Anunsyo ng Hulyo 1, 2023 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa para sa isyu ng Hulyo 1

 Mag ingat  sa mga sakit na dulot ng lamok

Ang lamok ay isang insekto na maaaring magdulot ng iba’t ibang uri ng sakit sa tao. Maaaring magkaroon ng sakit kapag nakagat lamok. Ang ilan sa mga pangalan ng sakit ay “Dengue Fever” at “Zika Virus Infection.” Ang mga sakit na ito ay naipapasa mula sa tao sa tao kung kaya’t maging maingat upang maiwasan makagat ng lamok at alisin ang mga sanhi ng pagdami ng lamok.

Mga maaaring gawin upang maiwasang makagat ng lamok:

・ Kapag nasa  labas, mangyaring takpan ang balat sa abot ng iyong makakaya.

・ Gumamit ng “insect repellent” o pampatanggal ng mga insekto. Ang “insect repellent” ay isang kemikal na nagpapaiwas sa mga insekto.

Mga maaring gawin upang hindi palaganapin ang mga lamok:

・ Ang lamok ay nabubuhay sa mga lugar na may nakatambak na tubig kung kaya’t maglinis at alisin ang mga nakatambak na tubig tulad ng ilalim ng mga paso ng halaman.

・ Ito ay nagtatago din sa mga lugar kung saan maraming damo. Tanggalin ang mga damo at alisin ang mga maaaring pinagtataguan nito.

Kung may mga katanungan patungkol sa artikulong mangyaring makipag-ugnayan sa “Health and Prevention Division, Infection Control Department.” Ang numero  ng telepono  ay 078-918-5421, at ang fax number naman ay 078-918-5441.

Maaaring mag-enjoy at lumangoy sa dagat.

Mayroong dalawang beach resort namatatagpuan sa lungsod ng Akashi.

Maaring lumangoy o maglaro sa buhangin ng beach na malayo sa kapahamakan.

Narito ang mga panahong maaaring pumunta at lumangoy sa dagat na Ito:

■ Hayashizaki Matsue Beach: Mula Hulyo 1 (Sabado) hanggang Agosto 31 (Huwebes)

■ Okura Beach: Mula Hulyo 15 (Sabado) hanggang Agosto 27 (Linggo)

May mga pasilidad din itong kasama tulad ng shower, banyo, at paradahan ng mga sasakyan. Sa Hayashuizaki Matsue Beach naman ay mayroong mga lugar kung saan maaaring magpahinga.

・Para sa mga katanungan patungkol sa Hayashizaki Matsue Beach, mangyaring tumawag sa “Akashi Hayashizaki Beach Association” sa numerong 078-911-4971.

・Para naman sa mga tanong tungkol sa Okura Beach, mangyaring tumawag sa “Okura Beach Park Administration Office” sa numerong 078-914-7255. Ang numerong fax ay 078-914-7256.

Maaaring manood ng laban ng Beach Volleyball sa Okura Beach.

① Akashi Shichō Hai – Kansai University Beach Volleyball Men’s and Women’s Tournament.

Ito ay isang paligsahan ng mga unibersidad sa Kansai na gaganapin mula Hulyo 14 (Biyernes) hanggang Hulyo 16 (Linggo).

② NEXT2023 – Dai 5-kai Zenkoku Beach Volleyball U-23 Men’s and women’s Championship Tournament. Ito naman ay mga laro sa high school at unibersidad sa Japan.

Ito ay isang paligsahan ng mga paaralan at mga unibersidad sa buong Japan. Ang mga pinili at malalakas na koponan ang mga lalahok sa nasabing laban. Ito ay magaganap mula Hulyo 21 (Biyernes) hanggang Hulyo 23 (Linggo).

Maaaring maglaro sa Akashi Seaside Pool.

Ang Akashi Kaihin Pool ay matatagpuan sa Akashi Kaihin Park.

Ang address nito ay 8-1 Minamifutami, Futamicho, Akashi City.

Para makarating dito maaring sumakay ng Sanyo Bus mula sa JR Tsuchiyama Station o Sanyo Electric Railway Nishifutami Station.

Maaaring pumunta sa pool mula Sabado, Hulyo 8 hanggang Huwebes, Agosto 31. Gayunpaman, sarado ang pasilidad na ito sa Linggo, ika-27 ng Agosto.

 Ito ay bukas mula 10:00 am hanggang 5:00 pm, ngunit pwede lang pumasok hanggang 4:00 pm.

 Ang bayad ay 500 yen para sa mga mag-aaral sa junior high school at pataas at mga mag-aaral sa elementarya ay 250 yen.

Libre ang mga bata na hindi pa nagsisimulang mag aral.

Ang mga mag-aaral sa elementarya na nakatira sa Akashi City o nag-aaral sa elementarya sa Akashi City ay libre din.

Limitado lang ang taong pwede pumasok at lumangoy sa pool. Mangyaring maghintay hanggang sa mas mabawasan ang bilang ng tao.

 Para sa anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi Kaihin Park Indoor Stadium Office.

Ang numero ng telepono ay 078-943-0877. Ang facsimile number ay 078-942-8650.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる