Anunsyo ng Setyembre 1, 2024 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Impormasyon Mula sa ika-1 ng Setyembre na Isyu

Mag-ingat sa mga Kalamidad

Paparating na ang panahon kung saan tataas ang bilang ng mga bagyo na pumapasok sa Japan.

Ang paghahanda at pag-iisip ng plano kung ano ang dapat gawin kung sakaling dumating ang mga kalamidad ay tinatawag na “BOUSAI” sa Japanese. Ang ika-1 ng Setyembre ay sinasabing “BOUSAI NO HI” o araw ng pag iwas sa mga kalamidad. Mangyaring maghanda kasama ang buong pamilya para sa mhga posibleng dumating na kalamidad tulad ng lindol, tsunami at baha.

1.Mangyaring tignan ang Hazard Map

Ang hazard map ay isang map ana nagpapakita ng mga mapanganib na lugar sa panahon ng bagyo o lindol.

Nakalista rin dito ang mga evacuation centers o mga lugar kung saan maaaring lumikas. Noong 2022, namahagi ang lungsod ng Akashi ng “Hazard Map ng Lungsod ng Akashi” sa lahat ng mga tahanan. Mangyaring tignan ito kasama ang iyong pamilya.

・Siguraduhing alam ang mga lugar na nangangailangan ng pag-iingat at mga ligtas na lugar.

・Alamin kung saan ka dapat tumakas at kung aling daan ang dapat sundan.

・Kung ang miyembro ng pamilya mo ay nasa iba`t ibang lugar, magtakda ng lugar kung saan kayo magkikita. Maaaring tignan ang mga “Hazard Map ng Lungsod ng Akashi” gamit ang QR code sa kanan.

2.Ihanda ang mga kinakailangang bagay tulad ng tubig at pagkain

Sa panahon ng lindol o bagyo, maaaring mawalan ng kuryente, gas, at tubig. Mahirap bumalik sa pangkaraniwang pamumuhay kung mawala ang mga ito. Ihanda ang mga kinakailangang bagay para sa iyo at sa iyong pamilya. Halimbawa ng mga bagay na kinakailangan ay:

・Tubig: Isipin na kada tao ay gumagamit ng 3 litro ng tubig bawat araw.

・Pagkain: Ipunin ang mga pagkaing naka-pack tulad ng mga de-latang pagkain, instant noodles, retort foods at mga snacks.

・Gas stove at gas canisters

・Flashlight, baterya, at mobile battery

Para sa mga katanungan patungkol sa artikulong ito, makipag-ugnayan sa “Integrated Safety Measures Office”. Ang telepono ay 078-918-5069 at fax ay 078-918-5140

Magkakaroon ng Soccer Event para sa mga bata

Ang Akashi Soccer Association ay magsasagawa ng “Kids Soccer Fest @ Akashi 2024”. Maaaring sumali ang mga bata mula 4 hanggang 6 na taong gulang kasama ang kanilang mga magulang. Magkakaroon ng mga palaro at mga aktibidad na gumagamit ng bola para sa mga magulang at mga bata.

●Petsa at Oras: ika-27 ng Oktubre, Linggo, mula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

※Hindi makakansela ang event kahit pa umulan nang kaunti.

●Lugar: Hyogo Prefecture Football Center, Akashi Ground (2-3 Minami-Futami, Futami-cho, Akashi City)

●Limita ng taong maaaring sumali: 250 tao (First come, first serve)

●Paraan ng pagpaparehistro: Mag rehistro mula ika-16 Setyembre hanggang ika-23 ng Setyembre sa website ng “Akashi Soccer Association”. Tignan ang QR code para sa karagdagang detalye.

Para sa iba pang mga katanungan patungkol sa event na ito, makipag-ugnayan sa “Akashi Soccer Association”. Ang telepono ay 090-8752-5987 (Mr. Mizoguchi). Ang e-mail address ay kjms‐510910@mua.biglobe.ne.jp.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる