Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga anunsyo mula sa ika-15 ng Pebrero na isyu
Bagong Homepage ng Akashi City
Ang homepage ng Akashi City ay mas pinadali at mas madaling intindihin!
- Mas madaling hanapin ang kailangan mong impormasyon dahil mas malinaw na ang menu button.
- Mas madali na rin itong makita gamit ang smartphone at tablet.
- Makikita mo rin ang impormasyon tungkol sa mga ligtas na lugar kung may lindol, tsunami, o baha.
Huwag kalimutang gamitin ang bagong homepage ng Akashi City!

📢 Maaari mo ring makita ang mga impormasyon sa YouTube at Instagram.


🗑️ Makikita mo rin ang tamang paraan ng pagtapon ng basura.

💬 Pwede ring i-add ang opisyal na LINE account ng Akashi City.

Kung may mga katanungan patungkol sa artikulong ito, tumawag lang sa Public Relations Division (広報課).
📞 Telepono: 078-918-5001
📠 Fax: 078-918-5101
Mag-ingat sa Norovirus
Ang Norovirus ay isang uri ng virus na nagdudulot ng sakit kung saan makararanas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, at lagnat.
❗ Paano ito naipapasa?
- Naipapasa ito sa pamamagitan ng kamay o pagkain na may virus, at pumapasok sa bibig.
- Kahit kaunting virus lang, mabilis itong kumalat sa maraming tao.
- Karaniwang dumarami ang kaso ng Norovirus tuwing taglamig.
- Hindi masyadong epektibo ang alcohol disinfectant laban sa Norovirus.
🛑 Paano ito maiiwasan?
✔️ Ugaliing maghugas ng kamay, lalo na pagkatapos lumabas, pagkatapos gumamit ng palikuran, at bago humawak ng pagkain.
✔️ Siguraduhing lutong-luto ang pagkain. Ang hilaw o kulang sa luto, lalo na ang mga shellfish (tulad ng talaba), ay delikado.
✔️ Kung maglilinis ng palikuran o susuka ang isang tao, magsuot ng guwantes at mask. Gumamit ng tamang disinfectant.


Kung may mga katanungan patungkol sa artikulong ito, tumawag lang sa Health Prevention Division (保健予防課).
📞 Telepono: 078-918-5421
📠 Fax: 078-918-5441