Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga anunsyo mula sa ika-15 ng Pebrero na isyu
Magbebenta ang Akashi City ng Digital Gift Certificate
Pangalan: Akashi Tako Pay 50
Ang Akashi Tako Pay 50 ay isang digital gift certificate na puwedeng gamitin sa PayPay app sa inyong smartphone.
Presyo at Halaga:
- ₱1,000 yen bawat set, pero ₱1,500 yen ang puwedeng ipambili
- Hanggang 25 sets ang puwedeng bilhin ng isang tao
Sino ang puwedeng bumili:
- Mga 16 taong gulang pataas
- Nakatira sa Akashi City
- Kailangang 16 taong gulang na sa oras ng aplikasyon
Panahon ng Aplikasyon:
- Marso 2 (Lunes), 10:00 AM hanggang Marso 31 (Martes)
- Kapag maraming nag-apply, magiging raffle (lottery) ang pag pili para sa mga taong makakabili nito.
Resulta ng Raffle:
- Malalaman pagkatapos ng Abril 1 (Miyerkules), 3:00 PM
Paraan ng Pagbabayad:
- Kailangang isang beses at buo ang bayad sa pagbili
Panahon:
- Pagbili: Abril 1 (Miyerkules) – Abril 30 (Huwebes)
- Paggamit: Mula sa araw ng pagbili hanggang Hunyo 30 (Martes)
Para sa listahan ng mga puwedeng gamitan at iba pang detalye, i-scan ang QR code.

Para sa karagdagang tanong tumawag sa Akashi Tako Pay Call Center:
Tungkol sa gift certificate
・TEL: 078-384-0045
・Weekdays, 9:30 AM – 5:30
Tungkol sa PayPay app
・TEL: 0120-990-634
・Available 24 hours
Puwede ring magpadala ng fax: 078-918-5126
Magsisimula ang “Kodomo Dare Demo Tsūen System”
*Isang serbisyong puwedeng pansamantalang iwan ang iyong anak sa daycare.
Sa ilalim ng Kodomo Dare Demo Tsūen System, kahit ang mga batang hindi pa naka-enroll sa daycare, puwede nang iwan sa daycare o katulad na pasilidad sa loob ng itinakdang oras.
- May limitasyon sa oras na puwedeng iwan ang bata bawat buwan
- Kailangang mag-apply muna at makipag-usap sa daycare
- Reservation ng oras ay kailangan bago mag-iwan ng bata
Sino ang puwedeng gumamit ng serbisyo:
- Mga batang 6 na buwang gulang hanggang 2 taong gulang
- Nakatira sa Akashi City
- Hindi pa pumapasok sa daycare, nursery school, o certified child care center
Bayad:
- 300 yen kada oras
- May mga pagkakataong may dagdag na bayad
Aplikasyon:
- Tumatanggap na ng aplikasyon mula Pebrero 15
- Pagkatapos mag-apply, makikipag-ugnayan sa daycare
Para sa detalye, i-scan ang QR code sa kanan.

Para sa karagdagang tanong:
Kodomo Ikuseishitsu – Childcare Services
TEL: 078-918-5093
FAX: 078-918-5293








