Paunawa mula sa ika-15 ng Hulyo 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo mula sa ika-15 ng Hulyo na Isyu

 Magbabago ang patakaran sa pagtatapon ng basura sa Akashi City mula 2027

Simula Marso 2027, kapag magtatapon ka ng mga nasusunog na basura, kailangang gamitin ang bag na itinalaga ng Akashi City.

Ang pangalan ng bag ay “Akashi City Shitei Gomi Bukuro” (Itinalagang Basura Bag ng Akashi City).

● Ang “Akashi City Shitei Gomi Bukuro” ay para lang sa mga nasusunog na basura.

Hindi pwedeng ilagay ang hindi nasusunog o recyclable na basura sa parehong bag.

•            Ang disenyo ng bag ay kasalukuyang pinaplano ng Akashi City.

•            Ang presyo nito ay halos kapareho ng mga basurang bag na mabibili sa supermarket ngayon.


● Bakit kailangan gamitin ang “Akashi City Shitei Gomi Bukuro”?

Para mas bigyang pansin ng mga tao ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura.

•            Magkakaroon ng mga larawan sa bag para madaling malaman kung anong klaseng basura ang pwedeng ilagay.

•            Naniniwala ang Akashi City na kung magiging mas maingat ang lahat sa pagtatapon, mababawasan ang basura.


● Kailan magsisimula ang paggamit nito?

Mula Setyembre 2026 hanggang Pebrero 2027, magkakaroon ng 6 na buwang practice period kung saan pwedeng gamitin ang bagong bag, pero pwede pa ring gamitin ang luma.

Sa Marso 2027, obligado nang gamitin ang “Akashi City Shitei Gomi Bukuro”.


Sa ibang lungsod, ang presyo ng basurang bag ay may kasamang bayad para sa pagproseso at pagsunog ng basura.

Pero sa Akashi City, ang presyo ng bag ay presyo ng bag lang, walang dagdag.


Kung may tanong tungkol dito, tumawag sa Shigen Junkanka (Resource Circulation Division)

Telepono: 078-918-5794

Fax: 078-918-5793

Tungkol sa “Junior High School Level Certification Exam”

Sa Japan, hindi ka pwedeng pumasok sa high school kung hindi ka nagtapos ng junior high school.

Pero may ilang tao na hindi nakapagtapos ng junior high school.


Para sa kanila, may exam na tinatawag na “Chugakko Sotsugyo Teido Nintei Shiken” (Junior High School Level Certification Exam).

Kapag pumasa ka sa exam na ito, itinuturing kang nakapagtapos ng junior high school, at pwede ka nang magpatuloy sa high school.

Makikita ang detalye sa QR code sa kanan.

Petsa ng Exam: Oktubre 16 (Huwebes)

Deadline ng Application: Hanggang Agosto 29 (Biyernes)

Kailangang ipadala ang application documents sa pamamagitan ng kanyo kakitome (registered mail) sa address na ito:

Ministry of Education – Lifelong Learning Division

〒100-8959 Tokyo-to, Chiyoda-ku, Kasumigaseki 3-2-2

Makukuha ang application form sa:

Hyogo Prefectural Board of Education – Compulsory Education Section

〒658-0081 Kobe-shi Higashinada-ku, Tanaka-cho 5-3-23

Telepono: 078-362-3771


Kung may tanong, tumawag sa Gakko Kyoiku-ka (School Education Section)

Telepono: 078-918-5055

Fax: 078-918-5111

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる