Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Anunsyo para sa ika-1 ng Hunyo na Isyu
Klase para Maiwasan ang Pagkalunod at Para Hindi Mangyari ang mga Hindi Ninais na Aksidente sa Tubig
Magkakaroon ng espesyal na klase para turuan ang mga bata at kanilang magulang kung paano makaiwas sa pagkalunod at iba pang hindi inaasahang aksidente habang nasa tubig.
Gaganapin ito sa swimming pool ng fire station, kung saan mismong doon matututo ang mga bata ng tamang mga hakbang sa kaligtasan.
Para ito sa mga batang nasa Grade 4 hanggang Grade 6. Tatanggap lamang kami ng 20 bata.
Kailangan may kasamang magulang o nakatatandang kamag-anak.

- Petsa at Oras: Linggo, Hulyo 6, mula 9:30 AM hanggang 11:45 AM
(Kakanselahin kung uulan) - Lugar: Akashi City Fire Department (明石市消防局)
Address: Akashi-shi, Fujie 924-8 - Paano Magparehistro: Mag-register hanggang Hulyo 2, 5:00 PM gamit ang QR code sa kanan.
Unang makakapagparehistro, unang makakapasok. Kapag umabot na sa 20 katao, isasara na ang registration.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa Fire Department Prevention Section
Telepono: 078-918-5948
Fax: 078-918-5983
Mga Pahingahang Lugar sa Akashi para Iwas Heatstroke


Kapag sobrang init, puwedeng makaranas ng heatstroke, kung saan humihina o sumasama ang pakiramdam dahil sa matinding init ng panahon.
Sa Akashi, may mga itinalagang lugar na tinatawag na “Hito Suzumi Spots” kung saan puwedeng libre at ligtas na makapagpahinga ang sinuman tuwing mainit ang panahon.
・Panahon: Mula Hunyo 1 hanggang Oktubre 31
・Saan Matatagpuan: Sa loob ng mga supermarket, botika, at post office sa Akashi City
Makikita ang kumpletong listahan ng mga lokasyon gamit ang QR code sa kanan.

Para sa mga tanong, makipag-ugnayan sa Health Promotion Section
Telepono: 078-918-5657
Fax: 078-918-5440