Paunawa mula sa ika-1 ng Nobyembre 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo mula sa ika-1 ng Nobyembre na Isyu

RECRUITMENT:Para sa mga batang gustong pumasok sa “After School Jidō Club” simula April 2026

Ang “Hōkago Jidō Club (After School Child Club)” ay isang lugar kung saan puwedeng manatili nang safe ang mga bata pagkatapos ng klase sa elementary school. May ganitong club sa lahat ng elementary schools sa Akashi City. Ang bata ay puwedeng gumamit lang ng After School Jidō Club sa school kung saan siya nag-aaral.

  

Ngayon, nagre-recruit sila ng mga batang gustong gumamit ng Hōkago Jidō Club simula April 2026.

  

Target:

・mga elementary school students na ang mga magulang ay wala sa bahay sa daytime dahil sa trabaho, at iba pa.

  
 ➞Duration:

・mula April 1, 2026 hanggang March 31, 2027
  ※Closed tuwing Sundays at public holidays, August 13–15, at December 29–January 3

  

Time:
 ・Kapag may klase: mula pagkatapos ng klase hanggang 5:00 p.m.
 ・Kapag walang klase: mula 8:30 a.m. hanggang 5:00 p.m.
  ※Kung nais, maaaring gamitin mula 8:00 a.m. hanggang 7:00 p.m. (Pero tuwing Saturday hanggang 5:00 p.m. lang.)

Kung nais na mag-apply, siguraduhing magsumite ng application mula November 4 hanggang November 21.
 ※Kailangang punan ang application form at ihanda ang mga kailangang documents.
 ※Dalhin ito sa Hōkago Jidō Club ng school kung saan nag-aaral ang bata.
 ※Maaari rin itong ipadala sa address sa ibaba :

〒673-0883 Akashi-shi, Nakazaki 1-4-1, Nakazaki Shōgakkō-nai, Kodomo Zaidan, Hōkago Jidō Club Tantō

Malalaman ang resulta ng aplikasyon sa pamamagitan ng ipapadalang mail bago mag February 28. Para sa mas detalyadong impormasyon, basahin ang “Boshuyōkō (Application Guidelines)”. Makukuha ito sa daycare, kindergarten, Akashi general office, o community center.
Maaari ring makita ang detalye gamit ang QR code sa kanan.

  

Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa:
 Kodomo Zaidan Hōkago Jidō Club Tantō
 📞 078-915-8170
 📠 078-915-8175

 Mag-ingat sa Influenza at Corona Virus!

Ang influenza at corona virus ay parehong madaling makahawa sa pamamagitan ng ubo at pagbahing. Nakakahawa rin ito kung mahawakan ng kamay na may virus ang mata, ilong, o bibig.

  

Kaya, upang makaiwas, alalahanin ang mga sumusunod:

  

● Palaging mag-ventilate ng kwarto
 ● Maghugas ng kamay
 ● Magsuot ng mask
 ● Magpa-bakuna

  

Mag-ingat palagi at siguraduhing hindi tatamaan ng influenza o corona!

  

Para sa mga katanungan, tumawag lang sa:
 Hoken Yobō-ka (Health Prevention Section)
 📞 078-918-5421
 📠 078-918-5441

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる