Paunawa sa Oktubre 15 2023 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo para sa Oktubre 15

Pagpapadala ng “Support Voucher” para sa lahat ng nakatira sa lungsod ng Akashi

Darating ang mga support voucher sa pamamagitan ng Yu-Pack hanggang ika-31 ng Oktubre.

Ang “Yu-Pack” ay isang maliit na pakete na inihahatid ng post office.

May sapat na bilang para sa lahat ng pamilya. Hindi na kinakailangan ng iba pang proseso upang makatanggap nito kung kaya’t maghintay lamang hanggang sa dumating ito sa inyong tahanan. Sa oras na dumating ito, kinakailangan ang selyo o pirma.

Kung mangyaring wala sa tahanan sa oras na dumating ito, isang “Form ng Notification ng Absence” ang ilalagay sa inyong mailbox.

Ang isang “Form ng Notification ng Absence” ay naglalaman ng mga detalyadong tagubilin kung paano maihatid muli ang package.

Mangyaring makipag-ugnayan sa post office sa pamamagitan ng telepono o online upang malaman ang petsa at oras na maaari itong kunin.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa tagapamahala ng support voucher.

Ang numero ng telepono ay 078-918-5066 at ang numero naman ng fax ay 078-918-5334.

Anunsyo mula sa Cultural Museum tungkol sa “Bunpaku Exploration Tour”

Ang museo ay isang lugar kung saan maaaring makakita ng mga larawan at mga makasaysayang materyales. Sa Nobyembre, magkakaroon ng event na tinatawag na “Bunpaku Exploration Tour” sa Akashi City Museum of Culture kung saan maaaring makakita ng mga lugar na hindi karaniwang nakikita.

Petsa at oras: ika-5 ng Nobyembre. Ito ay magaganap dalawang beses sa isang araw

Ang unang session ay mula 10am hanggang 10:40am.

Ang ikalawang sesyon ay mula 2:00 pm hanggang 2:40 pm.

Kapasidad: Ang bilang ng mga kalahok para sa bawat sesyon ay 20 tao.

Bayad: Libre

・Kung nais na lumahok, mangyaring mag-apply gamit ang QR code.

Magkakaroon ng isang lottery kung sakaling may madami ang interesado at nais lumahok.

・Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang homepage ng aming tanggapan.

・Kinakailangang kasama ang magulang ng mga batang wala pang elementarya na nais lumahok sa nasabing ibento.

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi Cultural Museum. Ang numero ng telepono ay 078-918-5400. Ang numero ng fax ay 078-918-5409.

Magkakaroon ng “Marathon para sa Kalusugan ng mga magulang at bata”

Ang “Parent-Child Health Marathon” ay isang marathon event kung saan ang mga magulang at bata ay maaaring magsaya sa pagtakbo nang magkasama.

Ang petsa at oras ay ika-3 ng Nobyembre mula 8:00 a.m. hanggang 12:30 p.m. Ang lokasyon ay sa loob ng Akashi Seaside Park. May mga kursong 2,000 metro, 3,000 metro, at 6,000 metro. Ang nasabing marathon ay itutuloy pa rin kahit na medyo umulan sa araw na iyon.

Ito ay isang kompetisyon kung saan hindi nakabase sa bilis ng pagtakbo. Mangyaring gawin ang lahat ng makakaya upang tapusin ang kursong pinili hanggang sa dulo. Ang mga tatakbo hanggang dulo ay maaaring sumali sa “lottery”. Ang “lottery” ay isang kaganapan kung saan maaaring manalo ng mga premyo.

Parehong maaaring lumahok ang mga bata at matatanda. Gayunpaman, ang mga bata sa ikatlong baitang ng elementarya o mas bata ay kinakailangang lumahok kasama ang kanilang mga magulang o isang nasa hustong gulang sa kanilang lugar.

Ang lokasyon ng pagtanggap para sa pakikilahok ay nasa harap ng pool sa Akashi Seaside Park. Ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa pakikilahok ay mula 8:00 a.m. hanggang 8:50 a.m. sa mismong araw ng kaganapan.

  

Kung mayroong anumang mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Akashi Seaside Park Indoor Competition Office. Ang numero ng telepono ay 078-943-0873 at ang numero ng fax ay 078-942-8650.

Maaari nang magpaturok ng bagong bakuna laban sa coronavirus

Maaari nang magpaturok ng bagong bakuna para sa coronavirus mula Setyembre 20, 2023.

Ito ay isang bagong bakuna na nilikha para sa “Omicron XBB.1.5”.

(1) Mga taong maaaring makatanggap ng bagong bakuna laban sa coronavirus

Mga taong akma sa lahat ng sumusunod:

① 12 taong gulang o mas matanda

② Nakatanggap na ng bakuna laban sa coronavirus nang hindi bababa sa dalawang beses.

③ Mahigit 3 buwan na ang nakalipas mula noong huli nagpabakuna laban sa coronavirus.

(2) Voucher para sa pagtanggap ng bakuna sa coronavirus (“voucher sa pagpapabakuna”)

Magpapadala ang lungsod ng Akashi ng mga bagong voucher na ito sa mga nakatanggap ng bakuna sa coronavirus sa pagitan ng ika-8 ng Mayo at ika-19 ng Setyembre ng taong ito. Kulay orange ang nasabing bagong voucher.

Para sa lahat ng iba pang mamamayan, mangyaring gamitin ang lavander na mga voucher sa pagbabakuna na natanggap mula sa lungsod ng Akashi sa pagitan ng Abril at Hulyo ng taong ito.

(3) Paano gumawa ng reserbasyon

Mula ika-11 ng Setyembre, maaaring kumuha ng appointment upang magpaturok ng bagong bakuna sa coronavirus. Maaaring malaman kung paano gumawa ng reserbasyon at mga ospital at klinika kung saan maaaring magpabakuna gamit ang site code sa ibaba.   

Ito ang numero ng telepono para sa bakuna sa coronavirus sa lungsod ng Akashi:

・Ang numero ng telepono para sa mga reserbasyon upang makapagpaturok ng bakuna ay 0120-227-710.

・Ang numero ng telepono para sa konsultasyon tungkol sa bakuna laban sa coronavirus ay 0120-712-160.

・Maaaring tumawag mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. araw-araw.

・Kung wala namang kakayahang makapagsalita sa telepono, mangyaring magpadala ng fax sa 0120-655-695.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる