Anunsyo ng Hunyo 15, 2024 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo para sa Hunyo 15

Tayo’y pumunta at lumangoy sa”Akashi Seaside Pool”

Ang “Akashi Seaside Pool” ay isang malaking pool sa Akashi Seaside Park. Maaaring pumunta sa pamamagitan ng Sanyo Bus mula sa JR Tsuchiyama Station o Sanyo Electric Railway Nishi-Futami Station.

Bukas ang pool mula Hulyo 1 (Lunes) hanggang Agosto 31 (Sabado). Pero sarado ito sa Hulyo 13 (Sabado).

Ang oras ng bukas ay mula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, maari lang makapasok bago mag 4:00 ng hapon.

Ang bayad ay 500 yen para sa mga estudyanteng nasa high school o mas mataas na antas, at 250 yen para sa mga nasa elementarya. Ngunit, libre ito sa mga bata at para sa mga batang nakatira sa Akashi City o nag-aaral sa elementarya sa Akashi City.

Paalala para sa mga taong nais pumunta, maaring hindi makapsok sa pool kapag masyadong madaming tao. Maaring maghintay na kumonti ang mga tao bago pumasok.

Kung may mga tanong tungkol sa artikulo na ito, maaring kontakin ang “Akashi Seaside Park Indoor Sports Stadium Office”

Telepono:  078-943-0873(Para sa mga nais tumawag mula Hulyo 1 hanggang Agosto 31, tawagan ang numero na ito: 078-943-0877).Fax number: 078-942-8650.

Maghanda para sa panahon ng tag-ulan at bagyo

Sa darating na panahon, maaring tumaas ang bilang ng “mga kalamidad tulad ng bagyo at baha”. Halimbawa, kapag bumuhos ng malakas ang ulan sa
maikling oras,
maaaring umapaw ang tubig sa ilog papunta sa kalsada at bahay. Kung sa tingin niyo ay hindi ligtas ang inyong bahay, pumunta agad sa ligtas na lugar o sa pinakamalapit na evacuation center.


Para hindi magkaproblema sa panahon ng tag-ulan at bagyo, tignan ang hazard map.

Nakasulat rito ang mga sumusunod:Mga ligtas na lugar at mga lugar na dapat pag-ingatan.  Ang daan mula sa bahay papunta sa ligtas na lugar.Ang hazard map ay ipinamahagi ng Akashi City sa lahat ng bahay noong 2022.

Lumikas bago umangat ang tubig.

Lumikas agad kapag ang tubig mula sa ilog o dagat ay umangat at umabot na sa


kalsada o loob ng bahay. Mahigpit na ipinaalala ito upang hindi mahirapan lumikas kung sakaling lumakas ang buhos ng ulan at umangat ang tubig. Pinaalala rin na delikado ang maglakad sa dumadaloy na tubig.

Maaring malagay sa peligro ang buhay ng mga bata kapag ang lalim ng tubig ay umabot sa 20cm. Para naman sa matatanda ay 50cm lalim ng tubig.Lumikas ng sama-sama.Mahigpit na pinaaalalahanan ang lahat na magtulungan at lumikas nang sama- sama. Tulungan din natin ang mga kapitbahay na may kapansanan o matatanda.Lumikas ng naka-komportableng damit.Magsuot ng kumportableng sapatos na hindi madaling matanggal at Ilagay sa backpack ang mga
kailangang dalhin. Tandaan: Sa paglikas, siguraduhing walang
hawak na gamit sa kamay upang maging ligtas.Lumikas bago dumilim.Delikado maglakad sa labas kapag madilim. Lumikas habang maliwanag pa upang maiwasan ang panganib.Kung may mga tanong tungkol sa artikulo na ito, maaring kontakin ang “General Safety Measures Office” Telepono: 078-918-5069. Fax number: 078-918-5140.



よかったらシェアしてね!
目次
閉じる