Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Anunsyo mula sa ika-1 ng Oktubre na Isyu
Pagpasok ng mga Bata sa Daycare at Kindergarten sa Abril 2026
Magkakaroon ng pagtanggap ng mga bata na papasok sa Daycare (Hoikusho) at Kodomoen (pinagsamang kindergarten at daycare).
Para sa Kindergarten Class ng Kodomoen
- Maaaring mag-apply ang mga batang ipinanganak mula Abril 2, 2020 hanggang Abril 1, 2023.
- Ito ay para sa mga batang 3, 4, at 5 taong gulang.
- Kumuha ng application form sa Kodomoen na malapit sa inyong bahay.
- Tatanggapin ang aplikasyon mula Nobyembre 4 (Martes) hanggang Nobyembre 7 (Biyernes), mula 2:00 PM hanggang 4:00 PM lamang.
Para sa Daycare (Hoikusho)
- Simula Abril 2026, tatanggap din ng mga bata sa daycare at daycare class ng Kodomoen.
- Maaaring mag-apply ang mga batang mula 0 taong gulang hanggang bago pumasok sa elementarya.
- Maaari lamang mag-apply kung ang mga magulang ay nagtatrabaho, may sakit, o hindi kayang mag-alaga sa bahay.
Oras ng pagtanggap ng aplikasyon:
- Nobyembre 4 (Martes) hanggang Nobyembre 25 (Martes)
- Mula 9:30 AM hanggang 5:00 PM
- Wala sa Sabado, Linggo, at Nobyembre 24 (Lunes), pero tatanggap ng aplikasyon sa Nobyembre 9 (Linggo).
Kung saan kukuha ng form:
City Hall, Akashi General Office (Papios Akashi 6F), Citizen Center, at Service Corner. Bukod sa application form, may iba pang kailangan na dokumento. Ipasa ang lahat sa “Kodomo Ikusei-shitsu Shisetsu Tantou” sa City Hall o ipadala sa koreo.
Address:
〒673-8686 Akashi City Hall, Gikai Building 1F
Phone: 078-918-5093
Para sa karagdagang detalye, i-scan ang QR code sa kanan.

Para sa mga katanungan, tumawag sa Kodomo Ikusei-shitsu Shisetsu Tantou.
Tel: 078-918-5093
Fax: 078-918-5650
Pagbabago sa Minimum Wage
Sa Japan, may batas na nagtatakda ng pinakamababang sahod para maprotektahan ang mga manggagawa. Ang halaga nito ay nagbabago tuwing Oktubre kada taon, at iba-iba rin depende sa prefecture.
Sa Hyogo Prefecture, simula Oktubre 4, ang minimum wage ay magiging 1,116 yen kada oras.
Ito ay pareho para sa lahat, kahit part-time, arubaito (part-time worker), o maikling oras ng trabaho sa isang araw.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa:
Hyogo Labor Bureau – Wage Division
Tel: 078-367-9154
Fax: 078-367-9165








