Paunawa para sa ika-1 ng Marso 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa mula sa isyu ng ika-1 ng Pebrero

“Mga Kayamanan ng Akashi” na pinili ng mga mamamayan ng Akashi (mga bagay na maipagmamalaki)

Noong Enero ng taong ito, hiningi ng lungsod ng Akashi ang opinyon ng mga mamamayan nito kung ano ang tingin nila sa Akashi. Nagbigay ng tatlong halimbawa ng pagkain, lugar, at larawan ng lungsod, at hiniling na pumili ng isa sa bawat isa. Ang napili sa lahat ng Akashiyaki ang pinaka napili.

Ang mga resulta para sa 1st hanggang 3rd place ay ang mga sumusunod:

1st place: Akashiyaki

2nd Place: Lungsod kung saan madali magpalaki ng bata o anak

3rd Place: Akashi Castle

Nagsasagawa ng mga survey sa mga mamamayan sa loob ng 10 taon.

Ito ang ika-4 na survey, at ang Akashiyaki ay muling na-rank sa ika-1 sa tatlong magkakasunod na pagkakataon.

Dahil maliit ang pagkakaiba ng bilang ng boto sa pagitan ng una at ikalawa, maaaring makunsidera na ang imahe ng Akashi ay Akashiyaki at isang lungsod kung saan Madali magpalaki ng bata o anak. 

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi City Hall Public Relations Division. Ang numero ng telepono ay 078-918-5001 at ang facsimile number ay 078-918-5101.

Maaari nang subukan ang mga sinaunang damit ng Hapon

Maaari nang masubukan ang “junihitoe” at “armor” sa Museo ng Kultura.

Ang “Junihitoe” ay isang magandang kimono na isinusuot ng mga kababaihan sa Japan ilang libong taon na ang nakalilipas. Ang “Armor” naman ay isinusuot ng samurai noong panahon ng digmaan. Ito ay gawa sa bakal kung kaya’t ito ay mabigat. Mangyaring tingnan ang larawan.

Maaaring magpa-register para sa “twelve-layered ceremonial kimono” ang mga taong nasa junior high school o mas matanda pa. Kahit sino naman ang maaaring magpa-register para sa “armor”.

Maaari itong masuot sa ikalawang Huwebes at ikaapat na Linggo ng Abril, Mayo, Hunyo at Hulyo.

Ang oras ay mula 1:00 pm o mula 1:40 pm.

Dalawang tao lamang ang maaaring magsuot ng bawat isa.

Kung maraming aplikante, maaaring isang lottery ang gaganapin.

Mangyaring magpa-register hanggang ika-20 ng Marso.

Mangyaring magpa-register sa pamamagitan ng QR code, facsimile o postcard.

Mangyaring ipadala ang postcard agad upang makarating ito sa Museo ng Kultura bago sumapit ang ika-20 ng Marso.

Pakisulat rin ang sumusunod.

・Alin ang nais isuot, “junihitoe” o “armor”?

・Anong araw ito nais isuot?

・Pangalan, edad, tirahan, numero ng telepono

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Cultural Museum”. Ang numero ng telepono ay 078-918-5400 at ang facsimile number ay 078-918-5409.

Ang address ay 2-13-1 Uenomaru, Akashi City, 673-0846.

Paunawa tungkol sa bakuna para sa corona

1.   Bakuna para sa Omicron

(1)   Mga taong maaaring magpabakuna

-Ang mga taong lampas sa edad na 12 na nakatanggap ng una at pangalawang bakuna

(2)  Mga lugar kung saan maaaring magpabakuna

-Maaaring magpabakuna sa alinmang 110 na ospital at klinika sa lungsod ng Akashi, Akashi Civic Plaza, o Akashi Public Health Center.

(3) Paraan ng pagpapareserba

Mangyaring tumawag sa 0120-227-710 para magpareserba. Maaari ring magpareserba sa reservation site.

2. Mga taong lagpas sa edad na 12 na hindi pa nakakapagpabakuna ng una o ikalawang dosis ng bakuna

-Sa ika-19 ng Marso (araw ng linggo) ay maaaring magpabakuna ng una at ikalawang dosis sa Akashi Public Health Center.

-Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at magpa-reserba upang makakuha ng bakuna.

3. Bakuna para sa mga sanggol at bata

-Para naman sa mga reserbasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa ospital o klinika kung saan maaaring magpaturok ng bakuna.

-Kinakailangan ang pahintulot mula sa magulang o kahalili ng magulang upang makapagpabakuna. Kailangan ding sila ay kasama sa pagpapaturok ng bakuna.

4. Voucher para sa pagtanggap ng bakuna

・Mangyaring pakigamit na ang voucher na mayroon ngayon.

・Kung wala pang voucher, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at mag-apply para sa isang voucher.

5. Numero ng telepono para sa bakuna ng corona sa lungsod ng Akashi

-Ang numero ng telepono ng lungsod ng Akashi para sa mga pagpapareserba ng bakuna laban sa coronavirus ay 0120-227-710.

Ang numero ng telepeono upang makapag-apply ng voucher para sa bakuna ay 0120-712-160.

Maaari ring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる