Paunawa para sa ika-15 ng Pebrero 2026 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

 Mga anunsyo mula sa ika-15 ng Pebrero na isyu

Magbebenta ang Akashi City ng Digital Gift Certificate

Pangalan: Akashi Tako Pay 50

  

Ang Akashi Tako Pay 50 ay isang digital gift certificate na puwedeng gamitin sa PayPay app sa inyong smartphone.

Presyo at Halaga:

  • ₱1,000 yen bawat set, pero ₱1,500 yen ang puwedeng ipambili
  • Hanggang 25 sets ang puwedeng bilhin ng isang tao

Sino ang puwedeng bumili:

  • Mga 16 taong gulang pataas
  • Nakatira sa Akashi City
  • Kailangang 16 taong gulang na sa oras ng aplikasyon

Panahon ng Aplikasyon:

  • Marso 2 (Lunes), 10:00 AM hanggang Marso 31 (Martes)
  • Kapag maraming nag-apply, magiging raffle (lottery) ang pag pili para sa mga taong makakabili nito.

Resulta ng Raffle:

  • Malalaman pagkatapos ng Abril 1 (Miyerkules), 3:00 PM

Paraan ng Pagbabayad:

  • Kailangang isang beses at buo ang bayad sa pagbili

Panahon:

  • Pagbili: Abril 1 (Miyerkules) – Abril 30 (Huwebes)
  • Paggamit: Mula sa araw ng pagbili hanggang Hunyo 30 (Martes)

Para sa listahan ng mga puwedeng gamitan at iba pang detalye, i-scan ang QR code.

Para sa karagdagang tanong tumawag sa Akashi Tako Pay Call Center:

Tungkol sa gift certificate
・TEL: 078-384-0045
・Weekdays, 9:30 AM – 5:30 

Tungkol sa PayPay app
・TEL: 0120-990-634
・Available 24 hours

Puwede ring magpadala ng fax: 078-918-5126

Magsisimula ang “Kodomo Dare Demo Tsūen System”

*Isang serbisyong puwedeng pansamantalang iwan ang iyong anak sa daycare.

  

Sa ilalim ng Kodomo Dare Demo Tsūen System, kahit ang mga batang hindi pa naka-enroll sa daycare, puwede nang iwan sa daycare o katulad na pasilidad sa loob ng itinakdang oras.

  • May limitasyon sa oras na puwedeng iwan ang bata bawat buwan
  • Kailangang mag-apply muna at makipag-usap sa daycare
  • Reservation ng oras ay kailangan bago mag-iwan ng bata

Sino ang puwedeng gumamit ng serbisyo:

  • Mga batang 6 na buwang gulang hanggang 2 taong gulang
  • Nakatira sa Akashi City
  • Hindi pa pumapasok sa daycare, nursery school, o certified child care center

Bayad:

  • 300 yen kada oras
  • May mga pagkakataong may dagdag na bayad

Aplikasyon:

  • Tumatanggap na ng aplikasyon mula Pebrero 15
  • Pagkatapos mag-apply, makikipag-ugnayan sa daycare

Para sa detalye, i-scan ang QR code sa kanan.

Para sa karagdagang tanong:
Kodomo Ikuseishitsu – Childcare Services
TEL: 078-918-5093
FAX: 078-918-5293

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる