Paunawa para sa ika-15 ng Hunyo 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa ng Hunyo 15 na isyu

 Mayroong mini rugby classroom para sa mga bata

Ang mini rugby ay isang larong bola para sa mga bata. Mangyaring mag-apply o magparegister ang mga batang nais lumahok sa nasabing klase. 

Maaaring lumahok ang mga batang mula 5 taong gulang hanggang sa mga mag-aaral ng elementarya.

Mga Petsa: Hulyo 8, Hulyo 15, Agosto 5. Ang mga klase ay gaganapin ng tatlong beses. Ang mga oras ay mula 10:00 am hanggang 12:00 am.

Lokasyon: Okura Kaigan Multi-Purpose Square

Bayad: Ito ay libre.

Bilang ng mga tao: 30 katao

Kung sakaling maraming aplikante, maaaring magkaroon ng isang lottery upang mapili ang mga batang maaariling sumali.

Mangyaring mag-apply sa pamamagitan ng pagpapadala ng postcard, fax, o e-mail na may sumusunod na impormasyon bago ang ika-30 ng Hunyo.

1. Pakisulat ang “Mini Rugby Class @ AKASHI2023”.

2. Pangalan ng bata. Mangyaring pakisulat din ang furigana.

3. Address. Pakisulat din ang zip code.

4. Isulat ang pangalan, numero ng telepono at email address ng magulang.

Ang pangalan ng pagdadalhan ay “Akashi City Hall Sports Promotion Section”.

■ Address: 〒673-8686 1-5-1 Nakazaki, Akashi City

■ Email address: event-spo@city.akashi.lg.jp

■ Numero ng telepono: 078-918-5624 Numero ng Facsimile: 078-918-5194

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring ipadala ang mga ito sa parehong address ng “Akashi City Hall Sports Promotion Section”.

Ang orkestra ng mga bata ay maghahandog ng isang klasikal na konsiyerto

Ang Akashi City ay may organisasyon na tinatawag na “Akashi Philharmonic Junior Orchestra”. Ito ay isang orkestra para sa mga bata sa edad ng high school at mas bata na natututong tumugtog ng mga instrumentong pangmusika tulad ng violin.

Maghahandog ng konsiyerto ang orkestra sa Linggo, ika-9 ng Hulyo sa Seibu Civic Center at magpapatugtog ang grupo ng isang sikat na klasikong piyesa. Matatagpuan ang “Seibu Civic Hall” mga 5 minutong lakad mula sa JR Uozumi Station.

Magsisimula ang pagtatanghal mula 1:30 pm at maaaring pumasok sa venue mula 1:00 pm. Gayunpaman, hindi makakapasok sa venue ang mga batang wala pang 3 taong gulang.

Ang entrance fee ay 500 yen. Maaaring mabili ang mga tiket sa pagpasok sa Seibu Civic Center at sa Cultural and International Creation Foundation (Aspia Akashi North Building 7F). Maaari ring bumili ng mga tiket sa Seibu Civic Center sa mismong araw ng konsiyerto.

 

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi Philharmonic Society.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5085 at ang facsimile number ay 078-918-5121.

Mangyaring protektahan ang mga bata mula sa mga aksidente na may kinalaman sa katubigan

Mga mahahalagang bagay upang maprotektahan ang buhay ng mga bata

  1.  Kung mukhang uulan, o pagkatapos ng ulan, mangyaring lumayo sa mga lugar kung saan mayroong tubig.

2.Huwag hayaang mag-isang maglaro sa mga mapanganib na lugar kung saan ipinagbabawal ang paglangoy, tulad ng mga lawa.

3.Huwag hayaang maglaro ang mga bata nang mag-isa sa mga lugar na may tubig.

4.Sa tuwing lalabas kasama ng iyong pamilya, huwag iwanan ang mga maliliit na bata.

5.Kung sakaling makakita ng batang naglalaro sa isang mapanganib na lugar, mangyaring pagsabihan ito.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa General Safety Office. Ang numero ng telepono ay 078-918-5069 at ang facsimile number ay 078-918-5140.

Mag-ingat sa heatstroke tuwing buwan ng Hunyo

Tuwing pagitan ng buwan ng Mayo at Oktubre noong nakaraang taon, 145 katao na may heatstroke ang dinala ng ambulansya sa lungsod ng Akashi. Ang Japan ngayon ay nasa panahon ng tag-ulan. Kung maraming moisture sa hangin, madaling ma-heat stroke kahit na hindi masyadong mataas ang temperatura.

Upang maiwasan ang heatstroke mangyaring sundin ang mga sumusunod:

・ Buksan ang air conditioner upang mapababa ang temperatura at magkaroon ng malamig na hangin.

・ Magsuot ng mga damit na sumisipsip ng pawis o mga damit na komportable para sa tag-init.

・Uminom ng inumin kahit na hindi nauuhaw.

・Ugaliing mag-ehersisyo at magpapawis araw-araw.

・Kumain ng maayos at matulog ng maayos sa mga takdang oras

Kung sa iyong paningin ay nakakaramdam ng heat stroke mangyaring sundin ang mga sumusunod:

・ Magpahinga sa isang malamig na lugar

・ Uminom ng inumin. Kung iinom ng tubig o tsaa, dapat itong haluan ng kaunting asin.

Pinakamainam ang mga inuming nagbibbigay ng lakas katulad ng sports drink dahil naglalaman ang mga ito ng asin at iba pang mga kinakailangang sustansya.

・Kung may taong na-heatstroke at hindi siya makapagsalita, mangyaring tumawag kaagad ng ambulansya.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi City Health Promotion Division. Ang numero ng telepono ay 078-918-5657 at ang facsimile number ay 078-918-5440.

Maaari nang mabasa ang Koho Akashi sa cellphone

Mababasa na ang mga pinakabagong impormasyon tungkol sa Akashi City sa smartphone. Mangyaring gamitin ang mga sumusunod na QR code at i-download ang application na “Machiiro”.

Pagkatapos i-download, itakda ang “Lugar na tinitirhan” sa “Akashi City”.

Android app                                                      iOS app

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Public Relations Division. Ang numero ng telepono ay 078-918-5001 at ang facsimile number ay 078-918-5101.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる