ika-31 ng Disyembre.

 *Ang ika-4 ng Enero ay isang holiday.

Mula ika-5 ng Enero, kami ay bukas tulad ng normal na pagbubukas.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Astronomical Science Museum.

Ang numero ng telepono ay 078-919-5000 at ang numero ng fax ay 078-919-6000.

Magsasagawa ng “Mexican cooking class” kung saan maaaring lumahok ang mga magulang at mga anak

Magsasagawa ng “Mexican cooking class” kung saan ang mga bata sa elementarya at mas matanda ay maaaring sumali kasama ng kanilang mga magulang. Isang Mexican na nakatira sa lungsod ng Akashi ang magtuturo kung paano gumawa ng masarap na Mexican na pagkain.

Petsa at oras: ika-27 ng Disyembre mula 10:00 a.m. hanggang 1:00 p.m.

Lokasyon: Kasama si Akashi (Aspia Akashi North Building 8th floor)

Bayad: 1,000 yen bawat tao (pareho ang presyo para sa mga matatanda at bata) Ang ibento na ito

ay pinlano ng Multicultural Center Manmaru Akashi.

Kung nais na lumahok, mangyaring mag-aplay para sa “Multicultural Center Manmaru Akashi” sa pamamagitan ng telepono o email.

Hanggang 8 grupo ang maaaring lumahok mula sa mga maagang nag-a-apply. Ang numero ng telepono ay 078-915-8747. Ang email address ay info@manmaru-akashi.com.

Nabakunahan na ba ang inyong mga anak laban sa tigdas at rubella?

<Ang “pagbabakuna” ay isang injeksyon upang maiwasan ang sakit. >

Ang mga sakit na tigdas at rubella ay lubhang nakakahawa.

Maaari rin itong humantong sa mga seryosong sintomas.

Upang maiwasan ng inyong anak na magkaroon ng tigdas at rubella, at mula sa pagkahawa sa iyong pamilya at mga kaibigan, mangyaring pabakunahan ang inyong mga anak.

Kung ang voucher (o sticker) para sa pagbabakuna ay nag-expire na, kinakailangang magbayad ng pera. Pakitandaan na kakailanganin ng humigit-kumulang 10,000 hanggang 20,000 yen.

Target na tao

・Unang yugto: Mga bata mula 12 buwan hanggang 24 na buwan ang edad

・Ikalawang yugto: Mga batang ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 2017 at Abril 1, 2018

Ang voucher sa pagbabakuna (o sticker) ay may bisa hanggang Marso 31, 2024.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Children’s Health Division.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5656. Ang numero ng fax ay 078-918-6384.

Mangyaring mag-ingat sa mga aksidente sa trapiko

Maraming nangyayaring aksidente sa trapiko tuwing Disyembre dahil tuwing Disyembre, mas maraming kailangang gawin, at mas maraming sasakyan sa kalsada kaysa karaniwan.

Isa pa sa mga dahilan ay ang kadiliman sa gabi.

Kung nagmamaneho ng kotse, pakitiyak na ligtas ang sarili bago magmaneho.

Mangyaring isaalang-alang ang iyong oras at iwasang magmaneho nang masyadong mabilis.

Huwag uminom ng alak kung ikaw ay magmamaneho.

Gayundin, kung ikaw ay naglalakad sa gabi.

Mangyaring magsuot ng isang bagay na kumikinang sa mga headlight ng iyong sasakyan.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Traffic Safety Division.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5036. Ang numero ng fax ay 078-918-5110.

Paraan ng pagpapa-reserba ng bakuna laban sa COVID-19 ay magbabago

Mula Enero 2024, magbabago ang paraan ng pagpapa-reserba para sa bakuna laban sa COVID-19. Ang libreng pagtanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ay maaaring gawin hanggang Marso 31, 2024.

● Paraan ng pagpapareserba para sa mga taong 12 taong gulang pataas

(1) Kapag tatanggap ng bakuna ngayong Disyembre 2023,

① mangyaring tumawag sa ospital o klinika, ② tumawag sa numero para sa reserbasyon

(0120-227-710), ③ mag-reserba sa pamamagitan ng website.

② Kapag tatanggap ng bakuna sa Enero, Pebrero, o Marso 2024, mangyaring tumawag sa

ospital o klinika para sa reserbasyon.

● Paraan ng pag-re-reserba para sa mga sanggol at bata na may edad 6 buwan hanggang 11 taon

Kahit sa buwan ng Disyembre 2023 o sa mga buwan ng Enero, Pebrero, o Marso 2024, mangyaring tumawag sa ospital o klinika para sa reserbasyon.

* Hindi pa tiyak ang mga ospital o klinika kung saan maaaring magpaturok ng bakuna sa buwan ng Enero, Pebrero, o Marso 2024. Hindi pa rin tiyak ang oras para sa pagtawag para sa reserbasyon.

Sa oras na maglabas ng anunsyo, agad namin itong ipapahayag sa opisyal na website ng Lungsod ng Akashi.

* Ang mga taong 12 taong gulang pataas na hindi pa nakakapagpabakuna ng unang at pangalawang dose ay maaaring tumanggap nito kinabukasan.

– Unang Dose: Disyembre 19, 2023, Martes, 3:00 PM

– Pangalawang Dose: Enero 9, 2024, Martes, 3:00 PM

– Lugar: “Akashi City Hospital”

– Numero para sa reserbasyon: 0120-712-160. Maaaring tumawag mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM araw-araw.

Ito ang numero ng telepono para sa pagpapaturok ng bakuna sa coronavirus sa Akashi City.

・Ang numero ng telepono para sa mga reserbasyon upang magpaturok ng bakuna ay 0120-227-710.

・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon patungkol sa bakuna laban sa coronavirus ay 0120-712-160.

・Maaari ring tumawag mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. araw-araw.

・Kung wala naming kakayahang makapagsalita sa pamamagitan ng telepono, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる