Anunsyo ng Agosto 15, 2022 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo mula sa Agosto 15 na isyu

1.Maaari nang magamit ang mga bangka ng Akashi Park sa murang halaga.

Ito ay para sa mga batang wala pang 18 taong gulang na nakatira sa Akashi City. Ang huling araw para sa may diskwentong rate ay hanggang ika-31 ng Oktubre lamang kung kaya`t pansamantala lang magagamit ang bangka sa mas murang halaga. Ang mga matatanda ay maaari ring sumakay sa bangka kasama ang mga bata.

Kailangan ang subsidy ticket 〔助成券-joseiken〕upang magamit ang bangka sa murang halaga. Ang “subsidy ticket” ay isang tiket na ginawa ng Akashi City upang malaman ang mga batang maaaring magkatanggap nito.

Pakisulat ang address at pangalan ng bata sa “subsidy ticket”. Pagkatapos ay mangyaring bumili ng “ride ticket” na nagkakahalagang 620 yen upang makasakay sa bangka.
Sa isang “ride ticket” ay maaaring makasakay sa isang bangka.
Pakibigay ang “subsidy ticket” at “ride ticket” sa taong kinauukulan.
Sa mga kaso kung saan walang “subsidy ticket”, maaaring bumili ng “ride ticket” sa halagang 900 yen.

Upang makakuha ng “subsidy ticket” ay maaaring magpunta sa mga sumusunod na lugar:

  1. Lugar na sakayan ng bangka ng Akashi Park
  2. “Akashi Kodomo Hiroba” sa ika-5 palapag ng Papios Akashi
  3. Akashi City Homepage
    ・Makikita ang mga detalye sa URL na ito (https://www.city.akashi.lg.jp/kodomo-kyoiku/kosodate/shien/documents/0415-4-kenntuki-new.pdf).

Maaaring magamit ang mga bangka mula 10:00 a.m. hanggang 4:30 p.m.
Tuwing Sabado, Linggo, at holiday naman ay mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 pm. Sarado ito tuwing Martes, ngunit kung ang araw ng Martes ay isang pampublikong holiday bukas ito para sa lahat. Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Child Care Support Division.

Ang numero ng telepono ay 918-5597 at ang fax number naman ay 918-6191.

2.Maging maingat upang hindi ma-heatstroke!

Ang heat stroke ay may mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawala ng malay, bukod dito ay maaari rin itong maging sanhi ng pagkamatay na namadalas mangyari sa tuwing tag-init.

Narito ang ilan sa mga paraan upang maiwasan ang heatstroke:
1.Kumain ng tatlong beses sa isang araw at matulog ng sapat na oras.
2.Uminom ng madaming tubig kada isang oras. Mangyaring ring uminom ng tubig bago pumasok sa paliguan at bago matulog.
3.Panatilihing malamig ang silid tuwing tag-init
4.Gumamit ng payong, sombrero, at mga electric fan na malilit.
5.Mangyaring magpahinga sa isang lugar kung saan hindi nasisinagan ng araw.

Kung sa tingin mo na ikaw ay nakakaradaman ng heatstroke, mangyaring gawin ang mga sumusunod:
1.Pumunta sa isang malamig na lugar at palamigin ang iyong katawan.
2.Magdagdag ng kaunting asin sa tubig, inumin ito at kumain.
3.Kung ang nakakaramdam ng heatstroke ay hindi kayang uminom ng tubig mag-isa, tumawag agad ng ambulansya.

3.Mag-ingat upang hindi mahawa sa corona virus !!

Ang mga virus ay napakaliit na nilalang na nagdudulot ng sakit na pumapasok sa loob ng ating katawan.

Nananatiling dumadami ang bilang ng kaso ng mga nahahawa sa corona virus kung kaya`t .mangyaring makagawian ang mga sumusunod upang ma-protektahan ang iyong sarili mula sa corona virus:

Iwasang magtipon-tipon o magpunta sa mga mataong lugar.
Gumamit ng sabon sa tuwing maghuhugas ng kamay.
I-disinfect ang mga kamay at daliri.
Mangyaring buksan ang bintana paminsan-minsan upang umikot ang hangin sa loob ng tahanan
Mangyaring mag-ingat sa heatstroke sa tuwing nagsusuot ng mask.

“Corona Consultation Dial”
Kung ikaw ay nag-aalala dahil mayroon kang mataas na lagnat, ubo at sipon, at kung hindi mo alam kung saan kang ospital pwedeng magpunta ay maaaring kumonsulta sa Corona Consultation Dial.

Maaaring kumonsulta araw-araw tuwing 9am hanggang 6pm.
Telepono: 918-5439 FAX number: 918-5441
Kung emergency at nais tumawag bukod sa numerong nakalathala sa itaas ay maaaring tumawag sa sumusunod na numero:
Telepono: 912-1111 FAX number: 918-5129

4.Ang pagsusuot ng mask tuwing tag-init ay maaaring humantong sa heatstroke!!

Ang heatstroke ay isang kondisyon kung saan nagiging masama ang pakiramdam dahil sa sobrang init. Kapag nakakaramdam nito ay maaaring makaramdam ng pagod ang iyong katawan at kawalan ng lakas upang makatayo.
Ang pagsusuot ng mask ay pinipigilan ang init na lumabas sa iyong balat. Ang halumigmig sa loob ng mask ay nagiging pare-pareho, at hindi mo mapapansin na ikaw ay nakakaramdam na ng pagkauhaw. Kung mas kaunting tubig ang iniinom ay maaaring ma-dehydrate ang iyong katawan at sumama ang pakiramdam. Ang “dehydration” ay ang kakulangan ng tubig sa katawan.

/Mag-ingat na huwag magkaroon ng heatstroke/
Mangyaring tanggalin ang iyong mask sa susunod na pagkakataon upang maiwasan ang heatstroke.
Sa tuwing nasa labas
•Hindi na kailangang magsuot ng mask kapag humigit-kumulang 2 metro ang layo mo sa ibang tao.
•Kahit hindi 2 metro ang layo sa ibang tao, hindi mo kailangang magsuot ng mask kung hindi ka nagsasalita.
Sa loob ng gusali
•Hindi na kailangang magsuot ng mask kapag humigit-kumulang 2 metro ang layo mo sa ibang tao at hindi ka nakikipag-usap sa kanila.

Mangyaring tandaan ang mga sumusunod kapag nagsusuot ng mask: 
•Paunti-unting maraming beses uminom ng tubig sa loob ng isang araw.
•Huwag mag-ehersisyo nang labis sa mga maiinit na lugar.
•Huwag manatili sa mainit na lugar ng mahabang panahon. Mangyaring pumunta sa isang malamig na lugar.
Kung mayroon mang anumang mga katanungan, mangyaring magtanong sa Health Promotion Division ng Akashi City.
Ang numero ng telepono ay 918-5657. Ang numero ng fax ay 918-5440.

5.Anunsyo patungkol sa bakuna para sa corona virus

Para sa mga bagong impormasyon, bisitahin ang homepage ng Akashi City.

•Paunawa patungkol sa ika-4 na bakuna
Ang mga sumusunod ay ang mga taong maaari nang makatanggap ng ika-apat na bakuna.
1.Mga taong edad 60 pataas, at lumagpas na ng limang buwan mula noong nagpaturok ng ika-3 bakuna
2.Ang mga taong nasa pagitan ng edad na 18 at 59 na may sakit na o sinabihan ng doktor na lalala ang kanilang mga kondisyon kung mahawa sila ng coronavirus
3.Mga taong nasa pagitan ng edad na 18 at 59 na nagtatrabaho sa mga ospital
4.Mga taong nasa pagitan ng edad na 18 at 59 na nagtatrabaho sa isang pasilidad ng pangangalaga para sa mga matatanda
•Ang tiket para sa pagtanggap ng ika-4 na bakuna ay ipapadala ng Akashi City. Ang pagdating ng ticket ay tumatagal ng halos isang linggo mula nang ipadala ng Akashi City.
•Para sa edad 60 pataas na 5 buwan o higit pa ang lumipas mula noong kanilang ikatlong bakuna
Ipapadala ng Akashi City ang ticket para sa bakuna dalawang linggo bago magpaturok ng ika-4 na bakuna
Halimbawa, kung ikaw ay nakatanggap ng ikatlong dosis noong ika-5 ng Abril ay maaaring makatanggap ng ika-apat na dosis mula ika-5 ng Setyembre. Samakatuwid, ipapadala ang tiket para sa bakuna sa paligid ng Agosto 19.
•Mga taong edad 18 hanggang 59 na kukuha ng ika-apat na dosis ng bakuna
Kinakailangang mag-apply upang makakuha ng ticket para sa bakuna.

Nagpadala na ng application form ang Akashi City sa mga magpapaturok ng ikaapat na dosis ng bakuna

•Paunawa patungkol sa Ikatlong dosis ng bakuna para sa corona
Maaari nang magpaturok ng ikatlong dosis ng bakuna ang mga batang edad 12 pataas na nakapagpaturok na matapos ang limang buwan o higit pa ng ikalawang dosis ng bakuna.

Nakapagpadala na ang Akashi City ng ticket para sa bakuna sa mga nakatanggap ng kanilang pangalawang bakuna bago ang ika-30 ng Abril.

•Para sa mga walang ticket ng bakuna ngunit nais magpaturok nito

Kung hindi mo pa natatanggap ang iyong tiket pagkatapos ng Agosto 17, nawala ang iyong tiket, o ipinanganak pagkatapos ng Agosto 1, 2017, mangyaring gamitin ang isa sa tatlong paraan na nakasaad sa ibaba upang matanggap ang iyong tiket.
1.Tumawag sa 0120-712-160
2.Hanapin sa internet ang Corona Vaccine Navi (https://www.city.akashi.lg.jp/kansentaisaku/wakutin/c-vaccine2021.html)
3.Ipadala ang application form sa pamamagitan ng postal mail, postal number 674-0068, Akashi 1-4-7 Yurinoki-dori, Kubo-cho, Shidai City sa Corona Vaccine Countermeasures Office
•Makikita ang mga detalye sa website ng Akashi City (https://www.city.akashi.lg.jp/kansentaisaku/wakutin/wakutin-hakkou4.html)

*Ang mga nakasaad sa 1, 2, 3 sa itaas ay tatagal ng maraming araw para makatanggap ng ticket ang mga nag-a-apply.
*Ang mga nakatanggap ng ikalawa o ikatlong pagbabakuna pagkatapos ng Mayo 1 ay hindi pa makakatanggap ng tiket.
•Maaaring magpareserba ng bakuna para sa corona sa homepage ng Akashi City (https://vaccine-yoyaku.jp/akashi/)
•Hotline para sa bakuna sa corona
Ika-4 na dosis ng bakuna: 0120―227-710
Ika-3 dosis ng bakuna: 0120-080-404
Ika-1 at Ika-2 dosis ng bakuna: 0120-712-160
•Maaring tumawag sa mga hotline araw araw sa pagitan ng 9am hanggang 5pm
•Ang FAX number ay 0120-655-695

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる