Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Mahahalagang Anunsyo Para sa ika-15 ng Marso na Isyu
Magkakaroon ng International Exchange Event: “World Festa Akashi”!
📅 Petsa: March 30, 11:00 AM – 4:00 PM
📍 Lugar: Akashi Civic Square (Papios Akashi, 2nd Floor)
🎶 May mga sayaw at tugtugin mula sa iba’t ibang bansa! Maaari ring bumili ng international goods.
Hindi kinakailangan ng reservation
Bisitahin ang Manmaru Akashi website para sa buong programa. (Piliin ang wikang Japanese.)
Para sa mga katanungan patungkol sa artikulong ito tumawag o mag e-mail sa NPO Multicultural Center Manmaru Akashi. Ang numero ng telepono ay 【078-915-8747】 at ang e-mail address naman ay 【info@manmaru-akashi.com】
Bagong Oras ng Konsultasyon sa Akashi Universal Dental Clinic
Ang Akashi Universal Dental Clinic ay isang ospital kung saan kahit sino ay maaaring magpatingin sa ngipin, kahit sa araw ng Linggo at holidays. Magbabago ang oras ng kanilang konsultasyon sa tuwing Linggo at holidays mula Abril.

🕙 Oras ng Konsultasyon:
📌 Hanggang buwan ng Marso: 10:00 AM – 2:00 PM
📌 Mula buwan ng Abril: 10:00 AM – 1:00 PM
※10:00 AM – 2:00 PM naman sa 【Golden Week】at 【New Year Holidays】
📍 Lugar: 1-33 Takajomachi, Akashi City (kaparehong lugar ng Akashi City Hospital)
I-contact ang Health Administration Division para sa mga katanungan patungkol sa artikulong ito.
📲 Telepono: 078-918-5414 📠 Fax: 078-918-5440
Paalala: Pagbabayad ng Public Fees sa Resona Bank
Simula ika-1 ng Abril, hindi na maaaring magbayad ng public fees (insurance fees, utility bills, atbp.) sa Resona Bank counter gamit ang payment slip. Kung nais magbayad sa counter ng bangko, tingnan ang Akashi City website para sa listahan ng mga bangkong tumatanggap ng ganitong proseso. Maaari ding magbayad sa counter ng bangko kung ang payment slip ay magyroong QR code. Wala namang magiging pagbabago sa mga direktang nagbabayad gamit ang bank account.
I-contact ang mga sumusunod para sa mga katanungan patungkol sa artikulong ito.
【Accounting Office】 078-918-5053 (Fax: 078-918-5123)
【Water Bill Customer Center】 078-915-0270