Paunawa mula sa ika-1 ng Agosto 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo mula sa ika-1 ng Agosto na Isyu

Panoorin ang “Takigi Noh” sa Akashi Park.

May espesyal na palabas na tinatawag na Takigi Noh sa Akashi Park.

Ito ay isang tradisyunal na pagtatanghal ng Noh na ginaganap sa entabladong napapalibutan ng apoy.

Ang Noh ay isang sinaunang sining ng Japan na may dalawang anyo: seryosong drama (Noh) at nakakatawang palabas (Kyogen).

Petsa at Oras:

Oktubre 4 (Sabado), 6:15 PM simula (Bubukas ang reception 5:30 PM)

 Kanselado kung uulan.

Lugar:

Akashi Park, West Lawn Area

Presyo ng Ticket:

•            Reserved S Seat: ¥7,000

•            Reserved A Seat: ¥5,000

•            Free seating: Matanda ¥2,500 / High school at pababa ¥1,000

Paalala:

Bumili muna ng ticket bago pumunta. Kung sa araw mismo ng event ka bibili at hindi puno, puwede kang kumuha ng same-day ticket.

Presyo ng Same-day Ticket:

•            Reserved S Seat: ¥7,500

•            Reserved A Seat: ¥5,500

•            Free seating: Matanda ¥3,000 / High school at pababa ¥1,000

Saan Bibili:

Akashi Information Center (JR Akashi Station, Piole Akashi West Bldg, 1F)

Akashi Culture and International Foundation (Aspia Akashi North Bldg, 7F, Higashinaka-no-cho 6-1, Akashi)

Karagdagang Event:

Sa Setyembre, magkakaroon ng “Intro to Noh” — isang simpleng paliwanag para mas maintindihan ng mga unang beses pa lang manonood.

Simula Agosto 1 puwede nang mag-register. First come, first served.

Tingnan ang QR code para sa detalye.

Para sa Tanong:

Akashi Culture and International Foundation

Tel: 078-918-5085

Fax: 078-918-5121

Email: event@accf.or.jp

Dumadami ang kaso ng nakawan ng bisikleta sa Akashi

Ayon sa Akashi Police Station (📞 078-922-0110), tumataas ang bilang ng nakawan ng bisikleta sa lungsod.

Mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, may 182 na kaso na naiulat — halos 40% mas marami kaysa noong nakaraang taon.

Paalala sa lahat ng may bisikleta:

Laging i-lock ang bisikleta kapag iiwan. Mas mainam kung dalawang lock ang gamit:

1.           Built-in lock ng bisikleta

2.           Isang hiwalay na lock (ibang klase)

Para sa Tanong:

General Safety Measures Office

Tel: 078-918-5069

Fax: 078-918-5140

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる