Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.
Mga Mahahalagang Impormasyon para sa ika-1 ng Hunyo
Pagbubukas ng klase upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring mangyari habang nasa tubig
Ang aming tanggapan ay naghahanap ng 20 bata mula ika-4 hanggang ika-6 na baitang ng elementarya na nais lumahok sa nasabing klase. Ang layunin ng klase na ito ay turuan ang mga bata pati na rin ang mga magulang nito ng mga paraan upang maiwasan ang mga aksidenteng posibleng mangyari sa tubig. Ang mga bata ay maaaring mag-aral sa mismong swimming pool ng fire station. Siguraduhin lamang na may kasamang matanda na miyembro ng pamilya.
->Petsa at Oras: Ika-7 ng Hulyo, Linggo, mula 9:30 AM hanggang 11:45 AM (kanselado kapag umulan)
->Lugar: Akashi Fire Department (Akashi-shi, Fujie 924-8)
>Paalala: Mangyaring magparehistro bago ang ika-3 ng Hulyo gamit ang QR code sa kanan.
Ang unang magparehistro ay ang unang makakasali. Magsasara ang pagtanggap ng rehistro kapag naabot na nito ang 20 katao.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa 「Fire Department Prevention Section」Ang numero para sa telepono ay 「078-918-5948」 at「078-918-5983」 naman para sa fax.
Paalala patungkol sa pansamantalang pagsasara ng silid-aklatan
Pansamantalang magsasara ang mga silid-aklatan sa lungsod ng Akashi ngayong buwan upang suriin ang kalagayan ng mga aklat. Dahil dito, magkakaroon ng panandaliang pagbabago sa mga kundisyon sa pagpapahiram ng libro. Ang 「Mga Kundisyon ng Paghiram」 ay tumutukoy sa bilang ng mga aklat na maaaring hiramin at ang petsa ng pagbalik ng mga ito.
Mangyaring tignan ang sumusunod na talaan:
Para sa mga katanungan patungkol dito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Akashi City Library” o “Seibu Library. Ang numero ng telepono ay 「078-918-5800」 (Akashi City Library) at 「078-918-5675」 (Seibu Library)