Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Anunsyo mula sa ika-15 ng Oktubre na Isyu
Health Check-up para sa mga batang papasok sa elementarya sa susunod na taon
Para sa: mga batang papasok sa elementarya sa Abril 2026
Ang health check-up ay gaganapin sa Nobyembre.
Ang mga pamilya na may batang kabilang sa target ay makakatanggap ng “Notification Letter” (abiso) sa pamamagitan ng koreo bago mag–Oktubre 31.
Dalhin ang abisong iyon at pumunta sa elementary school na nakasulat doon para sa health check-up.
Nakasaad din sa abiso ang petsa, oras, at iba pang detalye ng check-up.
Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang website ng Akashi City Board of Education.
Kung may katanungan tungkol dito, makipag-ugnayan sa School Education Division (学校教育課)
TEL: 078-918-5055
FAX: 078-918-5111
Paalala para sa mga pamilya na may batang papasok sa elementarya o junior high school sa Abril ng susunod na taon
May programang tinatawag na “Shūgaku Enjo (就学援助)” o tulong pinansyal para sa pag-aaral, para sa mga pamilyang nahihirapang magpaaral dahil sa kakulangan sa pera.
Ang mga batang papasok sa mga pampublikong paaralan ng Akashi City ay maaaring makatanggap ng financial support para sa school preparation.
① Para sa mga batang papasok sa elementarya ng Akashi City
• Sakop: mga batang ipinanganak mula Abril 2, 2019 hanggang Abril 1, 2020 (may income check ng pamilya)
• Halaga: tinatayang ¥57,060
• Paano mag-apply:
Kasama sa “Health Check-up Notice” ang mga dokumentong kailangan.
Basahin nang mabuti at mag-apply bago mag–Enero 31, 2026.
Maaari ring mag-apply gamit ang QR code na nasa abiso.

② Para sa mga batang papasok sa junior high school ng Akashi City
• Sakop: mga kasalukuyang Grade 6 students na kasalukuyang tumatanggap na ng Shūgaku Enjo
• Halaga: tinatayang ¥63,000
• Paano mag-apply:
Kung tumatanggap ka na ng tulong sa ngayon, hindi mo kailangang mag-apply ulit.
Basahin ang abiso na ipapamigay ng paaralan para makasiguro.
Kung may tanong tungkol dito, makipag-ugnayan sa Education Planning Office – General Affairs Section (教育企画室 総務担当)
TEL: 078-918-5054
FAX: 078-918-5111








