Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Impormasyon Mula sa ika-1 ng Agosto na Isyu
Mag-ingat sa heat stroke ng mga Bata
Nagiging sobrang init ang lupa tuwing sumasapit ang tag-init. Dahil malapit ang mga bata sa lupa, mas madali silang makararanas ng heat stroke. Upang maiwasan ito, siguraduhing sundin ang mga sumusunod na gawain:
【Paalalahanan ang mga bata na uminom ng tubig】
Madaling makalimutan ng mga bata ang pag-inom ng tubig lalo na kapag sila ay abala sa paglalaro. Kung kaya’t kausapin sila paminsan-minsan at siguraduhing uminom sila ng tubig.
【Kumain ng mga pagkaing nagpapatibay sa katawan para sa tag-init】
Nirerekomendang kumain ng mga gulay at sabaw na pang tag-init.



Mga gulay na mataas ang lebel ng tubig at makakatulong sa pagpapababa ng init ng katawan -> pipino, kamatis, talong at iba pa.
Mga gulay na makakatulong para mapunan ang nawalang bitamina pagkatapos pagpawisan → edamame, bell pepper, at iba pa.


【Suriin ang kalagayan ng bata.】
Hindi kayang sabihin ng mga bata nang maayos sa tuwing masama ang kanilang pakairamdam.
Bigyang pansin at tingnan kung namumula ba ang kanilang mukha o kung sobra ba silang pinapawisan
★Mainit sa loob ng stroller kung kaya’t mag-ingat
★Ang loob ng kotse na nakaparada ay nagiging sobrang init kung kaya’t huwag iwan ang mga bata sa loob nito.
Kung may mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Kagawaran ng Promosyon sa Kalusugan”.
Ang numero ng 📞 ay 078-918-5657。 Ang sa 📠 naman ay 078-918-5440.
Mag-enjoy sa summer festival kasama ang pamilya at mga kaibigan
Magkakaroon ng mga fiesta para sa mga bata ngayong Agosto. Makikita ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang mga ito sa may listahan ng mga fiesta sa pahina ng “Yasashii Nihongo”. Siguraduhing mag-enjoy kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Mag-ingat sa food poisoning
Mag-ingat sa food poisoning lalo na tuwing Agosto.
Tandaan ang tatlong bagay na ito upang maiwasan ang food poisoning.
- Hugasan nang mabuti ang mga kamay, pagkain at mga gamit sa pagluluto.
・ Hugasan nang mabuti ang mga kamay gamit ang sabon bago magluto o kumain.
・ Hugasan nang mabuti ang mga gulay bago kainin.
・ Hugasan nang mabuti gamit ang sabon ang mga gamit sa ppagluluto at i-disinfect ito.
・ Huwag gamitin sa ibang pagkain ang mga kutsilyo, chopping board, at chopsticks na ginamit na
sa hilaw na karne o isda.
- Mag-ingat sa pag-iimbak ng pagkain
・ Ilagay agad ang mga biniling pagkain sa refrigerator o freezer.
・ Ibalik agad sa refrigerator ang mga pagkain na nasa malamig na imbakan at sa freezer.
・ Panatiliihin ang refrigerator sa 10 degrees celcius pababa at -15 degrees Celsius pababa.
③ Lutuin nang maayos ang mga pagkain
Mamamatay ang mga bacteria ng food poisoning kapag napainit ang pagkain nang maigi.
・ Ang karne at isda ay kailangang maluto ng husto, sa temperature na 75°C o mas mataas pa
nang higit sa isang minuto.
・ Para naman sa mga sa microwave cooking, siguraduhing painitin nang maayos ang buong pagkain.
Kung may iba pang katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Kagawaran ng Kalinisan ng Pamumuhay”.
Ang numero ng 📞 ay 918-5426. Para naman sa fax📠918-5584.