Anunsyo ng ika-15 ng Oktubre, 2022 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo ng ika-15 ng Oktubre na isyu

Sasailalim sa “health checkup” ang mga batang papasok sa elementarya

Magkakaroon ng “health checkup” para sa mga batang papasok sa elementarya sa Abril sa susunod na taon.
Ang “health checkup” ay isang pagsusuri upang masuri kung malusog ang pangangatawan.
Magpapadala ng notice bago ang ika-31 ng Oktubre sa mga pamilyang kwalipikado ang anak sa pagsusuri.
Ang notice ay isang piraso ng papel na kinakailangan upang makatanggap ng isang “Medical Examination”.
Ang petsa at lugar ng health checkup ay nakasaad sa matatanggap na notice.

Mangyaring makipag-ugnayan sa “School Education Division” kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito. Ang telepono ay 078-918-5055 samantala ang facsimile number ay 078-918-5111.

 Sa susunod na Abaril, magbibigay ng suportang pinansyal para sa mga batang papasok sa elementarya at junior high school.

Ang suportang ito ay tinatawag na “Shuugaku Enjo” o tulong pinansyal para sa pag-aaral.
Ang mga pamilyang maaaring makatanggap nito ay nakasaad sa bilang 1 at 2.

1. Mga batang nakatakdang pumasok sa Abril ng susunod na taon sa paraalang elementarya ng lungsod ng Akashi.
Ang mga kwalipikadong bata ay kinakailangang ipinanganak sa pagitan ng ika-2 ng Abril 2016 hanggang ika-1 ng Abril 2017.
Magkakaroon din ng pagsusuri kung magkano ang kinikita ng pamilya.
Ang suportang pinansyal ay nagkakahalagang 54,060 yen at maaaring bahagyang magbago ang halaga.
Bago mag-enroll, makakatanggap ng isang dokumento mula sa post office na naglalaman ng mga tagubilin kung paano mag-enroll.
Pagkatapos basahin nang mabuti ang mga nilalaman, mangyaring mag-apply sa mga sumusunod.
Educational Planning Office General Affairs Officer (Telepono 078-918-5054 Fax number 078-918-5111)

2. Mga estudyanteng nakatakdang pumasok sa junior high school sa Abril sa susunod na taon.
Ang mga estudyanteng kwalipikado ay mga batang nasa sa ika-6 na baitang ng elementarya na kasalukuyang tumatanggap ng “school attendance assistance”.
Ang halaga ng tulong pinansyal ay 60,000 yen at maaaring bahagyang magbago ang halaga nito.
Hindi na kailangang mag-apply muli. 
Para sa mga detalye, mangyaring basahin ang mga dokumentong ipapamahagi ng paaralan.

Anunsyo patungkol sa bakuna para sa corona

Mga taong maaaaring magpabakuna para sa omicron.

1.Maaari nang makatanggap ng bakuna ang mga batang 12 taong gulang o mas higit pa na limang buwan na ang nakalipas mula noong nakatanggap ng una at pangalawang dosis ng bakuna.
(Ang mga batang nasa pagitan ng edad na 12 at 15 ay dapat mayroong pahintulot mula sa kanilang mga magulang o kahalili ng magulang makapagbakuna at kinakailangan na kasama sila sa oras ng pagpapabakuna. )

2. Gagamiting bakuna
Ang mga gagammiting bakuna ay Pfizer at Moderna’s Omicron vaccine.
Para sa mga nasa pagitan ng edad na 12 at 17, ang Pfizer vaccine.
Para sa mga lampas sa edad na 18, ang Moderna vaccine.
*May mga bakunang BA.1 at BA.4/5 ang Omicron. Ang mga batang nakatanggap na ng bakunang BA.1 ay hindi makakatanggap ng bakunang BA.4/5.

3.Voucher sa pagtanggap ng bakuna
(1) Kung mayroon nang natanggap na voucher para sa pangatlo o pang-apat bakuna ay mangyaring gamitin ito.
(2) Ang Lungsod ng Akashi ay magpapadala ng voucher sa mga nakatanggap ng ika-2, ika-3 at ika-4 na pagbabakuna at sa mga wala pang voucher. Maaaring magtagal bago dumating ang ticket kung kaya’t mangyaring maghintay hanggang sa ito ay dumating.
(3) Kung naiwala ang voucher o lumipat sa Lungsod ng Akashi, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 upang mag-aplay para sa voucher.

4.Paraan ng pagpapareserba ng bakuna

Para sa mga magpapareserba sa telepono mangyaring tumawag sa 0120-227-710. Ito ay bukas araw-araw mula 9:00 am hanggang 5:00 pm.
Maaari ring magpadala ng fax sa numerong 0120-655-695.

●Kung masama ang pakiramdam o maaaring nahawa sa corona virus, mangyaring tawagan ang numero sa ibaba para sa mga payo.
Akashi Public Health Center Health Prevention Division 078-918-5421 (Ito ay mula 9:00am hanggang 5:40pm)
Hyogo Prefecture Novel Coronavirus Health Consultation Call Center 078-362-9980 (Ito ay bukas ano mang oras, araw araw)

Anunsyo patungkol sa kung paano makakatanggap ng “Koho Akashi” (Ugnayang Pampubliko ng Akashi)

Ang “Koho Akashi” ay inihahatid kasama ng mga pahayagan. 
Kung nais maihatid sa iyong tahanan ang pahayagan, mangyaring makipag-ugnayan sa Public Relations Division ng Akashi City.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5001.
Ang fax number naman ay 078-918-5101.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる