Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Paalala para sa March 1 na Issue
Simula April 1, magkakaroon ng penalty ang mga hindi susunod sa bicycle traffic rules.
Simula April 1, kailangan nang magbayad ng “hansokukin” (penalty fine) kapag nahuling hindi sumusunod sa traffic rules ang mga gumagamit ng bike.
Ang hansokukin ay pera na kailangang bayaran kapag lumabag sa batas o traffic rule. Ang rule na ito ay para sa lahat ng nagba-bike na 16 years old pataas. Ang halaga ng penalty fine ay magkakaiba depende sa violation.
Halimbawa ng ilang violations ay ang mga sumusunod:
(☆ = halaga ng penalty fine)

- Pag nagba-bike habang gumagamit ng smartphone.
- Pag nagba-bike habang nakikinig ng music (halimbawa naka-earphones) at hindi mo na marinig nang maayos ang mga tunog sa paligid.
- Pag nakakaabala sa mga naglalakad sa sidewalk
- Hindi humihinto sa lugar na may “Tomare / Stop” sign
- Dalawang tao ang nakasakay sa isang bicycle
- Dalawa o higit pang bicycles na magkatabi habang nagda-drive
Para sa mas detalyadong information, I-scan at icheck ang QR code sa kanan.

● Pag-protekta sa buhay sa pamamagitan ng pagsusuot ng helmet ng tama
Mas mataas ang chance na maligtas ang buhay kung magkaroon ng aksidente at malakas ang tama sa ulo kung tama ang pagsuot ng helmet. Kaya siguraduhin na isuot ang helmet nang tama, tulad ng ipinapakita sa larawan.

⚠ Mag-ingat din sa tamang paglalagay ng strap o tali ng helmet!
Para sa mga katanungan patungkol sa article na ito, maaaring makipag-ugnayan sa Kōtsū Anzen-ka (Traffic Safety Section).
📞 Telephone: 078-918-5036
📠 Fax: 078-918-5110
Magbabago ang oras ng pagproseso ng documents sa City Hall counter
● Bakit magbabago?
Dahil ngayon, marami nang procedures na maaaring gawin online o sa convenience stores, kaya hindi na kinakailangang pumunta sa city hall para sa ilang transactions.
● Kailan magsisimula?
Simula May 1 (Friday)
● Ano ang bagong oras?
Magiging 9:00 a.m. hanggang 4:30 p.m.
● Aling offices ang maaapektuhan?
● Main Building (Honchōsha)
● West Building (Nishi Chōsha)
● North Building (Kita Chōsha)
● City Council Building (Gikai-tō)
● Aling offices ang hindi magbabago ang oras?
● Akashi Sōgō Madoguchi
● Shimin Center (Citizen Centers)
● Service Corner
Para sa mas detailed na information, i-scan at icheck ang QR code.

Para naman sa mga katanungan:
Digital Suishin-ka (Digital Promotion Section)
Tel: 078-918-5741
Fax: 078-918-5103








