Paunawa para sa ika-1 ng Hunyo 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa mula sa isyu ng ika-1 ng Hunyo

Magkakaroon ng isang pista sa Akashi Park. Ang pista ay tinatawag na “Linggo ng Oras 2023”

Ang ika-10 ng Hunyo ay “Time Memorial Day”.

Sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang unang pagkakataon sa Japan na gumamit ng orasan upang mabasa at masabi ang oras. Matatagpuan ang Akashi nang eksakto 9 na oras bago ang karaniwang lokasyon ng mundo, kaya ginagamit ng Japan ang oras ng Akashi bilang karaniwang pambansang oras. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ang Akashi na “Bayan ng Oras”.

Magdaraos ang lungsod ng Akashi ng isang kapistahan na tinatawag na “Time Week 2023” upang ipaalam sa mas maraming tao ang mga bagay patungkol sa Akashi. Maaaring magsaya kasama ang inyong buong pamilya at mga kaibigan, kung kaya’t inaanyayahan namin ang lahat na makilahok at makisaya sa nasabing pista.

Petsa: Linggo, ika-11 ng Hunyo mula 10:00 hanggang 16:00. Maaari itong makansela kung sakaling masama ang panahon at magkaroon ng maglakas na pag-ulan.

Lokasyon: Akashi Park Lawn Square.  

・ Magkakaroon ng mga sayaw, musika at pagtatanghal ng taiko sa entablado. 

・ Magkakaroon ng maraming tindahan ng pagkain at inumin sa plaza. 

・ Magkakaroon din ng tyansa na matunghayan at kumuha ng litrato ng mga sasakyan ng     pulis at bumbero,.

・ Gagamit ng isang lumang baril upang ipahayag sa pamamagitan ng malakas na tunog ang oras ng 12:00.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Time Week 2023 Executive Committee”. Ang numero ng telepono ay 090-3973-8000 at ang facsimile number naman ay 078-787-5786.

Dumadaming insidente ng pagnanakaw ng bisikleta

Dumarami ang mga nagnanakaw ng mga motorsiklo at bisikleta sa lungsod, particular na ang maraming kaso ng pagnanakaw ng bisikleta. Pagsapit ng Marso ngayong taon, mayroong 97 kaso ng pagnanakaw ng bisikleta aat 70% ng mga ninakaw na bisikleta ay hindi naka-lock.

 

Mangyaring pakitandaan ang sumusunod upang maiwasan ang pinsala mula sa pagnanakaw:

・Siguraduhing naka-lock ang inyong bisikleta sa tuwing iiwan ito kahit sa maikling panahon.

・Palaging i-lock ang kotse kahit na ito ay nakaparada sa sarili ninyong property.

・Huwag iwanan ang mga bisikleta o motorsiklo sa kalsada.

・Pakikumpleto ang pagrehistro sa “Bicycle crime prevention registration”. Sa pamamagitan ng pagpaparehistro dito ay maaaring patunayan kung kaninong bisikleta ito. Mangyaring hilingin sa iyong lokal na nagbebenta ng bisikleta na kumpletuhin ang pamamaraan para sa pagpaparehistro ng “Bicycle crime prevention registration”.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa General Safety Office. Ang numero ng telepono ay 078-918-5069 at ang facsimile number naman ay 078-918-5140.

Ang Hunyo ay buwan upang isaisip ang ating kapaligiran

Tuwing buwan ng Hunyo sa Japan, ay iniisip ang kapaligiran at gumagawa ng iba’t ibang mga bagay para rito.

Nililinis din ng mga taong nakatira sa lungsod ng Akashi ang mga kalapit na kalsada, ilog at dagat. Kung kaya’t inaanyayahan din ang mga dayuhang residente na gumawa ng mga bagay o aksyon na inyong makakaya upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran. Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:

・Linisin ang kalsada malapit sa inyong bahay

・Hangga’t maaari ay bawasan ang dami ng basura na inilalabas mula sa bahay

・Huwag bumili ng masyadong maraming pagkain at huwag itapon ang pagkain

・Iwasang bumili ng de-boteng inumin sa halip lumabas na may dalang bote ng tubig

・Bawasan ang sobrang paggamit ng kuryente. Patayin ang mga ilaw kung saan hindi ginagamit ang mga ito

・Hangga’t maaari ay sumakay ng tren at bus sa halip na mga kotse

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi City Environmental Affairs Division. Ang numero ng telepono ay 078-918-5029 at ang facsimile number naman ay 078-918-5586.

Paunawa patungkol sa mga kaganapan sa Hunyo at Hulyo sa Astronomical Science Museum

Nais naming ipaalam sa inyo patungkol sa mga kaganapan sa Hunyo at Hulyo sa Astronomical Science Museum.

(1) Pagpapakilala ng Tanabata at mga dekorasyong ginagamit dito

Ang Tanabata ay isang pagdiriwang ng mga bituin. Ito ay gaganapin sa ika-7 ng Hulyo. Ang ilang mga lugar ay magdaraos din nito sa simula ng Agosto.

Sa Astronomical Science Museum, ipakikilala ang kuwento ng Tanabata, na ipinasa pa mula noong sinaunang panahon, at ang mga dekorasyon ng Tanabata sa Akashi. Ito ay magsisimula mula sa Hunyo 17 (Sabado) hanggang Hulyo 17 (Lunes).

(2) Proyekto ng “Antarctic star” sa planetarium

Ang mga bituin ng Antarctica (ang pinakatimog na lugar sa mundo) ay hindi makikita sa Japan. Ngunit maaari itong makita sa planetarium. Ang mga bituin sa Antarctic ay inaasahang nasa Planetarium ng Astronomical Science Museum at ito ay hanggang ika-30 ng Hunyo lamang.

Ang bayad para sa Astronomical Science Museum ay 700-yen para sa mga matatanda. Wala namang bayad ang mga bata hanggang high school at mga estudyante.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi Municipal Astronomical Science Museum. Ang numero ng telepono ay 078-919-5000 at ang facsimile number ay 078-919-6000.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる