Anunsyo ika-1 ng Disyembre 2022 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo mula sa isyu ng ika-1 ng Disyembre

Mangyaring mag-ingat sa mga aksidente sa trapiko

Taon-taon tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre, tumataas ang mga kaso ng mg aksidente sa trapiko.

Mangyaring mag-ingat sa mga sumusunod upang maiwasan ang mga aksidente sa trapiko.

Mula gabi hanggang hating gabi, mahirap makita ang mga tao at sasakyang dumadaan.

・Kapag naglalakad sa labas, mangyaring magsuot ng matitingkad na kulay (tulad ng puti, dilaw, atbp.) na damit.

・Kapag nagbibisikleta, mangyaring magsuot ng matitingkad na kulay ng damit at buksan ang ilaw ng bisikleta.

・Kapag nagmamaneho naman ng kotse, buksan ang mga ilaw ng sasakyan bago dumilim ang daan.

Tuwing Disyembre, mas maraming pagkakataon na uminom ng alak.

・ Huwag uminom ng alak kapag nagmamaneho ng kotse o nagbibisikleta.

・ Mangyaring bigyan ng babala na huwag uminom ng alak ang mga nagmamaneho ng kotse o nagbibisikleta.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Sangay ng Kaligtasan ng Trapiko”. Ang numero ng telepono ay 078-918-5036. Ang numero naman ng fax ay 078-918-5110.

 Mangyaring gamitin ang natanggap na voucher para sa suporta bago ang ika-31 ng Disyembre

Ang voucher para sa pagtanggap suporta ay isang voucher na matatanggap ng lahat ng nakatira sa Lungsod ng Akashi.

Nagpadala ang Akashi City ng voucher na nagkakahalaga ng 3,000 yen kada isang tao at mayroon ding anim na voucher na nagkakahalaga ng 500 yen.

Maaaring magamit ang voucher na ito hanggang ika-31 ng Disyembre ng taong ito at hindi na ito magagamit sa susunod na taon.

Maaaring magsara ang mga tindahan sa katapusan ng taon kung kaya’t gamitin ito sa lalong madaling panahon.

Kung hindi pa nakakatanggap ng voucher, mangyaring pumunta sa support ticket office sa ika-5 palapag ng Akashi City Hall Branch Office.

Mangyaring magpunta ng 5:30 ng hapon sa ika-28 ng Disyembre at sarado naman ito tuwing araw ng Sabado at Linggo.

Ang numero ng telepono para sa support voucher ay 079-918-5066.

Ang fax number ay 079-918-5136.

Kung ang tatanggap ng voucher ay kahalili lamang, kinakailangang magpakita ng mga dokumentong magpapatunay sa taong humalili (residence card, driver’s license, atbp.) at ang dokumentong magpapatunay sa taong aktwal na tumatanggap ng item.

Paunawa mula sa Astronomical Science Museum

► Planetarium “Oras ng Pasko” para sa mga bata

Anong uri ng mga bituin ang makikita mo tuwing Pasko? Maaari ring makausap si Santa Claus.

Ang planetarium ay isang lugar kung saan nagpapalabas ng paggalaw ng buwan at mga bituin sa pamamagitan ng isang bilog na kisame.

Si Santa Claus ay isang matandang lalaki na may puting balbas na nagbibigay ng mga regalo sa mga bata sa gabi bago ang Pasko.

Petsa: Sabado, Linggo, at mga holiday hanggang ika-25 ng Disyembre.

Mula 11:10am at 2:30pm. (Ito ay ginaganap nang dalawang beses sa isang araw.)

►Planetarium “Espesyal na Programa para sa Pasko”

Magkakaroon ng napakagandang espesyal na programa na may pamaskong musika.

Petsa: Disyembre 20 hanggang 25 at gaganapin mula 3:50 pm.

►Ang Astronomical Science Museum ay magbubukas simula sa Bagong Taon!

Magbebenta rin ng mga bag na pampaswerte (iba’t ibang bagay ang nilalaman ng mga bag at ibebenta sa mababang presyo) at mga pagkain para sa space (pagkain na kinakain ng mga astronaut sa mga sasakyang pangkalawakan).

Petsa: Enero 1 hanggang Enero 3.

Mula 11:00 am hanggang 3:00 pm. (Mangyaring pumasok bago mag 2:30 pm)

Bayad: 500 yen ang isa para sa mga matatanda at libre naman ang mga bata hanggang high school.

Sarado naman ito mula ika-26 ng Disyembre hanggang ika-31 ng Disyembre.

Hindi rin maaaring magamit ang paradahan ng sasakyan mula ika-1 ng Enero hanggang ika-3 ng Enero.

Ito ay sarado sa ika-4 ng Enero at magbubukas muli mula ika-5 ng Enero.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Astronomical Science Museum”.

Ang numero ng telepono ay 078-919-5000. Ang fax number ay 078-919-6000.

Paunawa patungkol sa bakuna para sa corona

Maaaring magpaturok ng bakuna para sa corona hanggang Marso 31, 2023.

1. Bakuna para sa omicron

(1) Mga taong maaaring tumanggap ng bakuna

・Ang mga taong lagpas sa edad na 12 na nakatanggap ng una at pangalawang bakuna, at na hindi bababa sa 3 buwan mula noong huling bakuna, ay maaari nang tumanggap ng bakunang para sa omicron.

*Isang beses lang makakatanggap ng bakuna para sa omicron.

(2) Mga lugar kung saan maaaring magpabakuna

・Maaari magpabakuna sa alinman sa 120 ospital at klinika sa lungsod ng akashi, Akashi Civic Plaza, o Akashi Public Health Center.

(3) Voucher para sa bakuna

・Kung mayroon nang voucher para magpabakuna ng ika-3, ika-4, o ika-5, mangyaring gamitin na ito.

・Ang Lungsod ng Akashi ay magpapadala ng voucher sa mga nakatanggap ng ika-2, ika-3, at ika-4 na pagbabakuna at para sa mga wala pang natatanggap. Ngunit maaaring maging matagal ang pagdating ng voucher kung kaya’t mangyaring pakihintay ito hanggang sa dumating.

2. Bakuna para sa mga sanggol at bata

・ Ang mga sanggol at bata na higit sa 6 na buwang gulang at hanggang 11 taong gulang ay maaari nang magpabakuna.

・Mangyaring tumawag sa 0120-712-160 upang magkapag-apply ng tiket para sa bakuna.

・Para sa mga nais naman magpareserba, mangyaring makipag-ugnayan sa ospital o klinika kung saan maaaring magpabakuna.

Makakahanap ng mga ospital at klinika kung saan maaaring magpabakuna gamit ang QR code na ito

・Upang makapagpabakuna, kinakailangan ng pahintulot mula sa magulang o tao na maaaring humalili sa magulang. Kailangang kasama rin sila sa oras ng pagpapabakuna.

3. Mga taong lumipat sa lungsod ng Akashi

Kung nais magpabakuna para sa Omicron, mangyaring tumawag sa 0120-712-160 at mag-apply para sa voucher.

Ang numero ng telepono para sa mga pagpapareserba ng bakuna laban sa coronavirus ay 0120-227-710.

Ang numero ng telepono para mag-aplay para voucher ng bakuna ay 0120-712-160.

Kung hindi naman makatawag, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる