Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Anunsyo mula sa ika-15 ng Agosto na Isyu
MagMag-ingat sa Food Poisoning ngayong Agosto
•Ang food poisoning ay sakit na galing sa pagkain.
•Sa tag-init, mabilis dumami ang bacteria na nagdudulot nito.
Para maiwasan:
Huwag hayaang madumihan ang pagkain
• Ugaliing maghugas ng kamay at gamit sa pagluluto.
• Huwag gamitin ang parehong kutsilyo o chopping board para sa hilaw na karne/isda at ibang pagkain.
Itama ang pag-iimbak ng pagkain
• Ilagay agad sa ref o freezer ang binili mong pagkain.
• Ref: 10℃ pababa | Freezer: -15℃ pababa
Lutuin nang mabuti
• Ang bacteria ay namamatay kapag sapat ang init.
• Siguraduhing lutong-luto hanggang loob ang karne at isda.
📞 Para sa karagdagang tanong, tumawag sa Living Hygiene Section (生活衛生課)
Tel: 918-5426 | Fax: 918-5584
Mag-ingat sa mga Kabute na May Lason
Hindi lahat ng kabute ay puwedeng kainin.
• Marami ang magkamukha — kahit parang safe, puwedeng may lason.

Kapag nakakain ng kabuteng may lason:
• sumasakit ang tiyan
• nahihilo o nasusuka
• puwedeng hindi makagalaw ang katawan
• at sa malalang kaso, puwedeng ikamatay
Tandaan:
• Huwag pitasin
• Huwag kainin
• Huwag ibenta
• Huwag ipamigay
📞 Para sa karagdagang tanong, tumawag sa Living Hygiene Section (生活衛生課)
Tel: 078-918-5426 | Fax: 078-918-5584








