Paunawa para  sa ika-1 ng Agosto 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa ng Agosto 1 na isyu

 Maaaring mapagmasdan ang mga maliliit na hayop sa dagat sa baybayin ng Okura

Maaaring pagmasdan ng mga bata ang mga nilalang sa dagat sa Okura Coast sa “Nature Observation Center”.

Maaaring ligtas na mahuli ang maliliit na isda, kabibe, alimango at hipon sa tabing-dagat sa harap ng baybayin o hanapin ang mga pangalan nito sa libro.
Maaaring hiramin nang libre ang mga jacket at sapatos para sa inyong kaligtasan, mga kasangkapan sa paghuli ng mga nilalang, atbp. Mayroon ding mga taong magtuturo o gagabay kung paano ang tamang pag-obserba sa mga hayop.

Mga araw na maaaring magamit ang mga kasangkapan:
Sabado, Linggo at mga pampublikong pista opisyal mula 10:00 am hanggang 4:00 pm.
May mga araw din na maaaring hindi magamit ang baybayin depende sa lagay ng panahon at dagat.

Mula sa website ng Okura Kaigan Park

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Okura Kaigan Park Management Office”.
Ang numero ng telepono ay 078-914-7255 at ang facsimile number ay 078-914-7256.

Maaaring matunghayan ang mga “fossil” ng mga sinaunang hayop

Maaaring matunghayan ang mga fossil tulad ng mga sinaunang elepante at shell na matatagpuan malapit sa Akashi.

  • Ito ay bukas mula 9:00 am hanggang 5:00 pm araw-araw hanggang Setyembre 2 at sarado naman ito tuwing Lunes.
  • Ang lokasyon ay ang “Uozumi Cultural Property Repository” sa 2119-23 Nishioka, Uozumi-cho.
  • Ang mga naktakdang kinauukulan ang sasagot sa inyong mga katanungan.
  • May ilan ding mga fossil na maaaring hawakan.

Kung mayroonng anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa “Culture and Sports Office History and Cultural Properties Section”.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5629 at ang facsimile number ay 078-918-5633.

*Larawan ng pulang elepante

Ang mga Akashi elephant ay mga elepante na nanirahan malapit sa Akashi mga 2 milyong taon na ang nakalilipas.

Ito ay halos 1.5 metro ang taas, at ito ay isang maliit na uri ng elepante.

Akashi Civic Library/Western Library

Maaaring makapagbasa ng iba’t ibang libro sa library. Mayroon ding mga desk at upuan kung saan maaaring magbasa nito.

(1)      Akashi Public Library: Mayroong humigit-kumulang 460,000 libro

(2)        Western Library: Mayroong humigit-kumulang 130,000 aklat.

(3)        Mobile library: Mayroong humigit-kumulang 40,000 aklat.

May mga tao rin sa library na maaaring makatulong sa inyo.

Ang isang “mobile library” ay isang kotse na may dalang mga libro na umiikot sa mga paaralan at mga parke. Ito ay nakatakdang umikot sa 81 na lugar sa lungsod ng Akashi.

Mga kaganapan sa Astronomical Science Museum sa buwan ng Agosto at Setyembre

 

Ang Astronomical Science Museum ay sarado tuwing Lunes at ikalawang Martes. Ngunit bukas ito mula Agosto 8 (Martes) hanggang Agosto 20 (Linggo) mula 9:30 am hanggang 5:00 pm. Ang entrance fee para sa mga matatanda ay 700 yen at libre naman ang mga bata hanggang high school.

Dalawang kaganapan sa Agosto nat Setyembre

① Magdaraos ng “astronomical observation party”

Sabay-sabay nating pagmasdan ang mga bituin sa gabi. Ito ay magaganap ng isang beses sa Agosto at dalawang beses naman sa Setyembre.

Kinakailangang magpa-register dalawang linggo bago ang bawat sesyon. Mangyaring magpa-register mula sa website ng Astronomical Science Museum. Kung maraming aplikante, maaaring isang lottery ang gaganapin. 

Petsa:

1st session: Agosto 25 (Biyernes)         Deadline ng aplikasyon: Agosto 11 (Biyernes)

2nd session: Setyembre 2 (Sabado)      Deadline ng aplikasyon: Agosto 19 (Sabado)

3rd session: Setyembre 16 (Sabado)     Deadline ng aplikasyon: Setyembre 2 (Sabado)

 Oras ng pagmamasid: mula 7:30 pm hanggang 9:00 pm sa anumang araw

 Oras kung kailan maaaring gawin ang mga aplikasyon: Hanggang 5:00 pm sa araw ng deadline

Bayad: 300 yen bawat tao (kailangan ng karagdagang 200 yen kapag gumagamit ng parking lot.)

② Ang “Challenge to Mars” ay ipapakita sa planetarium

Tulad ng mundo, may pitong bituin na umiikot sa araw. Ang Mars ay isang pulang planeta na umiikot sa labas lamang ng Earth.

Sa ngayon, napakahirap pa rin para sa mga tao na makarating sa planetang Mars, ngunit hindi malayong maging posible ito balang araw. Upang mas magkaroon pa ng kaalaman patungkol sa Mars, ipakilala sa lahat ang mga taong nagsisikap na ipagpatuloy ang kanilang pananaliksik at mga eksperimento. Maaari silang makita at makilala hanggang Huwebes, Agosto 31.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi Municipal Astronomical Science Museum.

Ang numero ng telepono ay 078-919-5000 at ang facsimile number ay 078-919-6000.

Paunawa patungkol sa bakuna para sa corona

Maaaring magpa-bakuna para sa corona.

Nakasaad sa ibaba ang numero ng telepono para sa Corona Vaccine sa Akashi City.

・Ang numero ng telepono para sa kukuha ng appointment upang makatanggap ng bakuna ay 0120-227-710.

・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon tungkol sa bakuna sa corona ay 0120-712-160.

・Maaaring tumawag mula 9:00 am hanggang 5:00 pm araw-araw.

・Maaari ring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる