Anunsyo ika-15 ng Nobyembre 2022 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo mula sa isyu ng ika-15 ng Nobyembre

Mangyaring sundin ang mga tuntunin sa pagtatapon ng basura

Sundin ang mga nakatakdang araw kung kailan maaaring magtapon ng basura.

Mangyaring itapon ang mga ito sa itinalagang lugar bago mag alas otso ng umaga (8am) sa araw ng koleksyon.

Sa tuwing magtatapon ng microbeads (mga maliliit na piraso ng plastik na makikita sa mga unan at cushion), mangyaring sundin ang sumusunod: (Ang mga plastik ng basura ay maaaring mapunit at kumalat sa daan.)

① Mangyaring ilagay ang dalawang supot ng basura sa ibabaw ng bawat isa.

② Pakialis ang hangin sa bag ng basura.

③ Pakidikit ang isang pirasong papel na may nakasulat na “Beware of Beads” kung saan ito makikita.

*Hindi na kinakailangang sundin ang mga nakasaad sa bilang ①②③ kung ang mga itatapon ay kabilang sa malalaking basura

   

Malaking Basura: Ang mga malaking basura na hindi kasya sa 45 litro na garbage bag o kung ang itatapong basura ay mas mabigat sa 5 kilo, mangyaring tumawag sa Oversized Garbage Reception Center.

Ang numero ng telepono ay 078-937-0937.

Bukas ang reception mula Lunes hanggang Biyernes (kabilang ang mga holiday) mula 9:00 am hanggang 7:00 pm.

Ang mga cassette cylinder at spray can <mga produktong naglalaman ng gas> ay dapat itapon kabilang ang mga hindi nasusunog na basura.

①Tiyaking alisan ng laman nito. (Hindi mo kailangang gumawa ng mga butas.)

 ②Mangyaring paghiwalayin ang bag sa iba pang mga bagay. Pakisulat ang “Bombekiken” sa bag.

*Pakilagay sa isang transparent o translucent na bag. Ang plastic bag na mas maliit sa 45 litro ay maaari ring gamitin.

Maaaring magkaroon ng pagsabog kung may matirang laman kung kaya’t huwag agad itapon sa basura at mangyaring tumawag sa collection business section.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Collection Division. Ang numero ng telepono ay 078-918-5780. Ang fax number naman ay 078-918-5781.

 Paano maiwasan ang bagong corona at influenza

Ang bagong coronavirus at trangkaso ay parehong nakababahalang sakit na nagdudulot ng mataas na lagnat. Kumakalat ito mula sa tao patungo sa tao sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo.

May tatlong bagay na dapat malaman upang maiwasan ang bagong coronavirus at influenza.

(1) Maghugas ng kamay (2) Magsuot ng facemask (3) Pamamahala ng pisikal na kondisyon

Ang pangangasiwa sa pisikal na kondisyon ay ang mamuhay sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa pisikal na kondisyon.

Ang mga sumusunod ay ang detalyadong paliwanag ng mga paraan upang maiwasan ang mga nasabing sakit:

① Paraaan ng paghuhugas ng kamay:

・Mangyaring hugasan nang maigi gamit ang sabon.

・Hugasan nang maigi ang iyong mga hinlalaki, daliri, at pulso.

② Paraan ng tamang pagsusuot ng facemask

・Kapag nagsusuot ng maskara, siguruhing natatakpan ang iyong ilong at bibig.

・Tiyaking walang puwang sa pagitan ng ibabaw ng mukha at ng maskara.

・Maaaring may virus sa ibabaw ng maskara na iyong suot.

Sa tuwing tatanggalin ang facemask, hawakan ang bahagi ng string at saka ito alisin.

③ Paraan ng tamang pangangasiwa ng pisikal na kondisyon

・Mangyaring suriin ang pisikal na kondisyon sa pamamagitan ng pagkuha ng temperatura araw-araw.

・Kumain ng balanseng pagkain.

・Ugaliing mag-ehersisyo nang katamtaman.

・Kumuha ng sapat na tulog.

Bilang karagdagan, maaari rin itong maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakauna <injection>.

Kung magpapabakuna, kahit na pumasok ang virus sa iyong katawan, hindi lalala ang mga mararamdamang sintomas. Kung kayaa’t mangyaring magpabakuna hangga’t maaari.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Sangay ng Pag-promote ng Kalusugan”. Ang numero ng telepono ay 078-918-5657. Ang fax number ay 078-918-5440. 

Paunawa patungkol sa bakuna sa Corona

Maaari pang tumanggap ng bakuna para sa corona hanggang Marso 31, 2023.

1. Ang bakuna para sa Omicron

(1) Mga taong maaaring tumanggap ng mga bakuna

・Mga taong lagpas sa edad na 12 na nakatanggap ng una at pangalawang bakuna, at mahigit 3 buwan na ang nakalipas mula nang matanggap ang huling bakuna.

*Isang beses lang matatanggap ang bakuna ng Omicron.

*Ang mga may edad na 12 hanggang 15 ay nangangailangan ng pahintulot mula sa magulang o kahalili ng magulang. Gayundin, sila ay dapat na kasama sa oras ng pagpapabakuna.

(2) Voucher para sa bakuna

・Kung mayroon nang voucher para sa ika-3 o ika-4 na bakuna, mangyaring gamitin na ito.

・Ang Lungsod ng Akashi ay magpapadala ng voucher sa mga nakatanggap na ng ika-2, ika-3, at ika-4 na pagbabakuna at wala pang voucher na natatanggap sa kasalukuyan. Maaaring medydo magiging matagal bago dumating ang voucher kung kaya’t mangyaring hintayin ito hanggang sa dumating.

・Kung nawala ang iyong voucher o bagong lipat sa Lungsod ng Akashi, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 upang mag-aplay muli para sa isang voucher.

2. Mga taong hindi pa nakakatanggap ng una at pangalawang bakuna

・Kung nais magpabakuna ng bakuna para sa omicron, mangyaring magpaturok muna ng una at ikalawang bakuna.

・Maaaring magpabakuna sa Akashi Public Health Center sa Linggo, ika-27 ng Nobyembre at Sabado, ika-3 ng Disyembre.

・Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 para sa mga nais magpareserba.

3. Tungkol sa mga bakuna sa sanggol

・ Ang mga sanggol na higit sa 6 na buwang gulang at wala pang 4 na taong gulang ay maaaring tumanggap ng bakuna.

・Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 para mag-aplay ng voucher upang makapagpaturok ng bakuna.

・Para sa mga reserbasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa ospital o klinika kung saan maaari magpaturok ng bakuna.

Ang numero ng telepono ng Akashi City para sa mga pagpapareserba ng bakuna laban sa coronavirus ay 0120-227-710.

Ang numero ng telepono para sa pag-aplay sa isang voucher para sa bakuna ay 0120-712-160.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる