Paunawa para sa ika-15 ng Agosto 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa ng Agosto 15 na isyu

Maaari nang magpaturok ng bagong bakuna para sa corona mula ika-20 ng Setyembre

Mula Setyembre 20, 2023, maaari nang magpaturok ng bagong bakuna para sa corona.

Ito ay ginawa para sa bagong uri ng omicron virus na tinatawag na “Omicron XBB.1.5”.

Ngunit, hindi pa napagdesisyunan kung paano maaaring makatanggap ng bakuna. Sa sandaling ito ay mapagpasyahan, magkakaroon muli ng bagong anunsyo ang lungsod ng Akashi. .

Kung nais naman na makatanggap ng bakuna para sa corona bago ang ika-20 ng Setyembre, mangyaring gamitin ang voucher na ipinadala ng lungsod ng Akashi. Ang pangalan ng voucher ay “接種券 (Sesshuken)” at ito ay kulay lila (violet).

Nakasaad sa ibaba ang mga numero ng telepono para sa bakuna sa corona sa lungsod ng Akashi.

・Ang numero ng telepono para sa mga appointment sa pagpapabakuna ay 0120-227-710.

・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon patungkol sa bakuna sa corona ay 0120-712-160.

・Maaaring tumawag mula 9:00 am hanggang 5:00 pm araw-araw.

・Kung hindi naman makapagsalita sa telepono, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

Maaari ding makita ang mga pinakabagong impormasyon gamit ang sumusunod na site..

Pagturo sa mga bata ng paglalaro ng rugby

Ngayong taon ay magkakaroon ng world tournament na tinatawag na “Rugby World Cup” sa France, at ang katanyagan nito ay tumataas. Ang lungsod ng Akashi ay nagtuturo sa mga bata mula 5 taong gulang hanggang elementarya kung paano maglaro ng mini rugby.

Mga Petsa: Setyembre 9, Setyembre 16, Setyembre 30, 3 beses sa kabuuan.

Ang oras ay mula 10:00 am hanggang 12:00 am.

Lokasyon: Okura Kaigan Multi-Purpose Square

Mga babayaran: Libre

Bilang ng mga tao: mga 30 tao

Kung nais na lumahok, mangyaring mag-apply sa pamamagitan ng pagpapadala ng postcard, fax, o e-mail sa Akashi City Hall Sports Promotion Section.

① Pangalan ng silid-aralan. Pakisulat ang “Mini Rugby Class @ AKASHI2023”.

② Pangalan at edad ng bata. Mangyaring isama ang furigana.

③ Address. Pakisulat din ang zip code.

④ Pangalan ng magulang. Pakisulat din ang numero ng telepono at email address.

* Mangyaring ipadala ito agad upang ito ay dumating sa ika-31 ng Agosto.

*Kung maraming aplikante, isang lottery ang gaganapin upang mapili ang mga batang maaaring sumali.

Ang address ng “Akashi City Hall Sports Promotion Section” ay ang sumusunod.

・Address: 1-5-1 Nakazaki, Akashi City 673-8686

・Email address: event-spo@city.akashi.lg.jp

・Numero ng telepono: 078-918-5624 Numero ng Facsimile: 078-918-5194

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Akashi City Hall Sports Promotion Section” na nakasaad sa itaas.

Magkakaroon ng isang masayang ibento sa No. 17 Ike Uozumi Minna Park

Nakasaad sa ibaba ang dalawang ibento na magaganap sa No. 17 Ike Uozumi Minna Park. Ito ay libre kung kaya`t kahit sino ay maaaring lumahok. Wala ring kinakailangang aplikasyon kung kaya`t inaaanyayahan ang lahat na magpunta sa parke sa araw na iyon.

Matatagpuan ang parke na ito mga 15 minutong lakad mula sa JR Uozumi Station. Mayroon ding libreng paradahan, at higit 100 sasakyan ang maaaring iparada.

◎Halina`t maglaro ng water gun at sabay-sabay tayong magtampisaw sa tubig

・Ito ay magaganap mula 10:00 am hanggang 12:00 pm sa Sabado, ika-2 ng Setyembre. Maaari itong makansela kung sakaling umulan.

・Makakapaglaro ng isang beses sa loob ng humigit-kumulang 15 minuto at hanggang 30 tao ang maaaring maglaro.

・Maaaaring mabasa kung kaya`t, mangyaring magdala ng damit na pamalit. ・Kung mayroong sariling water gun, mangyaring dalhin ito.

◎Halina`t subukan at i-enjoy ang somen nagashi

Ang somen ay isang pagkain sa Japan na mas manipis at mas puti kaysa ramen.

Ang “Soumen nagashi” ay isang kaganapan kung saan kumakain ng somen noodles na lumulutang sa tubig gamit ang mga chopstick.

・Ito ay magaganap mula 11:30 am hanggang 1:00 pm sa Sabado, ika-9 ng Setyembre. Maaari itong makansela kung sakaling umulan.

・10 tao ang maaaring sabay-sabay na kumain at magiging palitan ang mangyayari upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makakain.

・Mangyaring magdala ng sariling tasa at chopstick upang hindi na makagawa pa ng ibang basura.

・Maaari ring lumahok kahit na walang tasa at chopstick.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Green Park Division.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5039 at ang facsimile number ay 078-918-5109.

Gaganapin ang “Noryo Festival” sa Akashi Park

Ang “Noryo” ay ginaganap upang tamasahin ang mga kaganapan na nagpapalamig sa sa mainit na panahon. Maraming mga tindahan na nagbebenta ng pagkain at mga laruan ang itatayo sa lokasyon ng ibento.

Magkakaroon din ng Bon dance competition. Ang Bon Odori ay isang tradisyonal na sayaw ng Hapon na maaaring salihan ng sinuman. Madalas itong sinasayaw tuwing mayroong pista. Ito ay siguradong magiging isang masayang alaala sa tag-init, kung kaya`t mangyaring sumali sa amin.

Petsa: Agosto 26 (Sabado), Agosto 27 (Linggo) 3pm hanggang 9:30pm

Lokasyon: Akashi Park West Lawn Square

・Ang Bon Dance Festival ay gaganapin sa Sabado, ika-26 ng Agosto mula 8:20pm hanggang 9:30pm.

・Hindi ito kakanselahin kahit na umulan nang kaunti, ngunit maaari itong makansela kung sakaling napakasama ng panahon.

 

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Noryo Festival Management Office”. Ang numero ng telepono ay 078-220-8352.

Mga hakbang laban sa pagkapagod tuwing tag-init at mga paraan upang manatiling malusog sa tag-araw

(Summer fatigue <panghina ng katawan dahil sa init ng tag-init>)

Patuloy ang mga mainit na araw. Para sa mga taong nakararamdam ng mabigat ang pakiramdam, walang ganang kumain, at laging pagod… Narito ang ilan sa mga hakbang laban sa pagkapagod at mga paraan upang manatiling malusog ngayong tag-init.

(1) Kumain nang naaayon sa nutritional balance.

Subukang kunin ang mga sustansya na maaaring makakatulong sa iyong katawan upang manatili itong malusog.

・Bitamina B1

·Bitamina C

➁Uminom ng tubig maraming beses sa isang araw.

Nirerekomenda rin ang pag-inom ng barley tea dahil dito maaaring makakuha ng mga sustansya tulad ng mineral.

③Huwag masyadong palamigin ang iyong katawan gamit ang air conditioner.

Panatilihin ang temperatura ng silid sa paligid ng 28 degrees Celsius.

 

④ Matulog ng maayos.

⑤ Hangga’t maaari bumangon at matulog sa parehas na oras

⑥ Paminsan-minsan, igalaw ang iyong katawan.

Kapag nag-eehersisyo sa labas, mangyaring panatilihing malamig o sakto ang temperatura ng pangangatawan.

Kung mayroong anumang mga katanungan tungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Seksyon ng Pag-promote ng Kalusugan”. 

Ang numero ng telepono ay 078-918-5657 at ang facsimile number ay 078-918-5440.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる