Anunsyo ng Disyembre 15, 2024 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo para sa Disyembre 15 na Isyu

Mga Ospital na Bukas mula December 29 hanggang January 3

Maaaring makita sa page ng “Simple Japanese (Yasashii Nihongo)” ang listahan ng mga ospital na bukas o tumatanggap ng pasyente sa pahina ng kung sakaling magkasakit o maaksidente sa pagitan ng December 29 at January 3. Pakitignan ang listahan na ito at pumunta sa ospital na pinakamalapit mula sa inyong tahanan.

-Tumawag sa Fire Department kung kailangang pumunta sa surgeon dahil sa injury o iba pa.

  Telepono: 078-921-0119    Fax: 078-927-0119 

-Kumonsulta sa Night and Holiday Emergency Medical Center kapag may problema sa tenga, ilong o lalamunan

 Telepono: 078-937-8499   Fax: 078-937-8400 

-Maaaring magpadala ng fax o tumawag sa 119 kapag kailangan ng ambulansya.

-Maraming tao ang pupunta sa mga ospital na nasa listahan sa pahina ng “Simple Japanese (Yasashii Nihongo)” mula December 29 hanggang January 3, kung kaya`t hangga`t maaari ay pumunta na sa ospital bago mag-December 28 upang maiwasan ang mahabang pila. 

[Tandaan]

Maaaring magbago ang status ng mga ospital na hindi nakasara. Pakicheck ang website ng Akashi City Medical Association para sa mga pinakabagong impormasyon. 

●Para sa Sakit o Injury ng mga Bata:

Kung kinakailangan ng tulong maaaring kumonsulta sa Pediatric Emergency Telephone Consultation kahit sa gabi.   Telepono: 078-937-4199 

Oras ng Konsultasyon: Araw-araw mula 8:30 PM hanggang 11:30 PM.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる