Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.
Paunawa ng Nobyembre 15 na isyu
Anunsyo para sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang “Akashi City Support Voucher”
Nagpadala ang lungsod ng akashi ng “Akashi City Support Voucher” sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng tahanan bago ang Oktubre.
Ang “Akashi City Support Voucher” ay isang voucher na maaaring gamitin tulad ng pera. Kung hindi pa natatanggap ang package, mangyaring magpunta sa Akashi City Hall upang makatanggap nito. Nagpadala ang aming tanggapan ng mga postcard ng notification sa mga taong maaaring makatanggap nito.
Lokasyon: Akashi City Hall West Building 2nd floor
Oras: Lunes hanggang Biyernes 8:55 a.m. hanggang 5:40 p.m.
*Kinakailangan ang identification card upang makatanggap nito.
Maaari rin itong matanggap sa mga sumusunod na araw:
Biyernes, ika-24 ng Nobyembre, 5:40pm hanggang 8:00pm
Sabado, ika-25 ng Nobyembre, 10am hanggang 5pm
Linggo, ika-26 ng Nobyembre, 10am hanggang 5pm
Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa tagapamahala ng tiket ng suporta.
Ang numero ng telepono ay 078-918-5066. Ang numero ng fax ay 078-918-5334.
Mangyaring mag-ingat sa norovirus
Ang Norovirus ay isang uri ng virus na maaaring magdulot ng sakit sa mga tao.
Ang mga posibleng sintomas ay pagsusuka, pananakit ng tiyan o magkaroon ng lagnat. Ang mga impeksyon sa Norovirus ay tumataas bawat taon simula sa Oktubre at karaniwan sa panahon ng tag-lamig.
Ang norovirus ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng pagkain, tubig, at mga kamay ng mga tao.
Kung kaya’t, ang mga sumusunod na aksyon ay mahalaga.
・Mangyaring maghugas ng kamay ng maigi. Lalo na pag-uwi sa inyong tahanan, pagkatapos gumamit ng banyo, at bago hawakan ang pagkain.
・Lutuin nang maigi ang pagkain. Delikado kung hilaw ang loob ng pagkain isang halimbawa nito ay shellfish.
・Sa tuwing naglilinis ng palikuran o ng suka ng ibang tao, mangyaring magsuot ng guwantes at maskara. Mangyaring hugasan at disimpektahin ito nang maigi.
Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Health and Prevention Division.
Ang numero ng telepono ay 078-918-5421. Ang numero ng fax ay 078-918-5441.
Paglaganap ng mga kaso ng ng trangkaso at bagong uri ng coronavirus.
Ang trangkaso at ang bagong coronavirus ay kasalukuyang sabay na kumakalat ngayon. Parehas ang mga paraan upang maiwasang mahawa sa mga nasabing sakit. Mangyaring mag-ingat at sundin ang mga sumusunod na aksyon:
1. Paghugas ng mga kamay nang maigi
・Mangyaring gumamit ng sabon upang maingat na hugasan ang iyong mga pulso at daliri.
2. Pagsusuot ng maskara
・Kung mayroong mga sintomas ng sipon, mangyaring siguraduhing magsuot ng maskara.
・Magyaring isuot ang maskara ng maayos nang walang agwat sa pagitan ng mukha at ng maskara.
・Kapag tinatanggal ang maskara, hawakan ang string na bahagi at tanggalin ito.
3. Panatilihin ang malakas na pangangatawan
・Mag-ehersisyo kahit saglit araw-araw.
・Kumain ng agahan, tanghalian, at hapunan nang maayos.
4. Mag-ingat na huwag hayaang matuyo ang hangin sa inyong silid.
・Ang pagsasabit ng mga basang tuwalya sa loob ng silid ay makatutulong sa pag-iwas ng manunuyo ng hangin sa silid.
Bilang karagdagan, maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Kung nakatanggap na nito, ang mga sintomas ay hindi magiging malala kahit na ang virus ay pumasok sa iyong katawan.
Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Health Promotion Division.
Ang numero ng telepono ay 078-918-5657. Ang numero ng fax ay 078-918-5440.
Maaaring magpabakuna laban sa corona virus nang libre hanggang Marso 31, 2024.
Maaaring magpabakuna laban sa coronavirus nang walang bayad hanggang ika-31 ng Marso 2024.
- Ang mga taong higit sa 6 na buwang gulang ay maaaring makatanggap ng bakuna laban sa coronavirus.
- Maaaring malaman kung paano kumuha ng reserbasyon at kung paano makatanggap ng voucher para sa pagbabakuna (voucher para sa pagpapabakuna) sa website ng Akashi City.
- Para naman sa mga 12 taong gulang o mas matanda pa at hindi pa nagpapaturok ng una o pangalawang dosis ng bakuna, maaari itong matanggap sa sumusunod na araw:
Ang lokasyon ay ” Akashi City Hospital”.
Sesyon 1: Martes, Disyembre 19, 2023, alas 3 ng hapon.
Sesyon 2: Martes, Enero 9, 2024, alas 3 ng hapon.
Ito ang numero ng telepono para sa pagpapaturok ng bakuna sa coronavirus sa Akashi City.
・Ang numero ng telepono para sa mga reserbasyon upang magpaturok ng bakuna ay 0120-227-710.
・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon patungkol sa bakuna laban sa coronavirus ay 0120-712-160.
・Maaari ring tumawag mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. araw-araw.
・Kung wala naming kakayahang makapagsalita sa pamamagitan ng telepono, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.