Paunawa para sa ika-1 ng Mayo 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa mula sa isyu ng ika-1 ng Mayo

Sa tuwing tag-sibol ay dumarami ang kaso ng mga batang nakararanas ng aksidente sa trapiko.

Taun-taon tuwing buwan ng Mayo at Hunyo ay maraming aksidente sa trapiko sa mga mag-aaral sa elementarya. Marami pa ring mga bata na hindi sanay sa pagpasok sa paaralan kung kaya’t ang bawat isa sa komunidad ay hinihingi ang kooperasyon sa pakikipagtulungan upang protektahan ang mga bata mula sa mga aksidente sa trapiko.

Mangyaring maging maingat sa tuwing nagmamaneho ng sasakyan.

Para sa mga pedestrian lane na walang ilaw trapiko ay mayroong sinusunod na tuntunin na tinatawag na “Hokousha Yuusen”. Ang tuntuning ito ay nangangahulugang mas magbibigay daan ang mga sasakyan at bisikleta upang makatawid ang mga pedestrian.

Maraming ring aksidente sa trapiko habang ang naitala sa mga nagbibisikleta. Kung kaya’t inaanyayahan ang lahat ng mga mamamayan, mapa-bata man o matanda na magsuot ng helmet tuwing magbibisikleta.

Kung mayroong anumang mga katanungan tungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Sangay ng Kaligtasan ng Trapiko”.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5036 at ang facsimile number ay 078-918-5110.

May mga event kung saan maaaring magsaya ang mga magulang at mga anak

Ang mga kumpanyang sumusuporta sa pagpapalaki ng bata ay magtitipon at magdaraos ng isang kaganapan na tinatawag na “Akashi Children and Child-rearing Support Messe.”

Ang pagpasok ay libre at sinuman ay maaaring lumahok.

Marami ring inihandang laruan para sa mga bata kung kaya’t maraming mga bata at mga magulang ang masisiyahan. Inaanyayahan namin na lumahok ang buong pamilya sa nasabing event.

Maaari ring sumangguni tungkol sa pangangalaga sa bata at mga gamot.

Petsa at oras: Linggo, Mayo 28, mula 10:00 am hanggang 2:00 pm

Lokasyon: Akashi Citizen Square (Papios Akashi 2nd floor)

 

Mangyaring idirekta ang anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito sa Children’s Foundation. Ang numero ng telepono ay 078-920-9670 at ang facsimile number ay 078-920-9671.

Nagkaroon ng mga pagbabago patungkol sa corona

Simula ika-8 ng Mayo, magkakaroon ng ilang pagbabago patungkol sa sakit na coronavirus.

・Mula ika-8 ng Mayo, kung ikaw ay na-diagnose na may coronavirus, mangyaring huwag umalis sa iyong tahanan sa loob ng 5 araw. Kung ito ay naman ay lumala, mangyaring pumunta agad sa ospital.

・Ang mga miyembro ng pamilya ng mga taong may sakit ng corona, at mga taong nakisalamuha sa may corona, ay maaaring makalabas ng kanilang mga tahanan at mamuhay ng normal mula Mayo 8.

・Kapag pumunta sa ospital o naospital upang magpagaling ng corona disease, libre ito hanggang ika-7 ng Mayo. Mula ika-8 ng Mayo, ay magiging sarili nang bayad ang mga magiging gastos kung sakali mang maospital.

Ngunit hanggang Setyembre ng taong ito, libre ang mga espesyal na gamot upang gumaling sa sakit sa corona.

Gayundin, hanggang Setyembre ng taong ito, ang halaga ng pagpapaospital ay maaaring bahagyang mabawasan. Gayunpaman, hindi ito maaaring gawing mas mura kaysa sa 20,000 yen.

Hanggang ika-7 ng Mayo, ang mga may sakit sa Corona ay dapat pumunta sa isang espesyal na ospital.

Mula ika-8 ng Mayo, maaari nang pumunta sa inyong mga regular na ospital.

Mangyaring tignan ang pangalan at lokasyon ng ospital at iba pang mga detalye mula sa QR code.

Mangyaring gamitin ang “Corona Consultation Dial” para sa mga konsultasyon patungkol sa coronavirus.

Ang numero ng telepono ay 078-962-5600. Sa mga karaniwang araw ito ay bukas mula 9:00 am hanggang 5:00 pm.

Ang numero naman na bukas mula 5:00 ng hapon hanggang 9:00 ng umaga, at tuwing Sabado, Linggo at pista opisyal ay 078-362-9980.

Ang ahensya na namamahala sa corona ay ang “Akashi Public Health Center Health Prevention Division”.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5421. Ang facsimile number ay 078-918-5441.

Mga bagong impormasyon patungkol sa bakuna sa corona

1. Mga taong may edad 12 pataas na hindi pa nakakatanggap ng una at pangalawang bakuna

・Mangyaring magpabakuna na ng una at ikalawang bakuna.

・Maaaring magpabakuna sa Akashi Public Health Center sa Linggo, ika-14 ng Mayo.

・Mangyaring tumawag sa 0120-227-710 o gamitin ang sumusunod na site para sa mga nais magpareserba.

2. Mga taong lampas sa edad na 12 na nakatanggap na ng una at pangalawang bakuna

● Mula ika-8 ng Mayo hanggang ika-31 ng Agosto

(1) Mga taong maaaring tumanggap ng mga bakuna

・Mula Mayo 8 hanggang Agosto 31, ang mga sumusunod na tao ay maaaring tumanggap ng bakuna.

*Mga taong mahigit 65 taong gulang

* Ang susunod na tao sa pagitan ng edad na 12 at 65

-Mga taong orihinal nang may sakit

-Yung mga sinabi ng doktor na kapag nahawa ng virus ay lalala ang kanilang mga sakit

-Mga taong nagtatrabaho sa mga ospital o klinika

– Mga taong nagtatrabaho sa isang lugar na nag-aalaga sa mga matatanda

(2) Voucher para sa bakuna

・Ang Lungsod ng Akashi ay magpapadala ng voucher para sa mga taong maaari nang magpaturok ng bakuna,

・Magtatagal bago dumating ang voucher kung kaya’t mangyaring maghintay hanggang sa dumating ito.

(3) Lugar kung saan maaaring magpabakuna

・Maaaring magpabakuna sa alinman sa 110 ospital at klinika sa Akashi City, o sa Akashi Public Health Center.

(4) Paraan ng pagpapareserba

・Mangyaring tumawag sa 0120-227-710 para sa mga nais magpareserba. Maaari ring magpareserba gamit ang sumusunod na site.

・Maaari nang magpareserba ng pagpapabakuna sa oras na matanggap ang voucher .

3. Mga bakuna para sa mga sanggol at batang hanggang 11 taong gulang

*Maaari itong matanggap pagkatapos magpabakuna ng unang dosis.

(1) Voucher para sa pagpapabakuna sa bakuna

・Para sa mga sanggol at bata mula 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 para mag-apply para sa isang voucher

· Ang mga voucher para sa mga batang may edad 5 hanggang 11 ay ipapadala ng lungsod ng Akashi kung kaya’t mangyaring maghintay hanggang sa dumating ito.

(2) Paraan ng pagpapareserba

・Mangyaring gumawa ng appointment sa isang ospital o klinika kung saan maaaring magpabakuna.

* Upang matanggap ang bakuna, kakailanganin ang pahintulot mula sa mga magulang o isang tao na kahalili ng magulang. Kailangan ding kasama ang magulang o kahalili ng magulang sa araw ng pagpapabakuna.

4. Numero ng telepono para sa bakuna sa Corona sa lungsod ng Akashi

・Ang numero ng telepono para sa mga reserbasyon sa pagpapabakuna laban sa coronavirus sa Akashi City ay 0120-227-710.

・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon tungkol sa bakuna sa corona ay 0120-712-160.

・Kung wala namang kakayahang makapagsalita sa telepono, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる