Paunawa mula sa ika-1 ng Hulyo 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo mula sa ika-1 ng Hulyo na Isyu

 Magpunta at maglaro sa mga dagat sa Akashi!

Sa Akashi City, may 4 na beach kung saan maaaring lumangoy nang ligtas. Nakalista sa chart sa ibaba ang schedule at facilities na available sa bawat beach.

Kung may mga katanungan patungkol sa Ōkura Coast Beach at Hayashisaki Coast Beach, mangyaring tumawag sa mga contact info na ito:

📍 Ōkura Kaigan Park Management Office
 📞 Telepono: 078-914-7255
 📠 Fax: 078-914-7256

📍 Akashi Hayashisaki Beach Association
 📞 Telepono: 080-2836-9793

◎ Mayroon ding “Nature Observation Center” sa Ōkura Beach at meron ding lugar kung saan maaari kayong mag-aral tungkol sa mga lamang-dagat. Libre ding makakahiram ng mga tools para mag-observe ng sea creatures at pang-itaas na jacket para sa inyong kaligtasan.

🕙 Oras ng paggamit:
 Sabado, Linggo, at Holidays
 Mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM

Sarado ito kapag masama ang panahon o mataas ang tubig sa dagat.
 Para sa mas detalyadong info, tumawag lamang sa Ōkura Kaigan Park Management Office.

Kung may mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring tumawag sa Parks and Coast Section:
 📞 Telepono: 078-918-5042
 📠 Fax: 078-918-5109

Maaaring kumuha ng Residence Certificate or “Jūminhyō” at iba pang documents sa convenience store gamit ang My Number Card

Kung mayroong My Number Card, maaaring kumuha ng kopya ng residence certificate at iba pang documents gamit ang multi-copy machine ng convenience store kung kaya’t hindi na kinakailangang magpunta pa sa City Hall o Citizen Center.

🕒 Oras:
 Mula 6:30 AM hanggang 11:00 PM
 ※Sarado mula December 29 hanggang January 3

📄 Mga dokumentong puwedeng makuha:

・Kopya ng Residence Certificate
・Seal Registration Certificate
・Income & Tax Certificate

💴 Bayad:
 100 yen bawat document
 ※Mas mura ng 200 yen kaysa sa City Hall o Citizen Center

Kung may mga katanungan patungkol dito, mangyaring tumawag sa City Residents Section:

📞 Telepono: 078-918-5020

📠 Fax: 078-918-5138

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる