Paunawa para sa ika-15 ng Mayo 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa mula sa isyu ng ika-15 ng Mayo

 Mangyaring pag-usapan kasama ang buong pamilya kung ano ang maaaring gawin kung sakaling magkaroon ng sakuna katulad ng malakas na hangin at hangin.

Ang pinsalang dulot ng malakas na ulan o malakas na hangin ay tinatawag na natural na kalamidad.

Narito ang ilang mga bagay na dapat paghandaan bago ang sakuna at mga bagay na dapat malaman kapag may nangyaring sakuna.  

* Pakitingnan ang “Mga pag-iingat na dapat gawin sa kaganapan ng isang sakuna” sa buong website ng Manmaru Akashi.

Ang mga nakakulay pula sa ibaba ay ipinaliliwanag sa madaling paraan upang lubos na maunawaan.

* Pakibasa ito kasama ang “Akashi City Hazard Map” na ipinamahagi ng Akashi City sa inyong mga tahanan.

Makikita dito kung may mga lugar malapit sa iyong tahanan na kinakailangan ng dobleng pag-iingat.

Maaari ring makita ang lokasyon ng mga evacuation shelter sa pahina ng “Listahan ng lugar na maaaring mapuntahan sa oras ng sakuna”.

■ Mga bagay na dapat gawin bago dumating ang sakuna

・Ang mga sakuna na may kinalaman sa tubig ay mga baha, storm surge, at tsunami. 

・Ang mga tinatawag na silungan ay isang lugar na maaaring mapuntahan sa tuwing may sakuna. Ang mga silungan na ito ay pinagpasyahan ng Akashi city at magagamit ito ng sinuman nang walang bayad.

Maghanda ng mga importanteng bagay na kakailanganin sa oras ng paglikas.

・Pakipanatiling malinis at maayos ang paligid ng bahay.

・Mangyaring maghanda at mag-iwan ng mga bagay na kailangan para sa pamumuhay nang humigit-kumulang 3 araw sa bahay.

・Maaaring magparehistro ksa “Disaster Prevention Net Akashi” gamit ang QR code, upang magkaroon ng mga impormasyon patungkol sa mga kalamidad.

■ Sa oras ng sakuna, mangyaring isipin muna ang kaligtasan

・Kapag umaagos na ang tubig sa kalsada, mangyaring makinig sa mga tamang impormasyon at kumilos nang mahinahon.

・Mangyaring makinig nang mabuti sa mga babala at at mga paunawa mula sa “Disaster Prevention Net ng Akashi”, pati na rin sa mga TV at radyo.

・Kapag naabot na ang “Alert Level 4”, siguraduhing lumikas sa isang ligtas na lugar.

Mag-ingat sa pagtakas.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa General Safety Office.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5069. Ang facsimile number ay 078-918-5140.

Mangyaring mag-ingat sa heat stroke

Tuwing tag-init o sa tuwing tumataas ang temperatura, maraming tao ang nakararanas ng heatstroke.

Ang heat stroke ay sa tuwing sumasama ang pakiramdam ng katawan dahil sa init. Ilan sa mga halimbawa ay kapag naranasan ang mga sumusunod na sintomas.

〇 Banayad na lebel ng heatstroke: Pamamanhid sa mga kamay at paa, nahihilo sa tuwing tatayo, at mga cramp <biglang napakasakit sa isang bahagi ng binti>.

〇Katamtamang lebel ng heatstroke: Nakakaramdam ng pagod, masama ang pakiramdam at nakakaramdam ng pananakit ng ulo.

〇 Matinding lebel ng heat stroke: Nawawalan ng malay <Hindi maintindihan o hindi kayang sagutin kapag tinawag ng ibang tao ang pangalan>, mga kombulsyon <marahas na paggalaw ng mga kamay o paa>.

May mga taong nakararanas ng heat stroke mula buwan ng Mayo dahil hindi pa sanay ang katawan sa init ng temperatura.

● Kung iyong tingin na ikaw ay nakararanas ng heat stroke, mangyaring gawin mga sumusunod:

・Pumunta sa isang malamig na lugar at magpalamig.

・Maglagay ng asin sa tubig at inumin ito. O kaya, uminom ng sports drink <isang inuming maiinom pagkatapos mag-ehersisyo>.

・Kung sa tingin mo na ang iyong kasama ay nakararanas ng heatstroke, tawagin ito sa kanyang pangalan. Mangyaring tumawag ng ambulansya kung hindi ito sumasagot sa tuwing tinatawag.

● Narito ang ilang bagay na dapat gawin ngayong season upang makaiwas sa heatstroke.

・Mag-ehersisyo upang madagdagan ang mass ng kalamnan at pag-uunat unat ng katawan ay makakatulong upang lumabas ang iyong pawis.

・Maligo, magpainit ng iyong katawan at magpapawis.

・Uminom ng maraming tubig.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Sangay ng Pag-promote ng Kalusugan”.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5657. Ang facsimile number ay 078-918-5440.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる