Anunsyo ng Setyembre 15, 2022 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo para sa ika-15 ng Setyembre

1.Ang “Akashi City Support Ticket” ay ipapadala sa lahat ng nakatira sa Lungsod ng Akashi

Ang “Akashi City Support Ticket” ay ipapadala sa lahat ng nakatira sa Lungsod ng Akashi.
Ang voucher o ticket na ito ay maaaring gamitin tulad ng pera.

Mamamahagi ng support ticket upang makatulong sa mga mamamayan dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng nahahawa sa corona at sa kabi-kabilang pagtaas ng mga bilihin sa bansa. Ang ticket na ito ay hindi lang makakatulong sa mga mamamayan, kundi pati na rin sa mga maliliit na tindahan o kainan sa Lungsod ng Akashi.

1.) Panahon ng pamamahagi: Ito ay ipapamahagi batay sa pagkakasunod sunod ng listahan at ipapadala mula ika-21 ng Setyembre hanggang ika-31 ng Oktubre.
2.) Benepisyaryo: Ito ay ipapamahagi sa lahat ng mamamayan na nakatira sa lunsod ng Akashi.
3.) Presyo: 3,000 yen bawat tao (6 na tiket na 500 yen bawat isa)
4.) Mga tindahan kung saan ito maaaring magamit: Maaaring gamitin ito sa mga restaurant, tindahan, at taxi sa Akashi City. Kasamang ipapadala ang support ticket at ang listahan kung saan nakasulat na pangalan ng tindahan na maaaring paggamitan.
5.) Panahon kung kailan ito magagamit: Maaari itong gamitin mula ika-1 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Disyembre.

Ang voucher ay ipapadala sa pamamagitan ng [yuupaku/ゆうパック]. Nakapaloob rin dito ang ticket para sa kada miyembro ng pamilya.
Kailangan ang hanko o ang pirma sa araw na makatanggap nito.
Mangyaring makipag-ugnayan sa post office kung sakaling makatanggap ng <不在連絡票 fuzairenrakuhyou> o absence of notification slip sa inyong mailbox.

Ang <不在連絡票 fuzairenrakuhyou > o absence of notification slip ay nangangahulugang walang tao sa inyong tahanan noong dumating ang padala.
Basahin ang QR code upang makita ang mga tindahan kung saan lamang maaaring magamit ang voucher

Kung may mga katanungan patungkol sa aunsyong ito maaaring makipag-ugnayan sa support center ng nasabing voucher:
Telepono: 918-5066
FAX: 918-5136

2.Impormasyon patungkol sa pag-iwas sa krimen: Mangyaring mag-ingat sa mga kasong nakawan ng bisikleta

Maaaring manakaw ang mga bisikletang hindi nakakandado o naiiwan ito nang hindi nakakandado.
Kamakailan lang ay tumataas ang bilang ng mga kasong nananakawan ng bisikleta at 60% sa mga ito ay nakakalimutan i-lock o hindi nai-lock at mababawasan ang mga kasong ito kung lagi itong ikakandado lalo na sa tuwing ito ay ipaparada sa labas.

Mga pamamaraan upang makaiwas sa nakawan ng bisikleta:

・Laging ikandado ang bisikleta kahit na iiwan lamang ito sa sandalling oras.
・Mangyaring maglakip ng kandado na hindi madaling mabuksan ng sinuman maliban sa iyong sarili.
・Maaari mong patunayan na pag-aari ang isang bisikleta sa pamamagitan ng pagkumpleto ng “pagparehistro ng pagpigil sa krimen ng bisikleta” sa lugar kung saan ito binili.
・Siguraduhing i-lock ang iyong bisikleta kahit na ipaparada ito sa bahay o sa lugar na maaaring magparada.

Telepono ng opisina ng Comprehensive Safety Countermeasures: 918-5069
FAX: 918-5140
Telepono ng Akashi Police Station: 922-0110

3.Anunsyo patungkol sa bakuna para sa corona

Bakuna para sa mga batang edad 12 pataas

・Ikaapat na dosis ng bakuna
Ang mga sumusunod na 1, 2, 3, 4 na tao ay maaaring nang makatanggap ng ika-4 na bakuna:
1.Mga taong edad 60 pataas na 5 buwan o higit pa ang nakalipas mula noong nagpaturok ikatlong pagbabakuna.
2.Mga taong nasa pagitan ng edad na 18 hanggang 59 na mayroon nang kondisyong medikal, o sinabihan ng doktor na lalong lalala ang mga sintomas kung mahawa sa corona virus
3.Mga taong nasa pagitan ng edad 18 hanggang 59 na nagtatrabaho sa ospital.
4.Mga taong nasa pagitan ng edad 18 hanggang 59 na nagtatrabaho sa lugar kung saan nag aalaga ng mga matatanda.

・Ikatlong dosis ng bakuna
o Maaari nang magpaturok ng ikatlong dosis ng bakuna ang mga batang edad 12 pataas na 5 buwan o higit pa ang nakalipas mula noong nagpaturok ng ikalawang bakuna.

*Mangyaring kumpirmahin kung kailan at saan maaaring magpaturok ng bakuna sa oras ng pagpapareserba.

Bakuna para sa mga batang edad 5 hanggang 11

Mangyaring gumawa ng appointment para sa bakuna sa corona sa isang ospital o klinika kung saan maaari tumanggap ng bakuna ang mga batang edad 5 hanggang 11.
Maaaring maghanap sa mga ospital at klinika gamit ang QR code na ito.

Ang pagbabakuna ay isasagawa ng dalawang beses. Tatlong linggo pagkatapos ng unang bakuna ay saka lamang maaaring magpaturok ng ikalawang bakuna.
Kinakailangan ang pahintulot mula sa magulang o tagapag-alaga upang makapagpaturok ng bakuna.
Ang magulang o tagapag-alaga ay kinakailangang kasama sa araw at oras ng pagpapaturok ng bakuna.

Organisasyong lumikha ng anunsyong ito
NPO (NPO) Multicultural Center Center Manmaru Akashi (Nagtuturo ng Japanese at sumusuporta sa pamumuhay ng mga foreigner)

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる