Paunawa para sa ika-15 ng Abril 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo mula sa ika-15 ng Abril na Isyu

 Magkakaroon ng International Exchange Event: “World FeImpormasyon tungkol sa mga ospital na bukas sa holidays sa simula ng Mayo

Holiday Schedule: Mula May 3 (Friday) hanggang May 6 (Monday)
Note: Naging holiday ang May 6 dahil natapat sa linggo ang holiday na May 4.

I-check ang “Yasashii Nihongo page” para sa listahan ng mga bukas na ospital at iba pang mga detalye.

Paalala para sa mga Magulang na may Anak sa Elementary at Junior High School

Ang mga magulang ng mga batang nag-aaral sa public elementary at junior high school sa Akashi City ay pwedeng makatanggap ng financial assistance mula sa city kung:

Walang sapat na pera para makapasok sa school ang anak
Ang anak ay nasa special support class
(Special support class = para sa mga batang may physical, mental, o emotional condition na nangangailangan ng special assistance.)

Para sa mga nais makatanggap ng tulong na ito mula April alalahanin at sundin ang mga sumusunod na paalala:

  • Kung mag-aapply sa school o sa city office, hanggang June 13 ang deadline
  • Kung mag-aapply naman gamit ang PC o smartphone, hanggang June 15 ang itinakdang deadline.  Maaari mag-apply gamit ang QR code sa kanan ng papel.

Kung hindi pa kailangan ngayon, ngunit maaaring kailanganin sa susunod ninyo, maaari pa ring mag-apply kahit hindi April. Para sa mas detalyadong impormasyon, pakibasa ang papel na ibibigay ng school.

Para naman sa mga katanungan patungkol sa artikulong ito, tumawag sa Kyōiku Kikaku-shitsu Sōmu Tantō (教育企画室総務担当)

Tel: 078-918-5054 

Fax: 078-918-5111

Paalala: Pagbabayad ng Public FeMaaaring magtanong o magpakonsulta kahit hanggang gabi kung may sakit o injury ang inyong anak

Maaaring tumawag at kumonsulta sa nurse kung di sigurado kung kailanganang dalhin sa ospital ang anak o kung may mga paraan ba na pwedeng gawin sa bahay. Kung kailangan talaga dalhin sa ospital magbibigay din sila ng mga opital na maaaring puntahan. 

📞 Pediatric Emergency Telephone Consultation (Shōni Kyūkyū Iryō Denwa Sōdan)

  • Tel: 078-937-4199
  • Time: Araw-araw, 8:30 PM – 11:30 PM

📞 Child Medical Telephone Consultation (Kodomo Iryō Denwa Sōdan)

  • Tel: #8000
  • Oras:
    • Lunes hanggang Sabado: 6:00 PM – 8:00 AM (susunod na araw)
    • Linggo, mga holidays, & Pagtatapos at pagpasok ng taon (Dec 30–Jan 3): 8:00 AM – 8:00 AM (sunod na araw)
よかったらシェアしてね!
目次
閉じる