Paunawa para sa ika-15 ng Marso 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

[Mangyaring basahin ang balita mula sa ika-15 ng Marso 2023 na isyu ng Mga Testimonial sa Public Relations sa “Easy Japanese” upang malaman kung saan maaaring makakita ng magagandang cherry blossoms sa lungsod ng Akashi.]

目次

Paunawa mula sa isyu ng ika-15 ng Pebrero

“Magsusuot kapa ba ng facemask?”: Sariling pagdesisyon ukol sa pagsusuot ng facemask.

Naglabas na ng pasya ang gobyerno patungkol sa kung anong mga kaso ang kinakailangan na magsuot ng facemask.

Mula ika-13 ng Marso, magagawa nang magpasya para sa iyong sarili kung kailan at saan dapat magsusuot ng facemask. Sa ngayon, mayroon pa ring mga tao na nasa malubhang kondisyon o namamatay dahil sa novel coronavirus.

Karamihan sa mga lugar ay ipinatutupad na ito ngunit ang mga sumusunod na kaso ay pinapakiusapan na mangyaring ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng facemask:

  • Sa tuwing pupunta sa mga ospital o iba pang lugar kung saan maraming matatanda.
    • Sa tuwing nakasakay o sasakay sa masikip na tren o bus.
    • Kapag sinabihan na magsuot nito sa isang tindahan o sa isang lugar ng event

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Health Prevention Division.

Ang numero ng telepono ay 918-5421 at ang facsimile number ay 918-5441.

Paunawa tungkol sa bakuna para sa corona

Maaari na lamang magpabakuna sa corona sa Akashi Citizen Square at Akashi Public Health Center hanggang ika-26 ng Marso. Magkakaroon naman ng bagong paunawa, kung napagpasyahan na ang mga gagawin mula sa Abril.

1.Bakuna para sa Omicron

(1) Mga taong maaaring magpabakuna

-Ang mga taong lampas sa edad na 12 na nakatanggap ng una at pangalawang bakuna

(2) Mga lugar kung saan maaaring magpabakuna

-Maaaring magpabakuna sa alinmang 110 na ospital at klinika sa lungsod ng Akashi, Akashi Civic Plaza, o Akashi Public Health Center.

(3) Paraan ng pagpapareserba

Mangyaring tumawag sa 0120-227-710 para magpareserba. Maaari ring magpareserba sa reservation site. 

2. Mga taong lagpas sa edad na 12 na hindi pa nakakapagpabakuna ng una o ikalawang dosis ng bakuna

-Sa ika-19 ng Marso (araw ng linggo) ay maaaring magpabakuna ng una at ikalawang dosis sa Akashi Public Health Center.

-Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at magpa-reserba upang makakuha ng bakuna.

3. Bakuna para sa mga sanggol at bata

-Para naman sa mga reserbasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa ospital o klinika kung saan maaaring magpaturok ng bakuna.

-Kinakailangan ang pahintulot mula sa magulang o kahalili ng magulang upang makapagpabakuna. Kailangan ding sila ay kasama sa pagpapaturok ng bakuna.

4. Voucher para sa pagtanggap ng bakuna

・Mangyaring gamitin na ang voucher na mayroon ngayon.

・Para naman sa mga mamamayan na wala pang voucher, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at mag-apply para sa isang voucher.

5. Numero ng telepono para sa bakuna ng corona sa lungsod ng Akashi

-Ang numero ng telepono ng lungsod ng Akashi para sa mga pagpapareserba ng bakuna laban sa coronavirus ay 0120-227-710.

Ang numero ng telepeono upang makapag-apply ng voucher para sa bakuna ay 0120-712-160.

Maaari ring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

Paghahanap ng mga larawan na nagpapakita ng tagsibol sa lungsod ng Akashi

Ang Public Relations Division ng Akashi City ay naghahanap ng mga larawan na nagpapakita ng tagsibol sa lungsod. Ito ay isang laran na kinakailangan kuha mula sa lungsod ng Akashi.

Ang mga mapipili na magagandang larawan ay ipo-post sa “Koho Akashi” at sa website ng Akashi City.

Mangyaring ipadala ito sa Akashi City Public Relations Division “Photos that Feel Spring” bago ang ika-28 ng Abril. Maaaring magpadala sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan:

  • Dalhin ito sa “Public Relations Section ‘Photos that Feel Spring'” sa city hall.
    • Ipadala sa pamamagitan ng koreo sa “Mga larawan ng tagsibol sa City Hall, Post number: 673 8686”.
    • Magpadala ng email sa akashiphoto@city.akashi.lg.jp.

(1) Pangalan ng taong kumuha ng larawan, (2) Address, (3) Edad, (4) Numero ng telepono, (5) Petsa kung kailan kinunan ang larawan, (6) Kaunting paglalarawan (7) Opinyon patungkol sa larawan, at isumite ang mga ito nang magkasama.

Kung dadalhin ng direkta o ipinadala ito sa pamamagitan ng koreo, mangyaring gawin itong L size <ang laki ng larawan>.

Kung ipapadala naman ito sa pamamagitan ng email, mangyaring gumamit ng JPEG na mas maliit sa 3MB.

Kung mayroong anumang mga katanungan tungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa seksyon ng Public Relations Division na “Photos that Feel Spring”

Ang numero ng telepono ay 078-918-5001 at ang facsimile number ay 078-918-5101.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる