Anunsyo ng Hulyo 1, 2024 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Impormasyon Mula sa ika-1 ng Hulyo na Isyu

Halina’t maglaro sa dagat ng Akashi!

Mayroong apat na beach sa Akashi. Narito ang mga panahon kung kailan maaaring lumangoy at iba pang impormasyon patungkol sa mga pasilidad

◎Maaaring matuto ang mga bata patungkol sa mga nilalang ng dagat sa “Nature Observation Center”

Maaaring hiramin nang libre ang mga kagamitan para sa pag oobserba ng mga nilalang sa dagat at mga jacket pang kaligtasan.

・Mga araw na maaaring gamitin: Tuwing Sarado, Linggo at Holiday hanggang ika-1 ng Setyembre

・Oras ng paggamit: Mula 10:00 ng umaga Hhanggang 4:00 ng hapon

Hindi ito maaaring gamitin kung sakaling masama ang o mataas ang lebel ng tubig sa dagat. Para sa karagdagang impormasyon, Mangyaring makipag-ugnayan sa “Okura Coast Park Management Office.”

Anunsyo mula sa Planetarium patungkol sa “Paggawa ng Teleskopyo” na magsisimula ngayong summer vacation

Magkakaroon ng pag sasagawa ng teleskopyo na may lens na 4 sentimetro at kayang mag-zoom hanggang 35 beses.

Maaaring sumali ang mga mag-aaral sa elementarya at high school. Ngunit kinakailangang may kasamang magulang ang mga mag-aaral mula grade 1 hanggang grade 3.

Petsa:

① Para sa mga mag-aaral mula grade 4 hanggang junior high school:

1st session: Hulyo 23 (Martes) – Hanggang 40 na tao lamang – Deadline ng aplikasyon: Hulyo 10 (Miyerkules) 2nd session: Agosto 2 (Biyernes) – Hanggang 40 na tao lamang – Deadline ng aplikasyon: Hulyo 19 (Biyernes)

② Para sa mga mag-aaral mula grade 1 hanggang grade 3:

1st session: Hulyo 31 (Miyerkules) – Hanggang 20 na pares lamang– Deadline ng aplikasyon: Hulyo 17 (Miyerkules) 2nd session: Agosto 7 (Miyerkules) – Hanggang 20 na pares lamang – Deadline ng aplikasyon: Hulyo 24 (Miyerkules)

Ang paggawa ng teleskopyo ay mula 2:00 ng hapon hanggang 4:30 ng hapon.

Lugar: Cultural Museum

Bayad: 3,100 yen

Para sa mga nais sumali, magparehistro sa website ng Planetarium bago mag-5:00 ng hapon sa mga nabanggit na deadline. Kung hindi makapagrehistro sa website, maaari ring tumawag sa Planetarium.

Kung sakaling maraming nagparehistro, magkakaroon ng lottery upang mapili ang maga maaaring sumali.

Para sa iba pang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Akashi City Planetarium.”

Telepono: 078-919-5000    Fax: 078-919-6000

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる