Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Anunsyo ng Enero 1
Halina’t maglaro gamit ang wika at kanta ng Mongolia!
Magtuturo sa mga bata ang isang mamamayan mula sa Mongolia ng mga laro at kantang Mongolian. Ito ay gaganapin sa “Multicultural Center Manmaru Akashi” (Higashinakanocho 3-10).
Petsa at Oras: Enero 19 (Linggo)
Ang oras at bilang ng mga maaaring sumali ay iba-iba depende sa edad ng mga bata.

Para sa mga nais sumali, mag apply mula Enero 6 hanggang Enero 15 sa pamamagitan ng telepono o email sa “Multicultural Center Manmaru Akashi.” Kung mag-aapply sa pamamagitan ng email, isulat ang pangalan, edad, address, at numero ng telepono ng mga lalahok.
Telepono: 078-915-8747 Email: info@manmaru-akashi.com
※Nakapende sa unahan ng pag-apply ang basehan sa pagpili ng mga maaaring sumali.
Kung may mga katanungan patungkol sa artikulong ito, makipag-ugnayan sa Multicultural Center Manmaru Akashi.
Sama-sama tayong making sa panayam ng isang mamamayan mula sa Ukraine
Magkakaroon ng pagkakataon na marinig ang panayam ng isang mamamayan mula sa Ukraine na si Goral Nadiya, na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang unibersidad sa Kobe. Ang tema ay “Do the normal things in a normal way. Protect peace.”. Pag-usapan ang kultura at kasaysayan ng Ukraine at sama-sama tayong mag-isip ng mga paraan na maaari nating magawa para sa kapayapaan.
Petsa at Oras: ika-5 ng Pebrero (Miyerkules) Mula 3:00pm-4:30pm (Magsisimula ang pagtanggap ng mga lalahok mula 2:30pm)
Lugar: Meridian Hall (Aspia Akashi North Building, 9th Floor)
Bayad: Libre
Para sa mga nais sumali, mag-apply bago ang ika-29 ng Enero gamit ang QR code sa kanan. Maaari ring mag-apply sa pamamagitan ng telepono, o fax.

Kung magpapadala ng fax, mangyaring isulat ang inyong pangalan at numero ng telepono.
※290 tao ang maaaring sumali, at unahan ng pag-apply ang magiging basehan ng mga maaaring sumali.
Kung may mga katanungan patungkol sa event na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Human Rights Promotion Division.
Telepono: 078-918-5058 Fax: 078-918-5131